Malaki ang pasasalamat ni Rufa Mae Quinto sa lahat ng kaibigan niya sa Amerika na dumalo sa "celebration of life" ng namayapa niyang asawang si Trevor Magallanes.
Naganap ito noong August 15, 2025, sa California, USA.
Sa Instagram, nagbahagi si Rufa Mae ng Reel ng mga kaganapan sa nasabing pagtitipon.
Lahad ni Rufa Mae: "Yesterday, 15 August 2025, was the celebration of life of my husband Trevor.
"Dumating ang mga kaibigan ko para suportahan at tulungan ako: Shellie, from South Carolina, Ryan from Los Angeles, California, Wendy from Chicago, Illinois, Mafae from Stockton, Wendy from SF, Hazel from Nashville, Tennessee, and LJ from Sacramento, California at ang napakarami pang nagmamahal sa akin.
"Pasensya na sa mga hindi ko mabati. Mahal ko kayo.
"Inihanda namin ang hall at courtyard para sa celebration of life.
"Maraming family, friends, at workmates ang dumating para mag bigay-pugay sa kanya.
"Meron ding playroom para sa mga bata to honor Trev, the gamer."
Patuloy pa ring humihingi ng dasal si Rufa Mae para sa katahimikan ng kaluluwa ni Trevor.
Pagtatapos niya, "We will keep you posted sa mga ganap namin dito. Please patuloy nyong ipagdasal ang kapayapaan ni Trev. #TrevorForever"
View this post on Instagram
Read: Rufa Mae Quinto promises late husband to care for their daughter
MESSAGES OF SUPPORT FOR RUFA MAE QUINTO
Sa comments section ng post ni Rufa Mae, naghayag ng kanilang suporta ang celebrities na sina Giselle Sanchez, Sugar Mercado, at LJ Moreno.

Nauna nang ipinangako ni Rufa Mae sa pumanaw na asawa na aalagaan niyang mabuti ang anak nilang si Athena.
Saad niya "I promise to take care of our daughter, we can’t stop thinking of you. Mahal ka namin officer Magallanes."
Read: Rufa Mae Quinto promises late husband to care for their daughter
Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025.
