Hindi nagustuhan ng mga artistang sina Jake Ejercito, Jessy Mendiola, at Jon Lucas, pati na ang maraming netizens, ang anila'y insensitibong post ng Department of Interior and Local Government (DILG) Facebook page tungkol sa class suspension ngayong nananalasa ang Habagat sa bansa.
Maraming lugar ang lubog sa baha at mga kalsadang hindi madaanan dahil sa taas ng tubig.
Pero tila cool at pakuwela lang ang post mula mismo kay DILG Secretary Jonvic Remulla.
Read: Vice Ganda skips work to play in the rain with Nanay Rosario
Jake, Jessy, jon comment on DILG post
Hindi natuwa ang ilang celebrities at netizens sa paggamit ng DILG ng mga salitang "abangers" at "bogchi" sa isang post tungkol sa seryosong kondisyon ng ating bansa, kunsaan maraming pamilya ang apektado.
Bandang alas-tres ng hapon ngayong Martes, July 22, 2025, nag-anunsiyo ang DILG, sa pamamagitan ng kalihim nitong si Remulla, ng mga lugar kung saan walang pasok sa eskuwela at tanggapan ng gobyerno.
Gamit ang logo ng ahensiya, mababasa ritong galing kay "Sec. Jonvic" ang anunsiyo.
Nakasaad dito: "Mga Abangers, Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali. Oh eto na inaabangan ninyo!"

Kasunod nito ang listahan ng mga lugar na walang pasok.
Kabilang dito ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Benguet, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Bataan, NCR, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Negros Occidental, Guimaras, at Cavite.
Hindi natuwa rito ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito.
Komento nito: "There’s a time and place for trying to be funny— this isn’t one of them."

Isa pa sa hindi natawa sa post ng DILG ang aktres na si Jessy Mendiola.
Aniya, "Is this supposed to be funny?"

Komento naman ng Kapuso actor na si Jon Lucas, "DILG Philippines parang siga lang samin yung nagpost ah. Sana all sarap ng bogchi sa gantong panahon"

Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen
DILG RECEIVES BACKLASH FROM NETIZENS
Nanggigil naman ang maraming netizens dahil hindi raw angkop ang biro ng DILG sa sitwasyon ngayon ng ating bansa.
Hindi nakakatawa ang kalagayan ng mga naapektuhan at perhuwisyong dulot nito sa marami nating mga kababayan.
Maraming lugar ang lubog sa baha at mga ari-ariang napinsala.
Marami na rin ang lumikas sa evacuation centers.
At ang nakakalungkot, may mga nabawian ng buhay dahil dito.
Komento ng isang netizen: "Call me OA, but people are suffering, some are losing homes and loved ones. And yet, others act like everything’s perfectly fine, as if nothing’s happening. I hope we can be more mindful with our choice of words next time."

Sabi ng isa, "There's a lot of way to make things lighter, but you're not in the right position to make jokes in times like this. Just saying po."

Mensahe ng isa para kay Remulla: "Sir, public service requires professionalism, compassion, and timely communication—especially during crises. Mocking critical announcements undermines good governance and disregards public welfare. We urge a more dignified approach that prioritizes the safety, trust, and well-being of the Filipino people."

Ayon sa isa pa, "Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali.’ Really? You think it’s funny? Out of touch naman pala."

Saad pa ng isa, "A very unserious caption for a very serious matter. Nice try"

Komento naman ng isa: "i get it you're trying to lighten the mood. but this isn’t the right time to joke around. a lot of people are suffering right now dahil sa walang tigil na ulan at baha. kaunting malasakit at concern naman please. "

Sabi pa ng isang netizen: "There’s a time and place for humor. Not every moment needs a punchline. Nothing wrong with trying to be funny. But if someone is grieving, overwhelmed, or just trying to stay afloat, your joke does not help."

Wala pang opisyal na pahayag ang DILG ukol sa mga batikos ng tao.
