May pasaring si Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart sa ilang kababayan niya sa Palawan na sinabihan siyang "lawlaw" at "losyang."
Out of context daw ito dahil ang isyu lamang na naibato sa kanya ay tungkol sa "cake."
Dahil daw sa "cake" issue, lalong dumami ang followers niya sa Facebook at halos aabot na ito sa 100,000.
Lahad ni Imelda: "Nakaraan daw lawlaw at losyang sabi ng mga taga puerto princesa out of context actually dahil cake ang issue—pero si Lord may plot twist Viral na ako at pa-100k followers dahil sa REAL ko Guys, ganon talaga—pag tumaba lumalaki, pag pumayat lumiliit. #RealCoconuts"
May mga nagdududa pa nga raw kung babae ba talaga siya.
"May nag dududa pa kung totoong babae ako. Guys, im a woman.
"Ako po ang pinakokopya na katawan at mukha. Huwag niyo kalimutan kung sino ang pinapa-gayang katawan at mukha—babae. Respect real women too!
"Nakakalimutan niyo na ata ang totoong mukha at katawan ng isang pinagpalang babae ano po?"
Read: Alma Concepcion claps back at "laos" tag from bashers
THE VIRAL "CAKE" ISSUE
Noong June 9, 2025, naglabas ng personal opinion si Imelda tungkol sa baked goods sa Puerto Princesa.
Hindi raw kasi swak sa panlasa niya ang pastries sa lugar.
Aniya: "This is a sentiment i have in Puerto Princesa. No shade just truth pero bakit walang magaling na baker sa Puerto Princesa? 'Pwede na' ang lasa pero cakes, pastries... medyo hindi talaga swak sa panlasa ko.
"Walang gumagawa ng kakaiba dito.. puro ensaymada na hindi fluffy, or.. mga chakang kanto baked bread. Like.. does somebody out there understand the beauty and yumminess of a soft and fluffy bread.. or a high quality cake?"
Tila wala raw magaling na bakers sa lugar.
Parang ginagamitan lang daw kasi ng margarine ang mga cake doon.
Aniya: "Im not sorry for saying this but there is no good baker here. Unfortunately. Lahat lasang 3 weeks na naka display or margarine ang gamit sa cake.. margarine ang labanan sa puerto.. puro lang gamit ng icing walang creativity, walang taste, walang travel experience.. parang mga hindi nakapag maynila..
"MALALAKING establishment naman. Na-try na kaya nila mag Contis or Mary Grace? Kahit ganun lang.. Or somewhere magpaturo na talagang masarap.. bakit puro ganito?"
Read: Court junks criminal information vs. Tessa Prieto, Angel Chua
IMELDA ISSUES CLARIFICATION
Kinabukasan, June 10, naglabas ng clarification sa kanyang Facebook si Imelda "para sa mga napa-react, pero hindi nabasa nang buo."
Personal daw na opinyon ang kanyang inihahayag at hindi panghuhusga sa lahat ng pastry makers.
Sabi niya, "Let’s be clear: What I posted was my personal opinion — hindi generalization.
"Sabi ko: 'This is a sentiment I have'
"'Medyo hindi swak sa panlasa ko'
"Wala akong sinabi na lahat ng bakers ay walang kwenta. Wala akong binanggit na pangalan.
Pero somehow, some of you felt attacked. That’s… interesting.
"If you’re confident in your baking, it shouldn’t bother you. Unless, of course… natamaan ka.
"And if you weren’t the one I was talking about, then why feel so defensive?"
Kalakip ng kanyang mensahe ang larawan ng cake na regalo sa kanya.
Kapansin-pansing parang margarine nga ang tila nakapalibot dito sa halip na icing.

Dagdag pa niya, "I’m open to be proven wrong. In fact, I’d love to find a truly good cake in Puerto Princesa. This isn’t hate — this is a call for excellence. Kaya kung meron ka d’yan na pang-Mary Grace levels… slide it to me.
"Hindi ako nangbabash.
"Hindi ako nag-generalize.
"Gutom lang ako sa fluff, hindi sa drama.
"#PanlasaKoTo #FluffyOrFlop #ImeldaEats #KungHindiIkawWagMaOffend #InSearchOfFluff #margarinecake"
Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback
