Hinangaan ng Kapuso actor na si Jon Lucas ang dalawang delivery personnel na nagsauli ng nahulog niyang wallet kahapon, September 10, 2025.
Ibinahagi ni Jon sa Instagram ang kuwento sa likod ng pagkakasauli sa kanyang wallet.
Ayon sa aktor, naghatid siya ng kanyang mga anak sa eskuwelahan at nagkataong malakas ang ulan.
Nang nag-park sila sa isang mini-grocery store upang bumili ng kapote para sa mga bata, doon daw napansin ni Jon na wala na ang kanyang wallet.
Lahad niya: "Konting kwento lang. Naghatid sa panganay, after 1 hour si bunso naman.
"Ayun malakas ang ulan kanina kaya buhat buhat si Bunso habang hawak yung malaking payong papasok ng sasakyan. (Doon na siguro lumusot wallet ko)
"Nung naka-park na kami sa Happy 11 para bumili ng kapote ng mga bata doon ko na narealize na nawawala wallet ko."
Nataranta raw siya dahil nasa wallet ang kanyang lisensiya.
Makalipas ang halos sampung minuto, nag-message daw sa asawa niya ang dalawang delivery riders na taga-deliver ng mineral water sa lugar nila.
Napulot daw ng mga ito ang wallet ni Jon.
Dagdag pang kuwento ni Jon (published as is): "Super nataranta na ako at hindi talaga ako magdadrive hanggang hindi nakikita yon kasi nandon lisensya ko.
"After 10mins ng paghahanap biglang nag message kay misis sila kuya na nagdedeliver ng mineral water sa street namin.
"Sila nga raw ang nakakita ng wallet ko na may lamang 1K, lisensya, isang atm card at RFID. Walang labis!! Walang kulang!! [face holding back tears, heart emojis]
"MARAMING SALAMAT SAINYO!!! Bawi ako sainyo kapag nakaahon na rin."
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
JON LUCAS: THERE ARE STILL A FEW GOOD MEN OUT THERE
Ang nangyaring ito sa kanya ay nagpaalala raw kay Jon na kahit anong sama ng nangyayari sa mundo, marami pa ring mabubuting tao.
Pagtatapos niya: "Itong kapabayaan ko ang nagpapaalala sa akin na kahit sobrang sama na ng mga nangyayari sa mundo meron at marami pa ring mabubuting tao."
View this post on Instagram
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
Sa comments section, nagpaabot ng paghanga ang followers ni Jon sa kapuri-puring ginawa ng dalawang water delivery personnel.

Read: "Congressmeow" Barzaga gustong paimbestigahan si Martin Romualdez
