Maraming netizens ang naghanap sa comedienne na si Pokwang sa GMA Gala 2025.
Ginanap ang taunang pagtitipon ng Kapuso network sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City noong Sabado, August 2, 2025.
Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nag-tag kay Pokwang tungkol sa kanyang absence sa party.
Ayon dito, "wala si mamang @pokwang27 sa #GMAGala2025 ano?"
Sinagot siya ni Pokwang.
Ayon sa TiktoClock host, abala siya sa pagluluto ng kanyang mga ibinibentang gourmet tuyo dahil daw may mga bultuhang order.
Dagdag pa ni Pokwang, gagastos lang siya at mag-e-effort tapos lalaitin lang ng bashers.
Buong sabi ni Pokwang (published as is): "nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s gourmet meron po kasi deadline mga bulk na order po. attend ka ng GALA gagastos ka e effort ka tapos lalaitin kapa ng tao hahahhaha edi magluto nalang ng paninda."
Nagkaroon pa tuloy ng bagong customer si Pokwang.
Sabi ng isang netizen, "Mamang sa tiktok lang ba kayo nagbebenta? Takam na takam na ang nanay ko sa laing niyo po"
Tugon niya, "meron din po fb page Mamang pokwang’s gourmet"
Read: Klea Pineda: Janella not a third party in breakup with Katrice
Pokwang attends GMA's 75th anniversary
Ni-retweet naman ni Pokwang ang mensahe ng isang netizen sa X kung saan sinabi ritong dumalo naman daw siya sa 75th anniversary ng GMA.
Kasamang rumampa ni Pokwang sa red carpet ang co-host sa TiktoClock na si Kim Atienza.
Ayon dito, "Beautiful people, let’s not be too quick to judge Mother @pokwang27
"What she said came from the perspective of a hardworking single mother. TBF, Pokwang attended GMA’s 'Beyond 75' Anniversary Celebration held last June 29 of this year. #GMABeyond75 #GMAGala2025"
Read: Catherine Camilon's friend backs out as witness
