PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emil Sumangil prays for protection amid risks in his job

Emil Sumangil shares on Instagram his prayer for his safety.
by Arniel C. Serato
Published Jul 21, 2025
Emil Sumangil prays for protection
24 Oras anchor Emil Sumangil's prayer: "Iligtas mo ako sa banta’t peligrong dala ng aking trabaho, higit sa lahat sa tukso’t kasalanang lumalason sa aking puso’t isipan, Mahal na Panginoon."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso PR Girl on Facebook / Instagram

Patuloy pa ring ipinagdarasal ng 24 Oras co-anchor na si Emil Sumangil ang kanyang kaligtasan sa gitna ng mga "banta" at "peligro" na kaakibat ng trabaho niya bilang broadcast journalist.

Sa Instagram nitong nakaraang July 18, 2025, nagbahagi si Emil ng larawan ng kamay na may hawak na rosaryo.

kalakip nito ang panalangin sa Panginoon na ilayo siya sa "tukso't mga kasalanan" na lumalason umano sa kanyang puso't isipan.

Buong caption ni Emil, "Iligtas mo ako sa banta’t peligrong dala ng aking trabaho, higit sa lahat sa tukso’t kasalanang lumalason sa aking puso’t isipan, Mahal na Panginoon.

"Blessed Weekend, friends. Wet weekend tayo [winking face emoji]

"#InGodWeTrust #DeusVult (God wills it)"

Sa comments section ay nagpaabot ng suporta ang maraming netizens sa broadcaster:

Netizens on Emil Sumangil
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on Emil Sumangil

Read: Janus del Prado to Awra: "You are hurting the gay community."

EMIL SUMANGIL RESURFACES AFTER ABSENCE

Unang humingi ng dasal sa publiko ang asawa ni Emil na si Michelle Tolentino Sumangil noong July 4, pagkatapos umere ng explosive at exclusive interview ni Emil sa whistleblower na si Julie Patidongan o Alias Totoy tungkol sa mga nawawalang sabungero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng panayam ni Emil kay Patidongan, nalaman ng publiko ang kuwento tungkol sa mga naglahong sabungero at diumano’y itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.

Pinangalanan din ni Patidongan sa nasabing panayam ni Emil ang negosyante at gambling tycoon na si Charlie "Atong" Ang bilang "mastermind" umano sa kaso ng missing sabungeros.

Idinawit din ni Patidongan ang aktres na si Gretchen Barretto at ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged in missing sabungeros case

Kinagabihan ng July 4, naglabas naman ng personal prayer request ang misis ni Emil na si Michelle para sa kaligtasan ng kanyang asawa.

Ang dasal ni Michelle ang pasasalamat at sagot nito sa mga nagmamalasakit kay Emil.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

Matapos ang exposé ni Emil, ilang araw siyang hindi napanood sa primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras, kaya nabahala ang mga tagasubaybay ng programa pati na rin ang mga kaibigang hindi siya makontak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero noong July 12, muling nasilayan ng publiko ang matapang na journo sa pamamagitan ng dalawang videos na ni-release ng GMA Public Affairs sa Facebook.

Sa unang video, nagpasalamat si Emil sa suporta at malasakit ng ating mga kababayan.

Sa pangalawang video, nag-imbita siya sa viewers na panoorin ang special report ng Resibo tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Read: Emil Sumangil is back; absence from TV explained

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
24 Oras anchor Emil Sumangil's prayer: "Iligtas mo ako sa banta’t peligrong dala ng aking trabaho, higit sa lahat sa tukso’t kasalanang lumalason sa aking puso’t isipan, Mahal na Panginoon."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso PR Girl on Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results