Humingi ng paumanhin ang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Jonvic Remulla sa mga hindi nagustuhan ang gawi ng kanyang pag-anunsyo patungkol sa mga paaralan at ahensya na walang pasok dahil sa bagyo.
Nitong July 22, 2025, katakut-takot na batikos ang inabot ni Remulla dahil sa anila'y pagiging "insensitibo" nito sa kanyang announcement post.
Read: Jake Ejercito, Jessy Mendiola, netizens not amused by DILG post
Ito'y dahil sa paggamit niya ng mga salitang "abangers" at "bogchi" sa gitna ng seryosong kondisyon ng bansa, kunsaan maraming pamilyang Pilipino ang labis na apektado.
Mababasa kasi rito, "Mga Abangers, Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali. Oh eto na inaabangan ninyo!"

Kasunod nito ang listahan ng mga lugar na walang pasok, kabilang na ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Benguet, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Bataan, NCR, Laguna, Rizal, Batangas, at Quezon.
Kasama rin ang Marinduque, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Negros Occidental, Guimaras, at Cavite.
Jonvic Remulla speaks out in defense over suspension post
Sa kabila ng batikos, nanindigan si Remulla na walang masama sa gawi ng kanyang pag-aanunsyo.
Diin niya, palabiro lamang siyang klase ng tao.
Ang nakakatawa raw niyang post ay sinadya niya para mapagaan ang loob ng mga Pilipinong nangangamba sa kanilang kaligtasan.
"Siguro hindi nila ako naiintindihan. Mabiro talaga ako. Hindi ko naman minamaliit ang pinaghihirapan nila.
"Ang ginagawa ko lang, ang pagpapaalala ay ginagawa kong mas magaan para hindi naman negative vibes lagi ang naririnig," paliwanag ni Remulla sa panayam niya sa Unang Balita ng GMA Integrated News nitong umaga ng Miyerkules, July 23.
Bagamat para kay Remulla ay biro, naiintindihan daw niya na iba ang pagtanggap ng iba, kaya humihingi raw siya ng tawad sa mga na-offend sa gawi ng pagpu-post ng kanyang opisina.
Saad niya, "Kung hindi naman nila naiintindihan ay humihingi ako ng pasensiya.
"Pero ganoon talaga pagkatao ko. Ano na lang, intindihin na lang ito na wala naman akong masamang intensiyon."
Remulla: "A LITTLE HUMOR NEVER HURT ANYONE."
Ilang oras lamang ang lumipas makaraan niyang humingi ng paumanhin, ay muling nag-post si Remulla sa DILG Facebook page.
Kaugnay pa rin ito sa sinasabi niyang pabiro niyang pag-anunsiyo ng work at class suspension.
Ani Remulla, hindi na mababago pa ang ugali niyang palabiro, kamuhian at batikusin man siya ng publiko.
Read: GMA News' Nico Waje brings kilig vibes with his typhoon updates
Hanggang alam daw ng kalihim na wala siyang minumura, binabastos, at hinahamak ay ipagpapatuloy raw niya ang ugali niyang ito.
Mababasa sa post: "Ang daming letga (galit). Pasensya na, pero hindi na ako magbabago ng ugali.
"Kung ang biro ko ay di karapat-dapat para sa inyo, tandaan ninyong wala naman akong minura, minaliit, o hinamak.
"Wala rin akong binola o sinabing kasinungalingan.
"A little humor never hurt anyone."
