PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Clyde Vivas reveals Lars Pacheco left him while he was sleeping

Clyde Vivas on Lars Pacheco leaving him: “Sobrang sakit.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 21, 2025
Clyde Vivas in disbelief after longtime partner Laras Pacheco left him
Clyde Vivas still clueless why longtime partner Lars Pacheco suddenly left him: "Nakakalungkot lang na iniwan mo ko habang natutulog ako at nag iwan ka ng mahabang mensahe para sakin. Sana kinausap mo muna ako para alam ko lahat ng gagawin, pero ganon siguro talaga."
PHOTO/S: Facebook

Puno ng hinagpis at kalungkutan ang mensahe ni Clyde Vivas ilang oras matapos kumpirmahin ng longtime partner niyang si Lars Pacheco na nakipaghiwalay na siya rito.

Sa Facebook at Instagram ngayong Huwebes, August 21, 2025, binalikan ni Clyde ang mga araw kung kailan sila nagkapalagayang loob ni Lars hanggang sa magmahalan sila may pitong taon na ang nakararaan.

Ayon kay Clyde, si Lars ang nakapagpabago sa kanya at ang susi upang matuto siyang magmahal ng isang tao nang sobra-sobra.

Lahad ni Clyde sa kanyang post, published as is: "7 years,

"Sa loob ng 7 years na punong puno ng pagmamahalan, walang pinag sisihan nirespeto at inalagaan pinaglaban sa lahat.

"Naalala konga nung una tayong nagkachat hangang sa una tayong magkita. Hindi ko alam kung pano ako haharap na eexcite na kinakabahan.

"Hangang sa lagi lagi na tayo nagkikita at unti unti na nagkakakilala ng lubusan at nabubuo ang pagmamahalan natin sa isat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko lubos akalain na ikaw ang makakapag pa bago sakin, salamat sayo kase natuto akong mag mahal ng sobra sobra higit pa sa sarili ko."

Lars Pacheco and Clyde Vivas during happier times.
Lars Pacheco and Clyde Vivas during happier times.
Photo/s: Facebook

Malinaw sa post ni Clyde na si Lars ang nang-iwan sa kanya.

Hindi man lang daw sila nagkaroon ng madibdibang usapan bago tinapos ni Lars ang kanilang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ni Clyde (published as is), "Nakakalungkot lang na iniwan moko habang natutulog ako at nag iwan ka ng mahabang mensahe para sakin.

"Sana kinausap mo muna ako para alam ko lahat ng gagawin, pero ganon siguro talaga.

"Nawalan kana din ng pagmamahal sakin, nag sawa kana. Sabi ko nga sayo noon nung pinaglaban kita."

Baka raw nasakal na si Lars sa labis niyang pagmamahal dito.

Labis daw siyang nasaktan sa ginawang pag-iwan sa kanya ng partner.

Aniya pa, "Hinding hindi ako magsasawa na mahalin ka dahil pinili kita. Kaya lang bat nag iba.

"Sorry kung masyado akong na over sa pagmamahal sayo, nawalan na ng challenge lahat.

"Wag ka mag alala kakayanin ko, dahil sa bawat araw araw na magkasama tayo gumigising ako ng may katabing ikaw.

"Yung may kikiss sakin, yung may yayakap sakin. Nung bago moko iwan ramdam na ramdam ko yung yakap mo na mahigpit sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun na pala yung huli ko na mararamdaman sayo. Sobrang sakit. Pero alam ko sa sarili ko kakayanin ko."

Mensahe pa ni Clyde kay Lars: "Sana mabasa moto Mag iingat ka palagi, wag mo kalimutan magdasal. Mahal na mahal kita. Paalam."

View this post on Instagram

A post shared by Clyde Vivas (@stark_cv)

Read: Lars Pacheco's boyfriend asks netizens to stop spreading video of nip-slip incident

LARS PACHECO SAYS no regrets over their seven years of togetherness

Ginulat ni Lars ang mga followers niya sa social media kagabi, August 20, nang bigla niyang ianunsiyong kumalas na siya sa relasyon nila ni Clyde pagkatapos ng pitong taon.

Maiksing post niya: "7 years it was

"No regrets just memories made.

"I wish you healing.

"I wish myself forgiveness [heart emoji]"

Nilakipan ito ni Lars ng black-and-white photo nila ni Clyde na magkayakap.

lars pacheco breakup
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Have Lars Pacheco and partner Clyde Vivas called it quits?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clyde Vivas still clueless why longtime partner Lars Pacheco suddenly left him: "Nakakalungkot lang na iniwan mo ko habang natutulog ako at nag iwan ka ng mahabang mensahe para sakin. Sana kinausap mo muna ako para alam ko lahat ng gagawin, pero ganon siguro talaga."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results