Inamin ng content creator at trans woman na si Lars Pacheco na bago siya nagdesisyong makipaghiwalay sa longtime boyfriend na si Clyde Vivas ay tatlong beses siyang nagtaksil.
Ngayong Huwebes, August 21, 2025, nag-post si Lars sa Facebook ng isang five-minute video upang sagutin ang mga tanong at espekulasyon sa kinahantungan ng pitong-taong relasyon nila ni Clyde.

Nangyari ang kanyang pagsasalita ilang oras matapos ibahagi ni Clyde sa social media kung paano siya iniwan ni Lars nang wala umanong kahit anong paliwanag, maliban sa iniwan nitong sulat, habang siya ay mahimbing na natutulog.
Panimula ng dating Miss Q&A finalist sa kanyang video: "I really want to end this all today, lahat ng questions, lahat ng haka-haka.
"Kasi gusto kong matapos agad ito, like, 'Kanino ka nag-cheat, sino yung mga yan?'"
Read: Clyde Vivas reveals Lars Pacheco left him while he was sleeping
LARS’ FIRST CHEATING INCIDENT: "I acted like nothing happened."
Ayon kay Lars, unang nangyari ang panloloko niya kay Clyde nang magpunta siya sa isang bar sa Makati City kasama ang isang kaibigan.
Doon daw niya nakilala ang isang Taiwanese national na naging ka-one-night stand niya.
Lahad niya: "So the first time, it was in Makati. We're drinking with a friend, just the two of us.
"And then it's almost 6:00 in the morning. I was really drunk and then there's this Taiwanese guy that joined in our table.
"And then I just woke up, katabi ko na siya sa bed.
"And it happened because, of course, I chose it to happen.
"And then nung nagising ako, he was about to leave because he needs to catch his flight."
Sa kabila nito, wala raw siyang inamin kay Clyde, na siya pang sumundo at naghanap sa kanya kinabukasan.
Saad ni Lars, "So that's the first one that I cheated on Clyde.
"I acted like nothing happened. Sinundo niya pa ako, hinanap niya pa ako."
LARS’ second CHEATING INCIDENT: "'nai-in love ako sa iba.'"
Nasundan pa ang unang pagtataksil ni Lars kay Clyde.
Nangyari raw ito noong may makilala siyang lalaki habang nasa out of town.
Pagbabalik-tanaw ni Lars, nagsimula lamang sa simpleng tinginan sa bar hanggang sa magpalitan na sila ng number ng nasabing lalaki.
Kuwento niya: "The next one is I was working out of town and then go to a bar and there's this guy that keeps looking at me, and I looked at him as well.
"And then, it's just that we haven't got the chance to talk in that bar or go near each other.
"Just after that party, he messaged me and I was just, like, out of nowhere, I don't know, I don't know...
"Out of nowhere, I just gave my number and then I told him na doon siya mag-contact because Clyde has access in my Instagram.
"So after that, we really didn't get a chance to talk personally because he was... we're just looking at each other in the bar, so far."
Read: Lars Pacheco's boyfriend asks netizens to stop spreading video of nip-slip incident
Bagamat wala pa raw silang malalim na pag-uusap noon, inamin ni Lars na nahulog agad ang loob niya sa lalaking tinutukoy niya.
Dito raw niya muling napagtantong nami-miss niya ang pakiramdam na kiligin, bagay na hindi na raw niya nararamdaman sa relasyon nila ni Clyde.
Sa puntong ito raw unang sumagi sa isip ni Lars na makipaghiwalay na kay Clyde.
Pagbabahagi niya: "And then, siguro isang buwan din na nag-uusap kami.
"And what made me really decide that I really need to let Clyde go is because of this guy.
"Because, imagine, we don't exchange 'I love yous.' We don't exchange intimate conversations every day for one month.
"It's just 'Good morning. Saan ka na? Nakauwi na ako.' You can just count the conversations that we have.
"And I don't know, I'm falling in love with that man, with that guy.
"Even I didn't know when his birthday, I didn't know ilang taon na pala siya.
"I just fall in love with him without talking personally.
"I mean, we didn't even have a phone call and, I don't know, that's the reason, that's the best...
"I mean, that's the huge part of the decision na, 'T'ng*na, nai-in love ako sa iba.'"
Alam daw ni Lars na maling-mali ang ginawa niya noon, ngunit maging siya ay hindi rin alam kung bakit humantong sa ganoon ang nararamdaman niya sa nobyo.
Sabi niya: "Hindi ko sinasabi kasi proud ako, hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Pero na-miss ko yung pakiramdam na kiligin.
"Na-miss ko yung pakiramdam na may magtatanong sa akin kung ano nangyari sa araw ko, kung okay ba ako...
"Basta, I miss the feeling of being, you know, important to someone."
Lars’ breaking point in ending her relationship with Clyde
Sa ikatlong pagkakataon, muling nagkasala si Lars kay Clyde.
Ito raw ang masasabi niyang "worst" sa nagawa niyang pagtataksil dahil mismong si Clyde pa ang naghatid sa kanya para makipagkita sa isang lalaki mula Portugal.
Dito na raw napagtanto ni Lars na hindi na niya mahal ang nobyo dahil harap-harapan na niya itong ginagawan ng masama.
Lahad niya: "And the third one, and this is the worst that I can't somehow forgive myself.
"Nagpahatid ako kay Clyde to meet someone. He's from Portugal. And, yeah, it happened.
"And then that made a decision, if I still love him, I wouldn't do such things."
Ayon kay Lars, hindi niya ikinukwento ang lahat ng ito dahil proud siya, kundi dahil gusto na niyang tapusin ang mga haka-haka at maka-move forward sa kanyang mga pagkakasala.
Bukal daw sa loob niyang inaamin na nag-cheat siya kay Clyde at handa rin niyang harapin kung anuman ang magiging bunga ng kanyang pagtataksil.
Saad niya: "You know, I take full accountability. I know I did what I did. I'm not proud of it.
"And kung papatagalin ko pa relasyon namin, feeling ko, in the end, it will just be f*ck*d up.
"It's my mistake. I cheated, I know. But I don't know why.
"Hindi ko alam kung naghahanap ba ako ng attention. Hindi ko alam kung ubos na ba yung kilig, ubos na ba yung... hindi ko alam.
"And I'm saying this because I want to end the haka-haka and all. This is the answer, coming straight from my mouth, not in any other people's mouth.
"This is what happened."
LARS SAYS no regrets over their seven years of togetherness
Gabi ng August 20 nang magulantang ang mga tagahanga ni Lars sa pag-anunsiyo niyang hiwalay na sila ni Clyde.
Kalakip ng kanyang breakup announcement ang black-and-white photo nila ni Clyde na magkayakap.
Maiksing post niya: "7 years it was
"No regrets just memories made.
"I wish you healing.
"I wish myself forgiveness [heart emoji]"
Read: Have Lars Pacheco and partner Clyde Vivas called it quits?
