Isa si Elijah Canlas sa mga sumama at sumuporta sa nakaraang Trillion Peso March sa People Power Monument nung nakaraang September 22, 2025.
Tumindig at umakyat siya sa entablado para ipahayag ang saloobin ukol sa matinding anomalya sa flood-control projects ng gobyerno.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elijah sa 38th Awit Awards Nominees Vibe Night na ginanap sa Atmosfera Poblacion nung October 2.
Maaga raw siyang gumising noong araw na iyon.
"Of course, maliban sa pagiging artist, aktor, o musikero, mamamayan din ako ng bansang ito.
"Marami akong minamahal at kilala na apektado sa mga nagaganap ngayon sa bansa natin.
"The least I can do is be open, use my platform, and speak for the voices.
"Expected ko na maraming pupunta, ramdam na ramdam na yung galit ng sambayanang Filipino.
"Ine-expect ko na marami, kahit maaga ako pumunta, ang dami agad ng tao.
"Nakaka-proud at nakaka-excite rin na sana di tayo balewalain, di tayo tuluyang lokohin, at sana bigyan ng pansin yung sigaw ng taong bayan."
Read: Kiko Barzaga recalls surprise date experience: "Hindi ko pala alam na transgender."
ELIJAH CANLAS ON LOVE LIFE
Maganda ang takbo ng kanyang showbiz career pati na rin ang love life.
Sa sobrang busy ng schedule nila ng kasintahang si Miles Ocampo, di ba nagiging problema ang kakulangan ng oras sa isa't-isa?
"Okay na okay, heto, busy lang sa trabaho pero happy.
"Oras? Wala naman, nahahanapan naman ng paraan, I mean, siyempre, we're on the same line of work so naintindihan namin pag busy ang isa't-isa.
"Dahil nga mahal namin ang isa't-isa, usually, we support each other kahit ano pa yun."
Parehong magaling na artista sila Miles at Elijah, marami ang nag-aabang kung kailan kaya magsasama sa isang proyekto ang magkasintahan.
"Sana, sana. May mga lumalapit pero walang natutuloy. Pero sana, kung sino man ang nakikinig diyan na producer, writer, sana mabigyan kami ng pagkakataon na magkatrabaho na magkasama."
Halos five years na rin ang relasyon nila. The started dating in 2021. Naghiwalay saglit nung November 2023. Nagkabalikan nung March 2024.
ELIJAH CANLAS ON BEING A VIBE JOCK
Samantala, isa sa Vibe jock si Elijah, kasama sina Joao Constancia, Ryle Santiago, Queenay Mercado, Maxie Andreison, Ana Ramsey, Queenay Mercado, at iba pa.
At excited siya sa collaboration nila with Awit Awards sa 38th Awit Award Nominees Vibe Night, kung saan isa sa nag-host si Elijah.
"Exciting kasi first time namin...mag-collaborate ng awards show and panibagong challenge sa amin ito para sa mga Vibe hosts.
"Kasi sa Vibe show, it's a hosting show, we have guests, ganyan, but now, we're in Poblacion, Makati, and we're introducing the nominees of prestigious Awit Awards.
Sobrang na-e-enjoy raw ni Elijah ang pagiging isang Vibe jock: "Nung una, iniisip ko, gagawin ko ba ito? Kasi something I've never done before and something I never wanted to do.
"Pero, when they offered it, nakita ko yung tsina-champion ng programa ay original Pinoy music, na I'm a part of, I'm an artist, gusto kong maging parte ng experience na ito.
"For the last two months, I guess, sobrang enjoy kasama ang mga ito."
