Mabilis na binura at humingi ng paumanhin ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa pamilya ni Rosa Rosal at sa publiko, matapos nilang mag-post sa social media ng maling impormasyon tungkol sa beteranang aktres.
Ngayong gabi ng Biyernes, October 3, 2025, nag-post ang FAMAS ng isang memorial art card na nagsasabing pumanaw na si Rosa Rosal, Florence Lansang Danon sa totoong buhay, sa edad na 96.
Read: Toni Rose and Rosa Rosal calmly respond to suicide rumors: "We know kung ano ang katotohanan."
Sa nasabing post, nagbigay-pugay rin sila kay Rosa Rosal dahil sa pagiging FAMAS Hall of Famer for Best Actress nito, maging ang pagiging modelo niya sa FAMAS trophy Statuette.

Read: Live to 100? Centenarian says alak and watwat are her secrets
FAMAS apologizes to Rosa Rosal over fake death report
Ilang minuto lamang ang lumipas makaraang i-post ang memorial art card ng diumano'y pagpanaw ni Rosa Rosal ay agad itong binura ng FAMAS.
Ito'y matapos i-post ng entertainment writer na si Mell Navarro sa Facebook ang screenshot ng naging pag-uusap nila ng mismong apo ni Rosa Rosal, ang dating actor-model na si William Thio.
Sa screenshoot, mariing pinabulaanan ni William ang balitang sumakabilang-buhay na ang kanyang Lola Rosa Rosal.
Mababasa sa caption ni Mell (published as is): "So, ang mismong apo ni 97-year old legendary actress Ms Rosa Rosal na si William Thio ang nag-deny na pumanaw na ang kanyang lola.
"Tigilan na ang mga ganitong FAKE NEWS!
"When I called William, he said, 'Tita Rose (as how he calls her) is fine. She's at home.
"'Yung maternal lola ko ang inalisan ng fluid sa lungs in a hospital.
"'But Tita Rose is ok, she's 97. I have no idea kung sino ang source nun,' clarifies the former commercial model-actor turned newscaster."
Inilabas din ni Mell ang video ng pagbati ni Rosa Rosal mismo ng "Maligayang Pasko." Kuha ang video ni William.
Mabilis namang naglabas ng official statement ang pamunuan ng FAMAS para humingi ng paumanhin kay Rosa Rosal, pamilya nito, at sa mga tagahanga niyang nag-alala sa kanilang naging pagkakamali.
Mababasa sa kanilang pahayag (published as is): "We sincerely apologize for an earlier post regarding the passing of Ms. Rosa Rosal.
"It has come to our attention that the information was false.
"Ms. Rosal remains with us, and we deeply regret any confusion or distress this may have caused her family, friends, and admirers."
Sa huli, sinabi ng FAMAS na pinapahalagahan nila ang katotohanan at integridad, kung kaya’t magiging mas maingat na raw sila sa susunod sa paglalabas ng impormasyon sa publiko.
Anila: "FAMAS values truth and integrity, and we will continue to be more vigilant in verifying information before releasing any public statement.
"We extend our heartfelt apologies to Ms. Rosal, her loved ones, and the public."

