Nasangkot sa isang road accident si Kristoffer Martin base sa kanyang post ngayong Lunes, August 25, 2025.
Pero hindi niya sinabi kung kailan ito nangyari.
Base sa kuwento ng Kapuso actor sa kanyang Instagram Story, nagba-bike siya mula sa lugar kung saan nagsimula ang kanilang bike ride.
Kilalang hilig ni Kristoffer ang pagbibisikleta.
Hindi pa raw siya nakakalayo nang may nasalubong siyang nag-counterflow na motorcycle rider.
Ayon sa kanya, lasing ang driver at tumilapon daw siya.
Nakita rin daw niyang ang driver ng motor ay bumagsak at duguan.
Lahad ni Kristoffer: "Naaksidente ako kanina. Ang bilis ng pangyayari.
"Mabagal pa takbo kasi kakaalis lang sa meeting place.
"Chineck lang sapatos ko nakaclipped-in.
"Tapos ang bilis ng nangyari.
"May nag-counterflow na motor. Lasing. Tumilapon na ko. Si kuya nakita ko bumagsak tapos duguan na."
Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025
KRISTOFFER MARTIN thankful that both of them are safe
Dagdag pang kuwento ni Kristoffer, buong akala niya ay nakapatay siya.
Buti na lamang daw at walang nangyaring masama sa motorcycle rider.
Nagtagal daw siya sa presinto dahil naghihintay siya ng update kung ano na ang kalagayan ng rider.
Sa huli, nagpaalala si Kristoffer sa lahat na maging maingat sa kalsada.
Buong post pa niya: "Akala ko nakapatay ako. Lord salamat buhay si kuya. At minor injuries lang sakin.
"Pero yung ang tagal ko sa presinto nag-aabang ng news if buhay ba si kuya yun yung iniisip ko magdamag.
"At the end of the day, parehas kaming buhay.
"Yun pa rin pinakamalaking pasasalamat ko. Mag-ingat tayo lahat.
"Laging isipin may pamilyang naghihintay satin makauwi."

Nasangkot na rin si Kristoffer sa kahalintulad na aksidente noong March 2025.
Sa isang maiksing post ng aktor sa Facebook, sinabi niyang tinakbuhan siya ng rider ng isang ride-hailing service na nakabangga sa kanyang sasakyan.
Walang ibang detalyeng ibinigay si Kristoffer gaya ng kung saan at kailan naganap ang insidente.
Read: Kristoffer Martin calls out motor taxi for hit-and-run incident
