Dinepensahan ni Heart Evangelista ang kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera laban sa isang netizen na pinagkukumpara sila.
Sa TikTok noong Miyerkules, July 23, 2025, nag-upload si Heart ng mga litrato niya kasama ang mga kaibigang sina Anne Curtis at Solenn Heussaff.
Kuha ang mga larawan sa store opening ng isang French luxury brand na dinaluhan nilang tatlo.
Sa comments section ng post ni Heart ay may isang netizen ang ikinumpara si Marian sa tatlo.
Halatang pinasaringan ng basher si Marian.
Komento nito, "Ganito ang class Marian—sa kilos, sa salita, at sa pag-uugali."
Napansin ito ni Heart kaya sinagot niya ang basher.
Ayon kay Heart, si Marian ay may sariling personalidad at kakayahan kaya hindi raw tamang ikinukumpara ito sa iba.
Sabi ni Heart (published as is), "Wag ganon. Marian is a woman of her own."

Netizens show support for Heart and Marian
Dahil sa pagtatanggol ni Heart kay Marian, maraming netizens ang natuwa sa anila'y ganap nang pag-aayos ng dalawa.
Sabi ng isang fan ni Marian, "Thank you queen Hearty for defending Marian."
Komento pa ng isa, "A true queen empowers other women. Slay Ms. Heart."
Saad pa ng isa, "Bati na nga sila, nakakatuwa."
Dagdag naman ng isa, "Ganito dapat para maiwasan yung criticism. Hindi yung nila-like pa yung comments na masama sa kapwa babae."
previous RIFT between Heart and Marian
Lagpas isang dekada na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng alitan ang Kapuso stars na sina Marian at Heart sa set ng pelikulang pinagsamahan nila, ang Temptation Island, noong 2011.
Nagsimula ito sa ilang alingasngas noon sa X (dating Twitter) at blind item.
Pero pinabulaanan ito ni Heart sa kanyang tweet noong June 11, 2011.
Saad ni Heart noon, "Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, wag na tayo mag-away-away."
Ngunit kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong June 13, 2011, kung saan sangkot ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco.
Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kung saan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.
Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal noong June 14, 2011, pagdating sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.
Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabihang: "Stay away from my daughter!"
May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.
Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.
Read: (UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud
Pero ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin ng boyfriend ni Heart noon na si Daniel Matsunaga sa isang interview na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.
Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend pa lang ni Marian noon (at asawa na ngayon).
May niluluto kasing proyekto noon ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.
Doon daw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.
Pero mabilis naman daw naayos ng dalawa ang gusot na ito bago pa man sila bumalik ng Maynila.
Nang akala ng lahat ay okey na sina Marian at Heart, lumaki uli ang isyu dahil sa nangyaring insidente sa airport.
The Reconciliation of Heart and MariaN
Fast forward to 2023—makalipas ang isang dekadang bangayan, sa wakas ay nagkaayos na ang dalawang Kapuso stars.
Nangyari ito noong December 2023 nang masilayan ng publiko na magkasama ang dalawa nang parehas silang dumalo sa 84th birthday celebration ng GMA executive na si Atty. Felipe L. Gozon.
Nangyari ito matapos nilang muling i-follow ang isa't isa sa Instagram noong October 25, 2023.
Read: Marian Rivera and Heart Evangelista now follow each other on Instagram
November 11, 2023, sa eksklusibong panayam ni Heart sa GMA-7, ipinagtapat niyang nagkaayos na sila ni Marian kaya muli na silang nag-follow-han sa Instagram.
Kuwento ni Heart, ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa ang nagtulak para muli silang mag-usap at magkaayos ni Marian.
Matagal na raw nakakausap ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco si Marian at ang asawa nitong si Dingdong Dantes dahil nagkakasama ang mga ito sa school activities ng kani-kanilang mga anak.
Pinili lang muna raw ni Heart, maging ni Marian, na huwag munang magbigay ng pahayag tungkol dito upang hindi na mabahiran ng isyu ang kanilang pagkakaayos.
Ani Heart, "Hindi lang kami... Ako, hindi ako personally nagpapa-interview, kasi I don't want it to be anything that's for publicity.
"Because something like that should be from your heart."
Aminado rin si Heart na maraming external factors kung bakit natagalan bago sila magkaayos.
Sabi niya, "And you know, Marian and I, we've always liked each other. And it's a true testament that, you know, we should always be supporting each other.
"Because real queens support each other."
Pagbubunyag pa ni Heart, si Marian ang nag-reach out sa kanya na sobra raw niyang na-appreciate.
Read: Heart Evangelista on rekindled friendship with Marian Rivera: "Real queens support each other."
Sa panayam naman ni Marian sa PEP noong November 15, 2023, sinabi niyang masayang-masaya siya sa panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Heart.
Aniya: "Yung puso ko ay... ang naramdaman ko, talagang my heart is happy.
"Tapos nandun ako sa peaceful... na finally, everything, alam mo yung God's perfect time.
"Parang sa buhay natin ngayon, parang mas masarap na peaceful ka at masaya ka araw-araw, na wala kang iniiwasan.
"And sabi ko nga, mabuti talaga ang Diyos, ibibigay Niya talaga sa iyo yung makakabuti para sa iyo."
Read: Marian Rivera on rekindled friendship with Heart Evangelista: "Mas masarap na wala kang iniiwasan."
Simula nito ay naging bukas na rin ang dalawa na ipakita sa publiko ang panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan nang magkaroon sila ng interaksiyon sa GMA Gala 2024.
Dito ay naispatan silang nagyakapan at nagbesohan nang makita nila ang isa't isa sa nasabing GMA-7 event.
Read: Marian Rivera, Heart Evangelista reunite anew at GMA Gala 2024
