PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin breaks socmed silence again; supports protest action

"Stop flooding us with your corruption."
by Mark Angelo Ching
Published Sep 21, 2025
Angel Locsin
Angel Locsin surfaces again on social media to show her support for the nationwide protest action against corruption happening today, September 21, 2025.
PHOTO/S: Angel Locsin Facebook Page

Muling binasag ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik sa social media nang mag-post sa Facebook at Instagram ng kanyang pagsuporta sa nagaganap na kilos-protesta laban sa korapsyon sa gobyerno ngayong araw, Linggo, Setyembre 21, 2025.

Huling nagparamdam sa social media si Angel nang mag-post ito sa Instagram bilang pagsuporta sa kanyang stepson na si Joaquin Arce nung Hulyo ng taong ito.

Bagong pasok sa showbiz si Joaquin na anak naman ng mister ni Angel na si Neil Arce sa nauna nitong nakarelasyon.

Read: Joaquin Arce grateful for stepmom Angel Locsin's support

STOP FLOODING US WITH CORRUPTION

Sa Facebook account ni Angel ay nag-post siya ng mensahe ng pakikiisa.

“Makiisa sa ating mga kababayan! Sama-sama tayong tumindig at labanan ang korapsyon!” saad ni Angel.

Kasama sa post ang larawan niya kung saan nakasuot siya ng black T-shirt na may mensaheng “Stop Flooding Us With Corruption.”

Angel Locsin
Photo/s: Angel Locsin Facebook Page
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala sa Instagram, mas mahaba ang post ni Angel. Dito ay nanalangin siya na sana ay magkaroon ng lakas ang mga nagpoprotesta.

Ikinuwento rin niya ang kanyang reaksiyon sa panonood niya ng mga nangyaring hearing tungkol sa issue.

“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons. Naiiyak ako sa galit, kasi pwede palang hindi sila naghirap. Pwede palang walang nasaktan. Pwede palang walang namatay.”

Sa huli ay nanawagan siya na dapat magsalita laban sa korupsyon.

“Ang bigat,” saad ni Angel. “Nakapanghihina yung ganitong kasamaan. Pero mas nakapanghihina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”

Angel Locsin Instagram post
Photo/s: Screengrab from @therealangellocsin Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

one of the most involved celebrities

Kilala si Angel bilang isa sa mga artistang most involved sa humanitarian work at social issues.

Matatandaang noong tumama ang bagyong Ondoy nung 2009 ay agad na kumilos si Angel at ang kapwa artista't kaibigan niyang si Anne Curtis para lumikom ng pondo na pantulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagbenta sila ng kanilang pre-loved items at humingi rin ng tulong sa iba pa nilang kapwa artista.

Tumulong din noon si Angel sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda nung 2013 sa pamamagitan ng pag-auction sa kanyang mamahaling sasakyan na 1970 Chevrolet Chevelle.

Vocal supporter ng women's rights at LGBT rights at piniling ambassador din noon ng women's group na Gabriela. Isa rin siya sa mga supporters ng Red Cross Philippines.

Kilalang masugid na taga-suporta rin siya at nangampanya para kay Leni Robredo noong huling Presidential elections.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin surfaces again on social media to show her support for the nationwide protest action against corruption happening today, September 21, 2025.
PHOTO/S: Angel Locsin Facebook Page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results