Sinagot ni Inah de Belen ang ilang netizens na kumukuwestiyon sa pakikipag-live-in niya sa boyfriend na si Jake Vargas.
Sina Inah at Jake ay halos siyam na taon nang magkarelasyon.
Sa isang Facebook post ni Inah kamakailan, mapapanood ang video ng pagsasayaw nila ni Jake sa saliw ng kantang "Man I Need" ni Olivia Dean.
Sa comments section, may mga netizen na kinuwestiyon ang anila'y pagsasama ng dalawa sa iisang bahay.
"Ang babata pa nag live in na," komento ng isang netizen.
Read: John Estrada advises daughter Inah de Belen not to rush marriage plans
Pinalagan ito ni Inah.
Sagot niya (published as is): "nay 33 years old na po kami magresearch po muna kayo."

Isa pang netizen ang nag-comment ng, "Ang babata pa nag-live in na agad. Magkakahiwalay din yan kapag nagkasawaan."
Depensa rito ng aktres, "We're adults but thank you haha."

Netizens praise how Inah handled criticisms
Ang ginawang pagdepensa ng panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada ay kinagiliwan ng maraming netizens.
Read: Inah de Belen: "I'm always in the shadow of my mom, shadow of my dad."
Komento ng isa, "Tingin siguro ni nanay bata pa kayo kasi bata pa ang mukha niyo, hindi kayo matured tignan."
Saad ng isa, "Baka akala niya 13 pa lang kayo. Baby face kasi."
Sabi pa ng isa, "Life is a choice. Both are matured enough to handle adult situations and relations, let them be."
"Adult na sila and alam na nila ang ginagawa nila. At the end of the day sila naman ang sasagot sa mga action nila. Let them be, they seems to be happy, so be it," dagdag pa ng isa.
Inah appreciates fans who came to her defense
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Inah sa netizens na dumepensa sa kanya.
Sa kanyang post sa Facebook ngayong Lunes, October 6, 2025, idiniin ng aktres ang pagpapalaganap ng kabutihan at pagrespeto sa buhay at desisyon ng iba.
Read: Inah de Belen opens up about past abusive relationships
Mababasa sa kanyang post: "Hello, everyone! Honestly, I didn’t expect ganitong positive responses. Thank you so much sa lahat ng nag-send ng love and good vibes.
"Sana matutunan natin lahat na irespeto ang choices ng isa’t isa at wag ipilit ang paniniwala natin sa iba.
"Hangga’t wala namang naaapakang tao, hayaan na lang nating mamuhay ang bawat isa sa paraan na nagpapasaya sa kanila.
"Life’s lighter that way! More kindness, more love, less judgment."
Sa ulat ng PEP Troika noong February 2024, inamin ng magkasintahang Inah at Jake na halos dalawang taon na sila noong magka-live in.
Nagdesisyon daw ang dalawa na magsama na sa iisang bahay para mas makilala nila ang isa’t isa bago sila magdesisyong ma-engage at magpakasal.
Pahayag noon ni Inah: "E, kasi kami, ayoko naman mangyari na if ever I get pregnant or I get married, magkakapaan pa kami.
"At least ngayon, we’ve been living together for almost two years na. So, alam na namin yung ugali namin sa isa’t isa. Kilalang-kilala na namin ang isa’t isa."
Read: Inah de Belen, pinabulaanan ang matagal nang tsismis na nabuntis siya
