May namumuo bang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Atasha Muhlach at Jacob Ang?
Si Atasha ay certified showbiz royalty. Anak siya ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Si Jacob ay scion ng San Miguel Corporation (SMC), na pagmamay-ari ng kanyang ama na si Ramon Ang.
Kilala rin siya sa palayaw na Jake.
Noong June 15, 2025, ni-repost ni Jacob ang trailer ng Bad Genius, ang bagong TV5 series kunsaan si Atasha ang bida.
Napansin ito ng mga masugid na followers ni Atasha.
Ang Instagram Story ni Jacob ay na-screenshot at ni-repost sa TikTok.
Sa caption sa TikTok, nagtanong ang netizen kung si Jake ba ang "rumored boyfriend" ni Atasha.
Read: Netizens are loving Arci Muñoz's “final look”

Sa comments section, mararamdaman ang kilig ng mga fans.
Hindi raw ito ang unang pagkakataong nagpakita ng suporta si Jake kay Atasha sa pamamagitan ng pag-repost ng mga bagong proyekto ng dalaga.
"very consistent yan siya mag share sa IG story," komento ng isa.
May video pang kumalat na kuha umano kay Jacob sa isang event ni Atasha para sa Bad Genius.
Side profile lang ng lalaki ang makikita, at ang text na nasa clip: "omgggg super proud boyfriend."
May isa namang netizen na nagsabing kasama si Jacob sa isang picture ni Atasha at ng pamilya ng dalaga nang magbakasyon ang mga ito sa Hong Kong.
Ang ama ni Atasha na si Aga pa raw ang nag-post ng group picture sa social media, pero binura rin daw agad ng aktor.

Hindi rin nakalagpas sa mapanuring netizens na naka-follow sa isa't isa sina Atasha at Jacob sa Instagram.
Napuna nila ang pag-like ni Atasha sa iilang IG posts ni Jacob mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ang kapatid ni Atasha na si Andres ay nagla-like rin sa ilang posts ni Jacob.
Mahihinuhang kaibigan ng kambal na Atasha at Andres si Jacob.
Wala namang nababanggit si Atasha na manliligaw o di kaya ay nobyo kapag siya ay nakakapanayam ng press.
Pero isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakapagsabi noon pang May na madalas niyang makita na magkasama sina Jake at Atasha.
At sa tingin niya, nagkakamabutihan ang dalawa.
Kagabi, July 29, isang taong malapit sa dalaga ang tinanong ng PEP through Viber tungkol sa real score, pero hindi pa ito sumasagot.
Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera
WHO IS JACOB ANG?
Si Jacob ang special assistant to the chairman of SMC, ayon sa May 2025 cover story ng Esquire.
May active role rin siya sa ilang subsidiary ng SMC na may kinalaman sa luxury cars.
Director at chief planning officer siya ng Velocita Motors Inc., na official importer, dealer, at distributor ng Ferrari sa Pilipinas.
Base pa rin sa ulat ng Esquire, involved din si Jacob sa BMW Philippines dahil sa kuneksyon niya sa SMC Asia Car Distributors Corp, na importer, distributor, at service provider ng kilalang German car manufacturer.
Hilig din niya ang racing, at sumasali siya sa mga international competitions.
