Hindi raw nakikialam si Zoren Legaspi sa diskarte ng kambal niyang anak na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi pagdating sa kanilang buhay at karera.
Lalo na pagdating sa love life, hands off daw siya rito.
Paliwanag ng aktor: "Never. They have their own lives.
"They have their own journey. That's their journey.
"Kung mahuhulog sa bangin, tinawag ang pangalan ko, doon lang ako dadating.
"Pero hangga't nandiyan ka, nadapa ka, hindi mo ako tinawag, wala ako doon. Hintayin kong tawagin mo yung pangalan ko."
May ipinapayo ba siya sa mga anak, lalo na pagdating sa usapin ng puso at sa mga intriga sa mundo ng showbiz?
Ayon kay Zoren: "Wala, e, kasi basta lagi ko lang sinasabi, e, na unahin nila yung trabaho nila over whatever, over yung relationship.
"In general naman yan, e. Minsan kasi pag tayo umibig, in general, pag tayo umibig, minsan nakalimutan natin yung trabaho.
"So, yun ang parang ang advice ko sa kanila."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa presscon ng Hating Kapatid, ang teleseryeng pinagbibidahan nila ng kanyang misis na si si Carmina Villarroel at kambal na sina Cassy at Mavy, noong Martes, October 7, 2025.

Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy
ZOREN TALKS ABOUT THE DYNAMICS OF THEIR FAMILY IN ONE SHOW
Ang Hating Kapatid ang kauna-unahang teleserye kung saan magkasama silang buong pamilya.
Ano ang nilu-look forward ni Zoren sa pagsasama-sama nilang ito?
Tugon niya: "Yung excitement ng mga audience, yung mga manonood, kasi lalo na yung mga magulang, at hindi lang yung mga magulang, yung mga anak na naghahanap ng love ng isang magulang.
"So it's really a family show na talagang magugustuhan nila ang story."
Paano yung sistema nila sa taping? May awkward moments ba sa set?
Lahad ni Zoren: "Ano, e, in fairness, everyone comes prepared, kaya yung awkwardness nawawala, e.
"Kasi kumbaga sa basketball ba, nag-practice ka na mag-dribble, nag-practice ka na mag-shoot.
"So, yung game time, parang, okay, acting na natin.
"Plus si Direk naman, ano, e, very collaborative. So, pag meron kaming mga parang mga input sa mga eksena, pumapayag siya.
"Madali siyang kausap, si Direk Adolf [Alix], kaya mas napapadali at mas lalo kaming na-e-excite magtrabaho lagi."
Mapapanood ang Hating Kapatid sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, October 13.
Anim na araw mapapanood ang Hating Kapatid dahil hanggang Sabado ang airing nito tuwing 2:30 ng hapon.

