Mahigit dalawang dekada na ang relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, labintatlo rito ay bilang mag-asawa.
Sa kanilang pagsasama, wala raw maalala si Zoren na nag-away sila o nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ni Carmina.
Saad ng aktor: "Never. Di kami nag-aaway niyan. Yan nga, sa bahay, very peaceful ang Legaspi family.
"Never. Kahit pumunta ka doon, interview mo yung mga yaya doon, mga kasambahay namin or yung mga personal driver namin, wala silang maikukuwento sa inyo.
"Tsaka, wala kaming takot na may secret something or dark secrets sa loob ng bahay namin."
Palagi rin daw silang magkasamang kumain ni Carmina at ng kanilang kambal na anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.
"Walang ganoon because we always eat together at lunch, dinner. Lalo na pag walang trabaho, magkakasama kami kumain.
"Bukod dun, lagi kaming nagtatawanan. Sa kotse, magkakasabay kami.
"Kaya walang problema ang Legaspi family. Uh, very peaceful kami, nakakatulog kami nang mahimbing.
"Kami ni Mina. Lalo na kami ni Mina. Lagi naman kaming magkatabi sa kama niyan.
"9 P.M. pa lang, ako nasa kama na, susunod siya.
"So, yeah, yung mga naririnig niyong ganyan, mga joke-joke na lang yun.
"But you know, sa totoong buhay, talagang wala kaming problema."
Noong November 15, 2022, sa ika-sampung taong anibersaryo ng kasal nilang mag-asawa, nangako ang aktor kay Carmina, na kahit anumang balakid ang susuungin nila sa kanilang tatahaking landas bilang pamilya, safe na safe daw ang asawa sa kanyang mga bisig.
Read: Zoren Legaspi Carmina Villarroel 10th wedding anniversary
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa presscon ng Hating Kapatid, ang teleseryeng pinagbibidahan nila ng kanyang pamilya, noong Martes, October 7, 2025.

Read: Anthony Taberna, pinatulan ang pasaring ni Pinky Amador
ZOREN ON HIS WORK AS A DIRECTOR
Kumusta na ang isa pa niyang pinagkakaabalahan dati, ang magdirek ng TV shows?
Idinirek ni Zoren ang GMA-7 show na Fantastic Man (2007), at co-director naman siya ng Fantastikids (2006) at Atlantika (2006) ng Kapuso network.
Nagdirek din siya ng isang episode sa Shake, Rattle, and Roll 12 noong 2010, ang "Mamanyiika."
Ayon kay Zoren: "Yes, natigil na ako dahil... pero nakagawa ako sa Regal, like last year or two years ago.
"Yun, paisa-isa lang kasi mas na-e-enjoy ko ngayon yung acting. Kasi nga, nagugustuhan ko na siya kasi nakaka-collab ka na sa mga director.
"Unlike nung panahon natin, di pwedeng mag-input ka, ang dating kaagad pakialamero.
"Ngayon, hindi. Masarap makipag-collab."
Read: Zoren Legaspi explains why he doesn't meddle in his twins' issues
