Bati na nga ba sina Vice Ganda at MC Muah Calaquian?
Ito ang tanong ngayon ng mga netizens matapos kumalat ang mga larawan ng dalawa na magkasama.
Mga kasamahang stand-up comedians ang nag-post sa social media, kalakip ang mga captions na may pahaging sa pagmamahalang umiiral sa kanilang grupo.
Matatandaang naging laman ng headlines sina Vice at MC nitong June 2025 dahil sa umano'y di nila pagkakaunawaan.
Read:
- Vice Ganda calls out MC Muah: “Hindi marunong makisama.”
- MC Muah at Lassy, kusang umalis sa It's Showtime?
VICE AND MC IN ONE FRAME
Nitong Biyernes, July 11, 2025, ipinost nina Lady Morgana Perez at Tammy Brown ang mga larawang kuha sa VICE Comedy Club, na pagmamay-ari ni Vice.
Sina Lady Morgana at Tammy ang performers noong gabing iyon.
Unang nag-post si Lady Morgana ng larawang kasama niya sina Vice at MC sa dressing room.
Ang caption (published as is): “Celebrating full of Love and happiness! [heart emojis]
“Dalaygon ikaw o diyos na makakagahum sa tanan!”

Nag-post din ng photo si Tammy kasama sina Vice at MC.
Caption niya (published as is): ”Nag-uumapaw ngayong gabi ng pagmamahal at sobrang masayang Masaya kaming lahat.
"Sobra din ang saya ngayong gabi kasama ang madlang people sa VICE Comedy Club [heart emojis]
“Mahal na mahal namen kayong dalawa Meme Vice Ganda & Kuya MC Muah Calaquian [praying hands, heart emojis]
“LOVE.. LOVE.. LOVE [heart emojis]”

Maraming netizens ang natuwa sa mga larawan.
May hirit pa ang ilan na sana ay bumalik na sa It’s Showtime si MC at ang ka-tandem nitong si Lassy Marquez.

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club
VICE AND MC ALLEGED RIFT
Napaulat ang sinasabing tampuhan nina Vice at MC nang ilabas ng una ang vlog tungkol sa bakasyon niya sa Coron, Palawan, noong Mayo 2025.
Kasama ni Vice ang kanyang mga kaibigan, kabilang na rito si MC.
Sa isang punto, nagkaroon ng open forum at nagbatuhan sila ng random questions.
Dito naglabas ng inis si Vice at sinabing hindi marunong makisama si MC, na naging emosyonal dahil sa narinig.
Pagkatapos ng open forum, makikitang nagyakapan ang dalawa.
Pero kasunod nito, hindi na napanood sina MC at Lassy sa It’s Showtime.
Doon na naghinala ang mga fans at supporters na ang ginawang pagsita ni Vice ang pinag-ugatan ng kanilang tampuhan.
Nataon pang nahinto sina MC at Lassy sa pagpe-perform sa club ni Vice nung napaulat ang isyu.
Pero tahimik lamang sina Vice at MC tungkol sa mga nangyari.
