Palaisipan sa publiko ang recent posts ni Ellen Adarna sa Instagram Stories.
Tanong ng marami: may pinapahiwatig ba ang dating aktres sa kanyang mga post na may koneksyon sa pribado nitong buhay?
Matatandaang kamakailan lamang ay lumutang ang intriga na diumano ay hiwalay na si Ellen sa asawang si Derek Ramsay matapos ang halos apat na taon nilang pagsasama.
Napansin ng marami na hindi nagku-comment o nagre-react si Ellen sa mga post ni Derek sa social media.
Binigyan din ng kulay ang pagpunta ni Derek sa Bali, Indonesia, para sumailalim sa Kami No Ken, isang self-improvement program.
Pinabulaanan ni Derek ang haka-haka at iginiit na walang katotohanan ang tsismis at nananatiling matatag ang pagsasama nila ni Ellen bilang mag-asawa.
Nakiusap din ang dating aktor na huwag na silang intrigahin ganung hindi naman na sila aktibo sa showbiz at pribadong mga indibidwal na sila ni Ellen.
ELLEN'S POSTS CATCH ATTENTION
Nito lamang ay nag-post si Ellen sa IG Stories ng mensahe patungkol sa postpartum o ang period pagkatapos manganak ng babae.
Sa panahong ito ay nakararanas ng pagbabago sa pisikal na pangangatawan at emosyunal na estado ang isang babae na maaaring magdulot ng mood swings.
May dalawang supling si Ellen: si Elias Modesto mula sa dating kasintahan at aktor na si John Lloyd Cruz, at si Liana Del o Lili na anak nila ni Derek.
Read: Ellen Adarna replies to Derek Ramsay's "Baby No. 2" request
Sa isang post naman ni Ellen ay may quote ito na: "You can't destroy the mother of your children and then tell me you're a good father."

ELLEN ADARNA ON TRAITS OF AN ARIES
May pinost din si Ellen na video clip mula sa isang podcast episode kunsaan pinag-uusapan ang katangian ng mga taong Aries ang zodiac sign.
Ito rin ang zodiac sign ni Ellen na ipinanganak nung April 2, 1988.
"This sign doesn't break, they break through," paglalarawan ng astrologer na si Irina Mineeva.
"Life says wait, they say watch me. They've been knocked down 100 times and still come back singing, swinging, louder, faster.
"They fight first, cry later."
May isa pang ni-repost si Ellen na video tungkol sa katangian ng Aries na iiyak lang daw ng "2 seconds" para maglabas ng emosyon, at pagkatapos ay mabilis na magsu-switch na parang walang nangyari dahil tuloy lang ang buhay.
WHAT A WOMAN NEEDS
Sa isa pang IG story, ni-repost naman niya ang video ng health and wellness coach sa Bali, Indonesia na si Nasser Qazi.
May titulo ang IG video na "WHAT A WOMAN NEEDS TO FLOURISH."
Sabi ni Qazi, hindi diamonds at constant romance ang magpapaligaya sa isang babae, kundi "emotional security."
"When a woman feels safe, that means seen, heard, and protected, her nervous system will shift from survival into creation. She would love deeper. She would laugh more...
"Safety is the soil where feminine energy grows. And without it, even the strongest woman will eventually wither. Give her emotional security and she will give you the entire world."
Sumang-ayon si Ellen base sa nilagay niyang text na "emotional security" kalakip ng hands up emojis.

Si Qazi ang coach ni Ellen nang mag-retreat siya sa Bali noong 2020.
Read: Ellen Adarna admits she was "stuck in black hole" for nearly three years
Si Qazi rin ang coach ni Derek sa kanyang retreat sa Bali kamakailan.
Read: Balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, FAKE NEWS
Muli ay walang tunay na may alam kung para kanino ang mga mensahe na laman ng posts ni Ellen o kung may pinasasaringan ito.
Posible rin na nagre-repost lang si Ellen ng random posts sa IG.
Ngunit asahang patuloy na babantayan ng netizens ang social media accounts ng power couple na nagpapakita ng sweet na asaran sa isa't isa sa kanilang posts noon.
