PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza reveals "technique" how she internalizes a role

Barbie admits she was challenged to do horror film P77.
by Rose Garcia
Published Jul 25, 2025
Barbie Forteza switches perfume to signal different roles
P77 star Barbie Forteza reveals her secret ritual when she's juggling different roles.
PHOTO/S: Rose Garcia

Magkasabay na ginawa ni Barbie Forteza ang GMA teleserye niyang Pulang Araw at ang horror film niya na P77 o Penthouse 77 ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Warner Bros.

May inaming teknik si Barbie kung ano ang ginagawa niya para maging epektibo ang “characterization” niya, lalo na kung lagare siya sa magkaibang proyekto.

May pabango raw siyang ginagamit at magkakaiba ito, depende sa karakter na ginagampanan niya. Para sa P77, ang Eclat D/ Arpege ng Lanvin ang gamit niya.

Iyong may wood note ang isa raw sa paborito niyang scent.

Ayon dito, "Actually, yung amoy talaga ng kahoy, yung puno. Mas yon ang talagang naalala ko and nakatulong talaga siya sa akin. Kasi ano siya, parang there’s so much character sa scent na yon."

Hindi common sa isang artista na sa pabango humuhugot pagdating sa kanilang karakter, pero naisip daw niya talaga yon.

"Na-discover ko siya sa Maging Sino Ka Man kasi, ang mga pabango ko talaga, sweet, fresh, ganyan. E, yung role ko ron, naging lalaki ko, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong time na naging lalaki ko, yun yong pabango ko, sweet. Parang nahirapan ako. Sandali, ang hirap namang maging lalaki, e, ang naaamoy ko, babae. So do’n ako nag-explore ng ibang scents."

Nababago talaga ng pabango ang pag-atake niya sa karakter?

“Nakakatulong,” sey niya. “Like do’n nga, wala kang naaamoy na anything feminine.”

Mahilig din daw talaga siya sa pabango at mabangong tao.

“Oo, very impressive sa akin kapag mabango ang isang tao.”

Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”

FIRST MAINSTREAM MOVIE WITHOUT A LOVETEAM

Sa mahigit isang dekada ng karera ni Barbie bilang isang aktres, ang P77 ang maituturing niya na kauna-unahan niyang solo mainstream movie.

Pero nakapagbida na siya sa ilang indie films katulad ng Laut at Mariquina kunsaan nanalo siya ng Best Actress sa 36th Fantasporto International Film Festival, at Best Supporting Actress sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival, respectively.

Kaya kinamusta namin siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong ipalalabas na sa July 30, 2025, ang P77—kaba, pressure o excitement, lalo na pagdating sa box-office.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Fulfillment,” ang nakangiti niyang sagot.

“I’m so fulfilled right now because hindi ko pa man napapanood ang pelikula namin, doon sa ginawa naming pelikula, kung papaano namin siya ginawa, I am confident that the outcome would be great. And I just can’t wait na mapanood finally naming lahat, kaming mga gumawa.

“Siyempre, we owe it to the audience kasi, like I’ve said, since there is a challenge in theaters right now... Kasi, hindi na rin biro ang presyo ng cinema talaga.

"So, it is something worth buying talaga, worth watching. Bihira pong mapapanood sa free TV.

"And again, horror is a more special experience in theater, kasi you get to share the experience with the rest of the audience.”

Sabi pa niya, “Kasi, ang saya nung may mga barkada sa taas, nagtatawanan tapos biglang nagsisigaw na, 'Hayan na, hayan na!' Ang sarap, ang sarap maging part ng experience na yun and para sa akin, horror talaga yung perfect genre for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s just fulfillment, kilig.”

Nilinaw rin sa naganap na mediacon na ang P77 ay orihinal na konsepto at hindi ito adaptation ng Korean series na Penthouse. Ang direktor ay si Roderick Cabrido.

Read: Mga hurado ng OPM Female Clones, napuna ang mix-up sa winner

BARBIE FORTEZA ON DOING A HORROR FILM

Sabi namin kay Barbie, isa siya sa henerasyon ngayon na totoong mahusay na aktres. Magaling siya sa drama, komedya, at romcom.

Pagdating sa horror, ang pelikulang The Road ng GMA Films noong 2011 ang huli niyang ginawa.

Aminado siyang sa lahat ng genre, sa horror siya pinakanahirapan.

"Kasi nga, like you said, The Road pa ang last ko. Actually, sa lahat naman ng bagay na hindi mo palaging ginagawa, challenging siya. Kasi, it’s not something na comfortable kang gawin. It’s not something you do all the time.

"Kaya halu-halo na rin ang paggawa ng pelikulang ito. Pressuring, challenging, and at the same time, fulfilling as an artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoong buhay, matatakutin daw siya talaga.

Gugustuhin ba niyang tumira sa penthouse?

"Hindi, hindi talaga. Una takot ako sa heights," natawang sagot ni Barbie.

Read: Angel Locsin shows support for stepson Joaquin Arce

JC ALCANTARA'S THIRD EYE

Nagulat din si Barbie nang malaman sa co-star niya sa P77 na si JC Alcantara na may third eye raw ito.

Nang tanungin siya kung gusto niyang mabuksan ang third eye niya, mabilis na sabi ni Barbie, "Hindi, okay lang po talaga, kaya na po ni JC yon."

Sabi pa ni Barbie, "Alam niyo, hindi niya kinuwento yon. Buti na lang talaga, or else, mawawala ang power ng perfume.

"Takot na ko agad-agad kung kinuwento niya sa akin sa set. Baka hindi po ako ang tamang tao na mabuksan ang third eye."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
P77 star Barbie Forteza reveals her secret ritual when she's juggling different roles.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results