Mariing itinanggi ni Klea Pineda na ang Kapamilya star na si Janella Salvador ang third party sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf.
Sa maiksing panayam kay Klea ng GMA News, sinabi ni Klea na wala itong katotohanan.
Aware ba siyang may mga ganitong isyu na lumabas sa media?
Sagot ni Klea, "Of course, of course, I'm aware sa nangyayari but ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi mismo sa inyo, walang third party na nangyari."
Naging malapit daw sila ni Janella dahil sa ginawa nilang pelikula noong Mayo 2025 na Open Endings.
Bukod kay Janella, naging malapit din daw siya sa dalawa pa nilang kasamahan sa pelikula na sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong.

Paglilinaw pa ni Klea: "Yung closeness namin ni Janella, inevitable siya kasi magkasama kami sa film.
"So kaming apat sa film, si Jasmine, si Leanne, si Janella, and me, yung closeness namin talaga na-develop during shooting days namin.
"And the third party issue? Come on guys, tama na."
Sandaling nakapanayam si Klea sa kasalukuyang ginaganap na GMA Gala 2025 sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Read: GMA Gala 2025 blue carpet arrivals: Ladies in bright colors
NETIZENS on KLEA PINEDA-JANELLA salvador connection
Trending noong July 21 sa social media ang Kapamilya actress-singer na si Janella dahil inginuso siya ng netizens na dahilan diumano ng hiwalayang Klea at Katrice.
Kahit na itinanggi ni Klea na may panloloko o pagtataksil sa relasyon nila ni Katrice, marami pa ring netizens ang hindi kumbinsido.
Lalo na nang mag-viral sa Facebook ang screenshots ng pagla-like ni Katrice sa magkakasunod na comments ng followers niyang pilit humihingi ng kumpirmasyon tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Klea.
Dito na nadawit ang pangalan ni Janella, na itinuturong third party umano sa hiwalayan nina Klea at Katrice.
Read: GMA Gala 2025 blue carpet arrivals: Stars in black ensembles
Isang netizen ang nagkomento sa isang TikTok video ni Katrice noong July 19, o isang araw matapos kumpirmahin ni Klea sa TV na hiwalay na sila.
"Follow na kita kase wala na yung cheater," komento ng netizen.
Hindi ito nireplayan ni Katrice ngunit kapansin-pansin ang pagla-like niya rito.
Isa pang netizen ang nagtanong, "Si Janella S. po ba?"
Hindi rin ito nireplayan ni Katrice pero ni-like din niya ito.
Sumunod na ni-like ng dating nobya ni Klea ang komento ng netizen na, "Once you like it Katkat, then confirm na si JS nga yung other party."
Read: Is Janella Salvador the third party in Klea-Katrice split?
Samantala, bukas si Janella sa pagsasabing suportado niya ang LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.
Dumadalo siya ng pagtitipon kapag pride month bilang pakikiisa sa adbokasiya ng grupo.
Makailang beses na ring iniintriga si Janela ng ibang netizens kaugnay ng kanyang sexual orientation. Pero tila deadma lang ang aktres sa bagay na ito.
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Janella Salvador, Jane de Leon on GL series possibility
