Bata pa lamang daw ay alam na ni Awra Briguela na isa siyang miyembro ng LGBTQ community.
Ito ang ibinunyag niya sa vlog na Bad B*tch B*ble ng vlogger, host, at content creator na si Killa Kush.

Paano niya ika-classify ang kanyang identity ngayon?
"I identify myself as a sweet trans girl," sagot ni Awra.
Noon pa man ay alam na raw ni Awra na isa siyang gay at trans.
Ang trans ay tumutukoy sa tao na ang gender identity ay hindi tumutugma sa naka-assign na kasarian nila pagkasilang.
Saad ni Awra: "Yeah. Parang mga three years old pa lang ako alam ko na kasi I have... na gay ako.
"Pero eto na lang lately yung trans."
Kasunod nito ay ibinahagi ni Awra kung paano niya nadiskubre ang kanyang identity.
Lahad niya: "Well, it all started with my two sisters kasi. I have two sisters.
"And ako yung sumunod after ng dalawang babae. So, growing up, naiinggit ako kasi andami nilang choices, e.
"Puwede silang mag-short, puwede silang magpalda, mag-dress. Tapos ako, polo and short, pantalon lang.
"Growing up, alam ko nang bakla ako kasi gusto ko yung Hello Kitty nila na swimsuit. Gusto ko yung Barbie.
"And sinuportahan naman ako ng tatay ko. Kaya nung lumaki na ako, alam ko na magta-trans ako."
Kailan niya nasabing trans siya at hindi bakla?
Ayon kay Awra: "Yung moment na gusto kong mag-transition na babae talaga.
"Kasi pag gay, before, sinasabi ko na gay lang ako, bakla lang ako. Kasi wala naman akong balak mag-transition.
"Yung parang kuntento na ako na, ito lang, nakakatuwang bakla or, like, bakla lang na nagkakagusto sa lalaki.
"Pero nung nasabi kong gusto kong mag-trans, yung gusto kong itrato akong babae, yung gusto ko tingin sa akin, babae, ganun.
"Pero, like... hindi pa ngayon, pero may plan din akong magpa-sex change. Yung ganun."
Pero hindi naman daw ito agad-agad dahil, "I'm too young pa din."
Twenty years old lang ngayon si Awra.
Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices
AWRA WEIGHS IN ON HAVING BOOBS
Pinag-iisipan din daw ni Awra kung pati ang pagkakaroon ng boobs ay gagawin din niya.
Nanghihinayang daw kasi siya sa kanyang muscles na matagal niyang pinaghirapan.
Aniya, "Boobs talaga, yun yung iniisip ko, e. Pero, like, baka.
"Pero hindi yung OA, yung babaeng boobs lang."
Paliwanag niya: "Kasi, guys, hirap pa ako mag-decision ngayon.
"Kasi nga, yung muscle ko, hindi ako makapag-decision kung ipapatunaw ko ba kasi love ko talaga siya.
"Parang, it makes me so unique. Kaya hindi ko siya mapatanggal-tanggal.
"Kahit na laging kino-comment sa akin, 'Anlaki ng katawan ko.' 'Hinahanap na ako ni foreman.'
"Yung parang, 'May buhos pa tayo, hanap ka na ni foreman.'
"Yung parang akala nila construction worker ako."
Nitong mga nakaraang buwan, pinalagan ni Awra ang pagtawag sa kanya ng bashers na "Bronny James."
Si LeBron Raymone "Bronny" James Jr. ay professional basketball player na naglalaro para sa Los Angeles Lakers ng NBA. Siya ay anak ng basketball superstar na si LeBron James.
Read: Awra Briguela calls out netizen for "Bronny James" comments
Hindi rin pinalampas ni Awra ang diumano'y misgendering sa kanya.
