Pumayag na si Bea Alonzo sa bonding session na imbitasyon sa kanya ng dating love team partner na si John Lloyd Cruz.
Nitong September 6, 2025, lamang nakasagot si Bea sa imbitasyon ni John Lloyd noong nakaraang September 4, 2025.
Kaugnay ito ng post ni Bea noong September 3, 2025.
Inilahad ni Bea sa Instagram post ang pamamasyal niya sa Croatia sa Central Europe. May kasama siya na di niya pinangalanan kung sino.
Isa sa pinuntahan nila ay ang siyudad ng Dubrovnik, o mas kilala sa tawag na King's Landing, na kilalang on-location set para sa capital ng Seven Kingdoms sa HBO series na Game of Thrones.
Nagkomento rito si John Lloyd, gamit ang luma niyang Instagram account na @dumpsitegallery.
Niyaya ni John Lloyd si Bea at ang boyfriend nitong si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club, sa bahay ng aktor.
Masarap daw kasing magluto ang girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos kaya nais niyang sa bahay sila magkita-kita.
Sabi ni John Lloyd: "Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo
"will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook [cook emoji] sarap magluto yon [smiling face with hearts emoji]"
Read: John Lloyd Cruz invites Bea Alonzo, Vincent Co to his house
BEA ALONZO SAYS YES TO JOHN LLOYD'S INVITATION
Tumugon naman si Bea sa imbitasyon ng kanyang mabuting kaibigan at dating love team partner.
Saad niya, "@dumpsitegallery Game!"

Dito na kinilig ang maraming fans nina Popoy at Basha, ang mga karakter nina John Lloyd at Bea sa blockbuster movie ng 2007 na One More Chance.
Sabi ng isa, "@dumpsitegallery @beaalonzo my popoy-basha heart is so kilig, sana may part 3 ang one more chance"

Ayon sa isa pa, "@dumpsitegallery g na daw nyor wag kalimutan update kmi picture² lng"

Saad ng isa pa, "@dumpsitegallery aprub na tlaga sayo si boss Vincent Idan, para kay Tisay.
"Syempre, masaya ka ka makita mo na nasa tamang tao na ang special friend mo Idan.
"Movie nman po ulit kayo ni @ beaalonzo"

Hindi pa naman malinaw kung kailan matutuloy ang double-date nila.
