Inamin ni Jameson Blake, 27, na maganda ang impresyon ng kanyang pamilya sa Kapuso actress na si Barbie Forteza, 27.
Sa PEP Live webcast noong September 29, 2025, tinanong ng writer na ito si Jameson tungkol sa nag-viral na videos ni Barbie nang bumisita ito sa bahay ng kanyang pamilya.
Makikita roon ang mainit na pagtanggap kay Barbie ng pamilya ni Jameson, at ang masigla nilang interaksiyon.
Nakita pa sa video ang mommy at kapatid ni Jameson, pati ilang kaanak ng binata na halatang natuwa sa pagbisita ni Barbie.

Read: Barbie Forteza meets Jameson Blake's mother; visits his house
Ayon kay Jameson, naganap iyon sa bahay ng kanyang pamilya sa Angeles, Pampanga—ang hometown niya.
Nagkataon daw na may sinalihan silang fun run sa Angeles kaya dumaan na rin sila sa bahay ng binata.
"She joined me twice, I would say, sa run dito sa Angeles. She also got to meet my relatives din.
"They found her really nice. They found her very outgoing, just being herself. That's what they appreciate about her."
Sinabi rin ni Jameson na naging malapit sila mula nang magkatrabaho sa Kontrabida Academy, na noong nakaraang buwan lamang umere sa Netflix pero matagal nang tapos i-shoot.
Pagkatapos magkasama sa proyekto ay nagkasama sila sa mga fun run.
May 12 nang unang maiulat ang pagdalo nila sa fun run, at pagkatapos noon ay sunud-sunod na ang sightings sa kanila sa iba-ibang okasyon.
Read: Netizens react to Barbie Forteza-Jameson Blake viral videos
Sa GMA Gala noong Agosto ay hindi rin nakaligtas sa PEP ang mga eksenang panay ang holding hands nina Jameson at Barbie sa loob ng ballroom.
Nang tanungin sa PEP Live kung ano na ang label ng relasyon nila ni Barbie, ang simpleng sagot ni Jameson, "Basta we're both happy, I would say."
Ine-enjoy raw nila ang mga pagkakataong magkasama sila.
May plano ba silang mag-fun run ulit?
Sagot ng aktor: "Yes, there will be. Right now medyo busy lang. Trying to find the right time. Pero meron pa rin because it's something that we enjoy doing."
Read: Netizens ask: Are Barbie Forteza and Jameson Blake an item?
JAMESON BLAKE RECALLS PBB DAYS
Si Jameson ay dating housemate sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015.
Kasabayan niya sina Miho Nishida, Tommy Esguerra, Dawn Chang, at Richard Juan, to name a few.
Sa isang bahagi ng PEP Live, binalikan ni Jameson ang karanasan niya sa Bahay Ni Kuya.
"I just auditioned lang. I went through the whole process just to see.
"Kailangan ko lang mag-travel kasi taga-Angeles ako. I had to go all the way to Manila to audition tapos naka-ilang callback yan.
"When they told me na nakapasok na ako, that's the start of my journey."
Isang buwan lang ang itinagal ni Jameson sa PBB. Day 81 nang pumasok siya at Day 112 noong lumabas.
Aminado siyang challenge para sa isang introvert na gaya niya ang makisalamuha sa mga bagong kakilala.
"Eighteen ako, lahat ng ka-housemates ko that time, 21 above. Lahat sila magkakilala na. I'm the youngest.
"It was really challenging. I knew everyone's gonna go against me kasi ako pinakabata.
"It was fun and hard at the same time. But things got smoother along the way. I'm thankful for what happened."
Read: Ariel Rivera reveals how he handles temptations
JAMESON BLAKE's ACTING STINTS
Pagkatapos ng PBB ay nakilala siya bilang miyembro ng grupong Hashtags sa It's Showtime.
Pagdating sa larangan ng pag-arte, ilang beses niyang nakapareha sa mga proyekto si Charlie Dizon.
Nagkasama sila sa pelikulang Four Sisters Before The Wedding (2020), iWant series na Sunset Girl (2021), at teleseryeng Viral Scandal (2021-2022).
Napansin ang potensiyal niya sa pag-arte after niyang manalo as Best Supporting Actor sa Cinemalaya film na 2 Cool 2 Be Forgotten noong 2016.
Ayon kay Jameson, isa sa goal niya ay manalo ulit ng acting award.
"Yes, nakaka-miss din. That was a great experience for me and a big reason kung bakit ako nandito ngayon.
"That really boosted my confidence. [As an] introvert, shy boy, it really helps you when you see something like that.
"Parang, 'Kaya ko naman pala.' You won't really know it until you try it out."
Dagdag niya: "I'm working on it. I'm trying different things, even with my upcoming role. I'm trying to have more spice into it. That's what I'm trying to achieve in my career."
