PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Agot Isidro, Karen Davila angry over "basura" code for kickbacks

Agot to corrupt politicians: "Sila dapat itapon na parang basura."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 26, 2025
Agot Isidro, DJ Chacha, Karen Davila call out politicians for coding stolen money as "basura"
Agot Isidro, Karen Davila, and DJ Cha Cha (L-R) are among public figures expressing outrage over revelation that “basura” was used as a code word for alleged kickbacks delivered to politicians linked to anomalous flood control projects.
PHOTO/S: Agot Isidro/DJ Chacha/Karen Davila on Facebook

Labis ang pagkadismaya ng aktres na si Agot Isidro, broadcaster na si Karen Davila, at pati na rin si DJ Chacha sa pagtawag ng ilang politiko sa perang kinurakot mula sa taong-bayan bilang "basura."

Sa patuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa maanomalyang flood control projects, isang nagngangalang Orly Guteza, na dating marine at miyembro ng security staff ni Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co ang humarap at kinanta ang nalalaman niya.

Si Co ang kongresistang iniiugnay sa diumano'y korapsyon ng bilyun-bilyong pisong pondo mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nitong Huwebes, September 25, 2025, isinalaysay ni Guteza kung paano umano nila idini-deliver ang male-maletang "basura" sa bahay nina Co at House Speaker Martin Romualdez.

Ang tinutukoy niyang "basura" ay iyong milyung-milyong pisong halaga na nakalagay sa mga maleta.

Read: Bong Revilla, Martin Romualdez strongly deny allegations

Ayon kay Guteza, nanggaling kay Co ang perang nakalagay sa mga maleta na dinadala umano nila ng kanyang mga kasama sa tahanan ni Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, mahigit 46 na maleta ang kanilang idini-deliver, tatlong beses sa isang linggo.

Umaabot daw sa PHP48 hanggang PHP50 million ang laman ng kada maleta.

Sa 46 na maleta, 16 dito ay idini-deliver umano sa bahay ni Co sa Pasig City at Taguig.

Diumano, ang natitirang 35 na maleta na may perang nagkakahalaga ng PHP1.68 billion ay sa bahay ni Romualdez sa Forbes Park, Makati City dini-deliver.

Ito ang unang pagkakataong may resource person sa Senate hearing na pinangalanan si Romualdez na sangkot diumano sa maanomalyang flood control projects

Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co

AGOT ISIDRO: "Sila dapat itapon na parang basura."

Sa patuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, maraming Pilipino ang ngayo'y mas nanggalaiti sa katakut-takot na korapsyon na nangyayari sa bansa.

Isa na rito ang Kapamilya actress na si Agot Isidro.

Sa X (dating Twitter) inihayag ng aktres ang kanyang pagkadismaya sa pagtawag lamang na "basura" sa perang ilang oras na binuno ng mga ordinaryong Pilipino na nagta-trabaho araw-araw para mabayaran ang kanilang mga tax.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Post ni Agot (published as is), "Yung sayang na sayang ang oras mo sa traffic dahil nilugmok na ng mga walang kwentang politico yung bayan. At tawagin pang ‘basura’ yung pera na ninakaw sa atin.

"Sila dapat itapon na parang basura. Ano na?"

KAREN DAVILA: "Hindi mahirap ang Pilipinas, ninanakawan lang po tayo."

Halos ganito rin ang naging sentiyemento ni Karen Davila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, hindi totoong mahirap ang Pilipinas.

Naghihirap lamang ito dahil sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na kumakamkam sa perang dapat ay sa mga mamamayan.

Saad niya sa kanyang tweet (published as is): "What does it profit a man if he gains the whole world and loses his soul?

"Kung makapag-deliver ng BILYONG PISO sa bahay…"basura" pa ang code name?

"Aanhin niyo po ang bilyong nakaw, hindi niyo naman po madadala yon sa kamatayan?!

"Mga kababayan, kapag kayo po ay binabaha, hindi makapagbayad sa ospital, hindi makapag-aral ng anak, hindi makabili ng gamot… ito ang dahilan.

"Hindi mahirap ang Pilipinas, ninanakawan lang po tayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DJ CHACHA: "...may pera sa basura."

Sa pagtawag ding basura sa pera ng bayan ang hinimutok ni DJ Chacha.

Tweet niya (published as is): "TAWAG NILA SA PERA AY BASURA. Totoo nga ang kasabihan na may pera sa basura.

"Yung perang pinagpapaguran at pinaghihirapan natin, BASURA ang tawag nila. Araw araw pasakit ng pasakit sa puso. NAKAKAGALIT."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anne Curtis, Bela Padilla disgusted by Brice Hernandez’s revelations

Kaugnay pa rin sa korapsyon sa DPWH, noong September 23, nang muling humarap sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry si dismissed Bulacan First Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ipinagtapat niya na bukod sa flood control projects, "substandard" din maging ang iba pang mga proyekto ng ahensya gaya ng mga silid-aralan, ospital, tulay, kalsada, at iba pa.

Read: Hernandez, inaming naglabas ng "fake news" ang kanyang lawyer

Pagsisiwalat ni Hernandez: "Lahat po ito may obligasyon na kailangang itago. Meron pong mga flood control structures, meron pong mga building, merong mga kalsada, at classroom.

"Hindi po tumatama sa plano na naka-design talaga para dito.

"Sa nasasakupan po namin, wala po talagang...

"Mula po noong dumating si Boss Henry Alcantara, 2019 up to present. Wala pong tumama kung ano po yung naka-specify sa plano.

"Hindi po namin lahat na-meet yon."

Read: Escudero, Binay deny involvement in flood control corruption

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napa-react sina Anne Curtis at Bela Padilla sa rebelasyong ito ni Hernandez.

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram Stories, ibinahagi nila ang video clip na naglalaman ng pag-amin ni Hernandez sa diumano'y sistema ng katiwalian sa DPWH.

Hindi naitago ni Anne ang lungkot na kanyang naramdaman na pati pondo sa pagpapagawa ng mga classroom at hospital ay hindi na rin umano pinalampas ng sinumang mga kasabwat na opisyales.

Saad niya sa kanyang repost video, "Back to corruption. Substandard classrooms for kids?!!! My heart [broken heart emoji] Pati hospitals [crying in tears emojis] Bakit po?!!"

Anne Curtis, Bela Padilla disgusted by Brice Hernandez’s revelations
Photo/s: Screengrab on Anne Curtis on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

Galit na galit naman si Bela nang kuwestiyunin niya ang pananahimik ni Hernandez nang mahabang panahon.

Aniya, kagaya ng ibang matataas na opisyales na nangurap, si Hernandez ay wala ring halos pinagkaiba, na walang awang nilustay ang pera ng bayan dahil umano sa pagka-casino at pagbili ng mamahaling mga gamit at sasakyan.

Pahayag ni Bela: "Literally walang hiya.

"Cause if you had any shame in your bones, you wouldn't be where you are today.

"You would've quit your job, thinking that people's lives could be at risk.

"And you would've informed people of what was happening. But no, you went to casinos and spent our money, and slept well at night in your boujie homes.

"Disgusting behavior. The fact that you can say that these projects are substandard so callously should already warrant your rotting in jail."

Dagdag pa niya: "May you never sleep well again, Mr. Hernandez. May the faces of the people you've inconvenienced and harmed haunt you forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Anne Curtis, Bela Padilla disgusted by Brice Hernandez’s revelations
Photo/s: Screengrab Bela Padilla on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agot Isidro, Karen Davila, and DJ Cha Cha (L-R) are among public figures expressing outrage over revelation that “basura” was used as a code word for alleged kickbacks delivered to politicians linked to anomalous flood control projects.
PHOTO/S: Agot Isidro/DJ Chacha/Karen Davila on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results