PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals

Arjo Atayde, Roman Romulo, Marvin Rillo, Marcy Teodoro, among those named.
by Jojo Gabinete
Published Sep 8, 2025
curlee sarah discaya
Contractors Curlee and Sarah Discaya, in a joint statement before the Senate Blue Ribbon Committee, identified the congressmen and DPWH officials who allegedly solicited money from their firm after it won bids for flood control projects.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook

Direktang pinangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang ilang government officials, karamihan ay mga congressmen, na humingi at binigyan diumano nila ng porsiyento sa mga nakuha nilang flood control projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa maanomalyang flood control projects ngayong Lunes, Setyembre 8, 2025, binasa ng Discaya couple ang kanilang joint statement.

Sina Curlee at Sarah ang may-ari ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Dev’t Corporation at St. Timothy Construction Corporation, na kabilang sa listahan ng mga pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng malaking prosiyento sa flood control projects sa DPWH.

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

THE CONGRESSMEN ALLEGEDLY INVOLVED IN DPWH PROJECTS

Ilan sa mga binanggit na mga pangalan ni Curlee Discaya sina Quezon City First District Representative Arjo Atayde, Pasig City Representative Roman Romulo, Quezon City Fourth District Representative Marvin Rillo, at Marikina First District Representative Marcy Teodoro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nabigla sa pagbanggit ni Curlee sa pangalan ng actor-politician na si Arjo Atayde, asawa ng TV host-actress na si Maine Mendoza at unang nahalal bilang kongresista noong Mayo 2022.

Idinawit din ni Curlee ang ama ni Arjo na si Art Atayde, asawa ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Nakakagulat din ang pagbanggit ng mga Discaya kay Congressman Roman Romulo, na kilalang kaalyado ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Si Mayor Vico ang isa sa mga unang naglantad ng katiwaliang sangkot umano ang mga Discaya.

Nakalaban ni Vico si Sarah sa mayoralty race sa Pasig City nitong May 2025 elections.

Bago nangyari ang halalan noong Mayo 2025, iniendorso ni Sotto ang kandidatura ng asawa ni Shalani Soledad.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Vico tungkol kay Romulo noong April 2025: “Walang duda na si Romulo ang tamang kandidato para congressman ng Pasig.

"May mahigit kalahating taon mula October 2018 hanggang May 2019 na halos araw-araw kaming magkasama ni Cong. Roman Romulo. Kaya nakita ko at sigurado ako na may integridad ang ating congressman. Ilang beses na niyang napatunayan ang kanyang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bonus na rin na maganda ang teamwork namin at isa pang bonus na malaki ang tulong niya sa pakikipag-ugnayan namin sa mga nasyonal na ahensya.”

Kabilang pa sa mga kongresista na inilaglag ng mga Discaya ay ang mga sumusunod:

  • Rep. Jojo Ang, Uswag Ilonggo Partylist
  • Rep. Patrick Michael Vargas, Quezon City Fifth District
  • Rep. Nicanor "Nikki" Briones, AGAP Partylist
  • Rep. Florida Roves, San Jose del Monte, Bulacan
  • Rep. Eleandro Jesus Madrona, Romblon
  • Rep. Benjamin Agarao Jr., Laguna Fourth District
  • Rep. Florencio Noel, An-waray Partylist
  • Rep. Reynante Arrogancia, Quezon
  • Rep. Leody Tarriela, Occidental Mindoro
  • Rep. Teodoro Haresco, Aklan
  • Rep. Antonieta Eudela, Zamboanga Sibugay
  • Rep. Dean Asistio, Caloocan
  • Rep. Marivic Co-Pilar, Quezon City Sixth District

Binanggit din ng mga Discaya si Terrence Calatrava, former undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas at ilang opisyal ng DPWH.

Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing

DISCAYAS' BIG BOMB

Parang isang malakas na bombang sumabog ang rebelasyon ng mag-asawang Discaya nang isa-isahin nila ang mga pangalan ng mga kongresista at tauhan ng DPWH na binibigyan nila umano ng malalaking halaga ng pera bilang komisyon mula sa proyektong ipinagkaloob sa kanilang construction companies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng kanilang sworn statement: “Matapos naming manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto.

“Ang hinihingi nilang porsyento ay hindi bababa sa sampung porsyento at umaabot pa sa 25 percent na naging kundisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata.

“Ito ay ibinibigay namin sa kanila nang cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasaad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap."

Patuloy niya: “Meron din mga kinatawan ng ilang pulitiko na nakikipagtagpo sa amin upang manghingi ng porsyento, kapalit ng mga proyekto.

“Ang mga porsyentong ito ay 25 percent ay ipinipilit sa amin bilang karaniwang kalakaran na wala akong kakayanang tanggihan.”

Hindi lamang ang mga kongresista na sangkot sa pagtanggap ng komisyon ang binanggit ng mag-asawang Discaya sa kanilang sinumpaang salaysay.

ZALDY CO AND MARTIN ROMUALDEZ

Idinamay rin nila ang mga pangalan nina Ako Bicol party-list Representive Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Curlee: “Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit na ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co na dapat ay at least 25 percent.

“Si Congressman Marvin Rillo naman ay ilang beses na binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan.

“Basta sa tuwing umiinom kami sa Wine Story sa BGC at EDSA Shangri-La Mall, sinasabi pa ni Cong. Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertions na inaaprubahan ni Speaker.

“Ang tao ni Marvin Rillo, si Bogs Magalong, ang pumupunta sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.

“Si Cong. Jojo Ang naman, palagi ring binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Zaldy Co.

“Mataas ang hinihingi sa project. Dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya kundi para kay Speaker at kay Zaldy Co.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa lungsod ng Pasig naman, lumapit sa akin ang DPWH Project Engineer na si Angelita Garrucha para kolektahin ang parte ni Cong. Roman Romulo sa flood control project noong 2022.

“Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Cong. Roman Romulo, kung saan thirty percent ang kanyang hiningi ay para kay Cong. Roman Romulo.

“Sinabi ko kay DE Ramos na masyado namang mataas ngunit sinabi niya na walang magagawa dito dahil pondo ito galing sa unprogrammed funds at insertion galing sa taas.

“Sa ilang pagkakataon, ang mga pulitiko na personal na inabutan ng halaga, ayon sa hinihingi nila na porsyento mula sa proyekto.

“Ang pagbabayad na ito ay hindi naman kagustuhan kundi isang hakbang na ginawa namin dahil sa matinding panggigipit."

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contractors Curlee and Sarah Discaya, in a joint statement before the Senate Blue Ribbon Committee, identified the congressmen and DPWH officials who allegedly solicited money from their firm after it won bids for flood control projects.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results