Barbie Forteza at Jameson Blake, dyowa reveal na ba ang pagpapakita ng sweet moments?
Read: Barbie Forteza asked about real score with Jameson Blake
Ito ang tanong ng fans ng dalawang young stars, matapos silang makitang magkasama kagabi, August 2, 2025, sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Kitang-kita sa ilang video na naka-post ngayon sa social media ang closeness nina Barbie and Jameson.
May isang video na spotted sila na holding hands while walking sa loob ng ballroom.
May video din na mag-uusap silang dalawa habang nakaupo sa isang mesa.
https://x.com/trixie_dauz/status/1951683726746030490
Sa video na pinost naman mismo ng GMA News sa kanilang X (dating Twitter) account, kitang magka-holding hands sina Barbie at Jameson nang paalis na sila sa venue ng gala.
Mayroon ding video na nakita sila ng mga fans na nasa loob ng isang fastfood chain.
Nakapila sila sa counter, para bumili siguro ng pagkain matapos ang event.
Read: GMA Gala 2025, people and pairs we missed
Barbie Forteza and Jameson Blake: WHAT IS THE REAL SCORE?
Ano nga ba ang dahilan ng closeness ngayon nina Barbie at Jameson?
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress noong July 28, 2025, ay hindi inamin ng young actress ang status ng relasyon.
Sa halip, ikinuwento lang nito ang mga activities na sabay nilang pinagkaabalahan. Isa na rito ang pagtakbo.
Saad ni Barbie, “Basta ano, masaya siyang kasama kasi, he’s into running also.
“Actually, aside from him, marami naman akong sinasamahang tumakbo, like si Kyline [Alcantara].
“Ayoko naman siyang i-single out sa mga nakakasama kong tumakbo.”
Noong June 2025 nagsimulang umugong ang ugnayan ng dalawa matapos silang makitang magka-holidng hands sa isang running event sa Pampanga.