Balik-hosting si Dina Bonnevie.
In the mid-'90s, nagkaroon siya ng mga morning talk shows—ang Ms D at D! Day.
In the age of social media, ilulunsad niya ang House of D sa YouTube.
Tiyak, marami na naman siyang magiging quotable quotes. Hindi ba't ilan sa mga sagot niya sa interviews ay naging viral?
"Marami ba akong quotable quotes?” ang natatawang tanong niya.
Read: Daniel’s song adlib sparks buzz amid Kathryn-Mark dating rumors

DINA BONNEVIE ON STARS LOOKING ALIKE
Sa katunayan, sa isang viral meme tungkol sa dalawang artistang magkamukha, nakabalandra ang quote na ito ni Dina: "Kaya minsan pag tiningnan mo, pare-pareho na yung mukha nila, e. Parang iisa lang ba ang doctor nito? Nakakalito, magkamukha nga sila.”
Mabilis na pagkaklaro ng aktres: "But people are putting words into my mouth. Wala akong binanggit na pangalan."
Pero totoo nga raw na may nasabi siyang ganun tungkol sa hitsura ng mga artista ngayon.
"I honestly said that. It’s true!
"Tingnan niyo ang mga artista ngayon, yung mga bata, mga bata pa lang, operada na."
Kaya nalilito nga raw siya kapag may mga bumabati sa kanya. Saksi ang Abot-Kamay na Pangarap co-star niyang si Pinky Amador.
"Tapos, kapag lahat sila bumati sa akin, 'Di ba, yun ang bumati sa akin?'
"Sabi ni Pinky, 'Hindi, mars, yung isa iyon.'
"'Hindi yun ang nag-hello kanina?'
"'Hindi, iba iyon.'
"E, ba’t kasi pare-pareho ang mukha nila? O baka naman pare-pareho ang make-up artist? O baka naman pare-pareho ang doctor?"
Hindi napigilan ni Dina na ikumpara ang mga artista noon sa ngayon.
Sa pagpapatuloy niya: "Pare-pareho sila ng cheek bones, pare-pareho sila ng ilong. Pare-pareho ng chin augmentation.
"Sabi ko, bakit noong panahon namin? It’s either maganda ka, artista ka. Or pinabili ka ng suka, naging artista ka, komedyante ka.
"E, ngayon, kahit ubod ka ng shongs [pangit], puwede na, di ba?
“O, ano bang nauuso ngayon, the before and after. Ayoko namang malagay sa before and after.
"Tingnan mo naman yung before and after ko, yun pa rin,” saka nag-project ang actress-host.

Susog ng reporter na ito: "At isang kapansin-pansin din noong araw, magaganda ang mga artista, pero magkakaiba ang mga ganda."
Pagsang-ayon ni Dina, "Correct."

“Iba naman ang ganda ni Snooky [Serna], ni Maricel [Soriano]. Sabi ko, sa era namin, hindi uso iyon.
"Pero ngayon, tingnan mo, manood ka ng TV, sasabihin ko, 'Di ba yun ang bida niyan?'
"Sasabihin ng P.A. ko, 'Hindi, iba iyon.'
"Bakit pareho ng mukha? Kasi nga, pareho ng doctor. But I didn’t name names.”
DINA BONNEVIE ON ALEXA MIRO-JANE DE LEON POST
Eventually, during the interview, si Dina na rin mismo ang nagbanggit sa pangalan nina Jane de Leon at Alexa Miro, na sinabing magkamukha sa isang meme.
Aniya, “Sa totoo lang, I never met Jane de Leon in person. I never met Alex Miro in person.”
Itinama siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang showbiz reporters na Alexa Miro at hindi Alex Miro ang pangalan nito.
“I never met them, so it’s not true na pinangalanan ko sila. That’s putting words into my mouth.”
Read: Dina Bonnevie wants Kristine Hermosa for Miss U PH
DINA BONNEVIE ON KRISTINE HERMOSA
Napa-“Gano’n?” ito nang may magbigay ng suhestiyon na siguro raw, maganda ring pag-usapan sa kanyang YouTube show na House of D ang mga ganyang topic.
“Siguro kapag nagkaroon kami ng episode about plastic surgery. Should you or should you not?
"O, sige, tanungin natin, 'Oyo, ano ang feeling mo kapag nagpa-plastic surgery si Tin?'" pagtukoy ni Dina sa anak niyang si Oyo Sotto at asawa nitong si Kristine Hermosa.
Umapela ang mga showbiz reporters na kausap at sinabing hindi ito kailangan ng kanyang manugang.
Binago ni Dina ang tanong at sinabing: “Nalaman mo after so long na lahat pala iyon ay plastic surgery?"
Saka niya dinugtong, "Pero diyosa na talaga si Tin."
Kahit nga raw mga pinsan niya na hindi kilala at first time makita si Kristine ay napansin ang ganda niya.
“Noong nag-Bonnevie reunion kami, yung mga pinsan ko na hindi siya kilala. Kasi, hindi naman sila mga showbiz, sabi nila, ‘Oh my god, that girl is so beautiful! Who is she? Why is she in the reunion?’
“Sabi ko, ‘Ano ka ba, that’s Kristine Hermosa. That’s the wife of my son, Oyo.'
"'She’s your daughter-in-law?! Oh my gosh, can you introduce us? She’s so beautiful!'
"Siyempre, si Tin naman, gumaganon-ganon naman [flips her hair]. Yung mga pinsan ko naman, naka-ganon [tulalang nakatingin] sa kanya. 'She’s so beautiful pala.'
“Hindi naman showbiz mga iyon at hindi naman nanonood ng TV, hindi nila kilala. Tapos, ni-research nila, she’s an actress pala. E, kasi yung iba, umuwi pa ng ibang bansa. Hindi siya kilala.
"Ang ganda-ganda talaga ni Tin kahit walang make-up.”
Hiniritan naman si Dina na parang siya lang din, sabi niya: “Oh, well, kayo ang may sabi niyan."
"Kung siya ang diyosa sa mga panahon ngayon, I’m proud to say, isa rin akong diyosa noon,” natatawang sabi pa niya.
Naganap ang interview na ito noong July 9, 2025, sa Azadore sa Quezon City.
