PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto back to work after husband’s death

Rufa Mae Quinto: "I dedicate this song to myself. I hope I like it!"
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2025
Rufa Mae Quinto is back after husband's death
Rufa Mae Quinto is back in the Philippines after a few weeks of mourning in California: "Kasama at naiuwi ko na din asawa at anak ko. Speechless pa din ako sa shock sa naganap sa buhay namin."
PHOTO/S: Instagram

Nakabalik na ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto matapos ang ilang linggong pamamalagi sa Los Angeles, California, dahil sa pagpanaw ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Rufa Mae ng mga bagong kuhang larawan niya.

Makikita ang magandang awra ng actress-comedienne sa kabila ng malungkot na pinagdaraanan.

Rufa Mae Quinto new photo
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila pakanta at may halong biro ang caption ni Rufa Mae.

Ayon pa sa aktres, tuloy lang daw ang buhay pagkatapos ng pagpanaw ng kanyang asawa.

Saad niya, "Tuwing umuulan … [musical note emoji]

"The show must go go go on!

"Andito na kami ng Pilinas, para mag-work.

"Pero itong kanta ko practice lang to!"

Pero ayon kay Rufa Mae, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip ang nangyari sa buhay nila.

Dagdag pa niya, "Kasama at naiuwi ko na din asawa at anak ko.

"Speechless pa din ako sa shock sa naganap sa buhay namin.

"Wala ako masabi, kaya kakanta nalang ako.

"I dedicate this song to myself.

"I hope I like it! [musical note emoji]"

Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing

RUFA MAE REQUESTS FOR PRAYERS FOR HER FAMILY

Noong August 15, 2025, nagdaos ng "celebration of life" ang mga kaibigan at kapamilya ng namayapang si Trevor sa California, USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram, nagbahagi si Rufa Mae ng Reel ng mga kaganapan sa nasabing pagtitipon.

Dasal pa rin noon ang hinihingi ni Rufa Mae para sa katahimikan ng kaluluwa ni Trevor.

Bahagi ng caption niya, "We will keep you posted sa mga ganap namin dito. Please patuloy nyong ipagdasal ang kapayapaan ni Trev. #TrevorForever"

Read: Rufa Mae Quinto still requests for prayers for Trevor Magallanes

Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025.

Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto is back in the Philippines after a few weeks of mourning in California: "Kasama at naiuwi ko na din asawa at anak ko. Speechless pa din ako sa shock sa naganap sa buhay namin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results