"Kayo na ba?"
Ito ang diretsong tanong kina Janella Salvador, 27, at Klea Pineda, 26.
Nauugnay ang dalawa mula nang magkatrabaho sila sa pelikulang Open Endings mula noong Mayo.
Bukod sa bonding ng lead stars ng pelikula, may pagkakataon ding namataan silang dalawa na magkasama sa restaurant.
Magkasama rin sila sa hotel kunsaan ginanap ang GMA Gala 2025 noong Agosto.
Read: Klea Pineda, spotted kasama si Janella Salvador after ng GMA Gala
Ngayong Miyerkules, September 3, 2025, sabay nakapanayam sina Janella at Klea ni TV5 entertainment news reporter MJ Marfori sa launching ng Cinemalaya 21 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
"Feeling ko, hindi ito yung tamang venue to talk about personal matters," sagot muna ni Janella sa real score sa pagitan nila ni Klea.
Sabay dagdag niya, "Kung anong nakikita niyo, yun na yun."
Read: Klea Pineda: Janella not a third party in breakup with Katrice
JANELLA SALVADOR ON KLEA-KATRICE BREAKUP
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Janella at inunahan na si MJ sa pagbigay ng pahayag sa isyung si Janella ang itinuturong third party sa hiwalayan ni Klea at Katrice Kierulf.
"Para lang maging klaro, sabi ko po magsasalita ako at the right time. Ito na yun.
"Hindi po ako part ng breakup. Hindi po ako third party.
"I'd like to exclude myself from that," seryosong sabi niya.
Pagdating sa ugnayan nila ni Klea, ulit pa ni Janella, "And ayun lang. Kung ano nakikita niyo ngayon, yun na yun."
Panay naman ang ngiti ni Janella nang usisain kung gaano siya kasaya, lalo pa't magkatabi sila ni Klea.
"Nakikita niyo naman kung gaano ako kasaya," nakangiting saad ng Kapamilya actress.
KLEA PINEDA ON REAL SCORE WITH JANELLA SALVADOR
Maya-maya pa ay si Klea naman ang tinanong ni MJ, "Are you together?"
Sumingit ang co-star nina Klea at Janella na si Jasmine Curtis-Smith.
Ani Jasmine, "Right now, we're all physically together."
Nagkatawanan sina Klea at Jasmine.
"Saving me, Jas!" natatawang hirit ni Klea sa pagsalo sa kanya ni Jasmine.
Hindi nagbigay ng diretsong sagot si Klea, pero aniya tungkol sa kanila ni Janella, "Nakikita niyo online, kahit saan, yun na yun. Basta masaya kami... together."
Dagdag ni Janella, "Kailangan namin mag-focus sa film muna."
