Pinag-usapan sa social media ang "grand entrance" ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City, noong August 2, 2025.
Pagpasok niya sa blue carpert ay nakablot siya ng mahabang kapa kung saan nakasulat ang titles ng ilang TV shows at iconic movies niya gaya ng Ang Tanging Ina, Pasukob, at Shake, Rattle, & Roll.
Ayon kay Ai-Ai, ito ang kanyang paraan upang gunitain ang ika-35 anibersaryo niya sa entertainment industry.

Ngunit may ilang netizens na hindi nagustuhan ang kanyang pakulo.
Kaugnay nito, nag-post si Ai-Ai sa Facebook ng mga lumang larawan na kuha noong nagpe-perform pa siya sa comedy at sing-along bars noong late '80s.
Ito ay upang ipaliwanag sa bagong henerasyon na "natural" lamang sa kanya ang pagrampa na "naka-costume."
Bilang performer noon, lagari raw siya sa dalawang bars upang matustusan ang gastusin ng kanyang pamilya.
Lahad ni Ai-Ai: "HELLO mga Gen Z 's.. mga baby girls, baby boys, little baklets and little tibambolbees, inform lang kayo ng MAMA AI AI nyo.. itong mga pictures nato mga 1987-1989 nag-work ako as sing along master sa Music Box sa QC kung saan kasama ko si Arnel Ignacio...
"Tapos hindi ka naman mabubuhay sa isang sing along lang kinuha ako sa Malate (STUDIO BAR ).. ito ngang mga pictures ko naka costume ako parate natural ko yan gabi gabi iba iba outfit ko... bakit kamo?
"Kasi yung may-ari ng building 7, babae ang anak .. tapos si KAYO (rip).. sya yung nag-manage ng building sabi nya, 'Halika bibihisan kita yung kakaiba ka..'
"Kaya everyday ayan na nga... luka-lukahan ako and nasanay ako kahit nagka-club ako ganyan ako.. naglalakad ako sa Malate bilang walking distance ang Studio Bar to SUBWAY DISCO (na napakasikat noon na lahat ng designers na sikat pumupunta dun at pag pumapasok ako nagpapalakpakan hahaha) na HINDI NAMAN NILA AKO KILALA KUNG SINO AKO.."
Bago pa man daw siya paratangang nanggagaya o nagpapapansin, ginagawa na raw niya ito noon pa.
Saad niya: "kaya mga bakla tuwang tuwa sa ken akala nila laruan ako (minsan akala nila nag-a-adik ako) hehe parate akong couture in my own version nakita nyo naman may sigarilyo pako sa buhok haha minsan may kopita na may tubig kung ano maisip ko ginagawa ko at sinusuot ko..
"kaya mga mga bagets baka wala pa mga nanay at tatay nyo sa mundo ganito nako..
"WALA akong ginagaya at hindi ako nagpapansin natural ko na yan .. nag-level-up lang ako kasi may pera nakong pambili ng kung ano ano minsan nga pag nakikita ko Lady Gaga kilala kaya nya ko ginagaya kaya nya ko??? Hahaha # feelingera.. ok bye #iwasbornthisway #gustokoto #walangmakakapigil #gmagala2026seeyoupagbuhaypako"
Read: Paolo Contis at Lian Paz, nagkaayos sa tulong ni John Cabahug
AI-AI DELAS ALAS REACTS TO COMMENTS OF NETIZENS
Sa comments section, sinagot ni Ai-Ai ang ilang netizens na nagpahayag ng kanilang suporta sa kanya.
Sabi ng isa: "I think its one of the contributing factors kung bakit ka sumikat is your authenticity. Makikita na talaga parang lokaret kana talaga nuon pa and i love you for that. Never let anyone dim your light."
Sagot ni Ai-Ai: "hahaha oo luka luka nako bata palang ako nag tone down lang nung nag ka anak na and nag asawa pero since malalaki na sila and wala na ko asawa back to normal lets goooooo!!! Wohoooo lukalukahan again"

Sabi naman ng isang netizen, "wala pa si lady gaga may AiAi na po"
Pagsang-ayon ni Ai-Ai, "tama !!!! Korek check shuta!!!"

Papuri naman ng isa: "Miss Ai Si Deals, saludo ako sa’yo! Sa panahon ngayon na puro pa-showbiz at kaplastikan, ikaw yung patunay na may mga taong nananatiling totoo. Hindi mo kailangang magpanggap para mahalin ng tao—kasi ang pagiging totoo mo, 'yun ang dahilan kung bakit mas marami ang humahanga sa’yo. Keep shining, hindi dahil sa arte, kundi dahil sa puso mong totoo."
Mensahe ni Ai-Ai: "awwwwww oo noon nga kahit ano sinasabi ko malamang kung ngayun yun tapos na career ko hehe"

Pag-alala ng isa pa, published as is: "Nkkita Kita dati miss Ai SA Cinderella SM North at nmmili Ka lage don at Sabi Ng mga kawork KO dati Ka din saleslady don.."
Sabi naman ni Ai-Ai: "oo haha naka heels ako and malaking earrings bawal dun kaya parate ako may memo haha"

