Pagkatapos umani ng magagandang reviews si John “Sweet” Lapus para sa pagganap niya as Mama Eme sa musical na Delia D, nais niyang maging bahagi ulit ng isang theater production.
Na-revive daw kasi ang passion niya sa pag-arte sa entablado.
"Oo naman! Nagsabi na ako kay Direk Dexter Santos na kung may role for me sa mga next plays niya, musical or not, fight pa din ako.
"Happy ako na ito ang aking theater comeback. Nakaka-proud but at the same time nakaka-humble especially pag nababasa ko ang reviews about my performance as Mama Eme.
“Hopefully, may repeat kami ng Delia D. Fingers crossed. Maganda kasi ang play namin. Kita naman sa mga reviews.
"Sarap mag-theater. Nakaka-focus, nakaka-enhance ng talent at nakakabalik ng self-confidence.
"Calling all other theater guilds, tawag na!” pahayag ni Sweet.
Read: BINI sparks buzz over dislike for Betamax, hopiang baboy

Ilan sa mga natanggap na positive reviews ni Sweet ay mula sa TheaterFansManila.com:
“John Lapus is particularly memorable as Delia’s drag mom Mama Eme—funny, full of signature sass, but with a tough-love tenderness that adds heart.”
May special mention din siya from broadwayworld.com: “Two standout performances were rendered by John 'Sweet' Lapus and Mimi Marquez as Mama Eme and GVB, respectively.
"Through brief exposures and recurring ones, the two performers had their moments to save some drowning moments of the production.
"Lapus's solo, 'Queen with Many Crowns,' was moving, while Marquez's 'Twinkle, Twinkle' was breathtaking.
"The songs were among Manalo's 10 new compositions made for the production.”
Mula naman sa Tatler: “John Lapus’ performance as Mama Eme—Delia’s drag mother—had me laughing every time he was on stage with his raspy voice and exaggerated swagger.”
Dahil naging successful ang pagtatanghal ng Delia D, dasal ni Sweet na magkaroon ito ng nationwide tour para maihatid nila ang magandang mensahe ng musical sa iba’t ibang LGBTQIA+ communities.
“Sana nga may bumili at dalhin sa maraming lugar.
“Universal ang theme ng Delia D. Kahit LGBT si Delia and the other characters, makaka-relate din dito ang mga cisgender, bata man or matanda.”
Read: Dina Bonnevie clarifies "iisa lang ba ang doctor" quote in Alexa Miro-Jane de Leon meme
JOHN LAPUS WISHES TO BE PART OF MMFF 2025
Ngayong tapos na ang musical, ready na raw siyang tumanggap ng mga projects for TV shows and movies.
“Puwede naman na ako tumanggap now. Acting or directing. Masyado na ring mahaba ang naging pahinga ko.
“Kaya ako ay nananawagan na din sa mga MMFF entries. Suwerte ang movie pag kasama ako sa MMFF. Alam niyo na!” tawa pa ni Sweet.
Nag-celebrate ng 52nd birthday si Sweet noong nakaraang July 7, at marami raw siyang ipinapapasalamat sa buhay niya ngayon.
“Masaya at very thankful na sa edad na 52, fresh pa din ako at mukhang bata daw for my age.
“Salamat Lord at umabot ako sa edad na ito at until now ay may career pa din ako.
“As always, I celebrated with my friends, headed by Boyet [Mariñas], who organized a party for me. Hindi na nila ako sinu-surprise kasi nabubuking ko naman!
“I opted to celebrate it also with three other friends na kalapit ko ng birthday.”
JOHN LAPUS brims with gratitude
Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Sweet ay hindi na raw siya nakakaranas ng anxiety at depression.
“For the first time in years, hindi ako nagka-birthday blues kasi nga naging busy ako sa Delia D.
“Two months na rehearsal since February at another two months for our run na natapos lang last June 28.”
Higit sa lahat, proud si Sweet sa kanyang mga na-achieve sa 32 years na nasa showbiz siya. Masaya siya sa naging ambag niya sa LGBTQIA+ community.
“I’m very thankful to my career and its influence to the LGBTQIA+ community.
“Modesty aside, ibang tao din naman ang nagsasabi na naging pivotal sa representation ng gay characters ang mga roles ko sa movies at TV shows na ginawa ko.
“Kelan lang ay kinuyog ako ng mga staff ng ABS-CBN na Gen Z. Ako daw nakikita nila sa TV noong bata pa sila at idol daw ako ng parents nila."
Mula 1992 hanggang 2012, naging co-host si John Lapus ng mga talk shows na Entertainment Konek at The Buzz ng ABS-CBN; at S-Files at Showbiz Central ng GMA-7.
Nakilala rin siya sa mga remarkable roles niya sa pelikula: Temptation Island (2011), Moron 5 and the Crying Lady (2012) at Moron 5.2: The Transformation (2014), to name a few.
Sambit ni Sweet: “I’m proud to say na isa tayo sa naging inspirasyon para sa malaya at masayang pagtamasa ngayon ng mga gay actors at performers sa TV, stage, pelikula, at kahit sa social media.
“Ang kanilang mga careers at presence ay dahil nalatag namin nang maganda ang dinadaanan at dadaanan pa nila.
“We paved the way, influenced, and inspired. Mabuhay!
“I am honored na isa tayo sa nakagawa noon. Hindi nasayang ang hirap natin at ng mga directors, writers, at producers in the past to elevate the LGBTQIA community sa mga naging trabaho namin.
"Maraming salamat for the support in the past 30 years of my career on stage, TV, at pelikula. Makakaasa kayo ng mas makabuluhan, entertaining at inspiring pang works from me—mapa-aktor, writer, or direktor man ako.”
Ano ang birthday wish niya?
“Sana magkaroon na ulit ako ng regular show. As an artista or writer or director. Kaya ko lahat iyan.
“For the last four months kasi, naging busy ako sa Delia D musical, so ngayon, puwede na ako tumanggap ng bagong labada.
“Nakausap ko na din ang Star Magic at sabi nga nila ay ginagawan na ng paraan.
“I’m so grateful sa Star Magic for taking care of me for almost 25 years.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa pamamagitan ng Facebook Messenger noong July 12, 2025.
