PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel approves of Ashley Ortega for Mavy Legaspi

Carmina Villarroel: "Sabi nga nila, after the storm, the sun shines in..."
by Rose Garcia
Published Oct 14, 2025
Carmina Villarroel approves of Ashley Ortega for Mavy Legaspi
Carmina Villarroel (left and right) on not minding detractors: "Basta kami, nagpapasalamat kami sa lahat ng nagmamahal at nagtitiwala sa pamilya namin. Ang importante naman, yung kaming family ay nagkakaintindihan kami, okay yung mga bata. Hay naku! Sobrang happy na." Seen on the right are Cassy, Zoren, Carmina, and Mavy.
PHOTO/S: @mina_villarroel Instagram

Higit isang taon na rin ang nakalilipas mula nang maintriga si Carmina Villarroel, 50, na nakikialam sa love life ng anak na si Mavy Legaspi, 24.

Kung noon ay kahihiwalay ni Mavy sa aktres na si Kyline Alcantara, ngayon ay masaya na si Mavy sa piling ng bagong nobyang si Ashley Ortega.

"I’m very happy, very, very happy," nakangiting pahayag ni Carmina nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakapanayam ng PEP ang actress-TV host sa presscon ng bagong GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na ginanap noong October 8, 2025.

Pahayag ni Carmina: "Di ba, sabi nga nila, after the storm, the sun shines in. So, sunshine talaga.

"Nagugulat din ako sa family namin. Nandun na kami sa... with so much going on sa family namin, ang dami naming blessing.

"Not only with this show, meron pa kaming movie for the Metro Manila Film Festival, as a family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carmina Villarroel denies meddling in children’s lovelife

Kasama ni Carmina ang mister na si Zoren Legaspi at kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy sa Hating Kapatid, pati na rin sa MMFF 2025 official entry na Rekonek.

Ayon pa kay Carmina, isang bagay na natutunan niya ay kung paano i-handle ang bashers.

"Like I’ve said, I cannot please them," saad niya.

"Even if I defend myself, even if sabihin ko na, 'I’m not like that, I’m like this.' Kung ayaw nilang maniwala, hindi sila maniniwala.

"But again, nandun na ako sa point ng buhay ko na bahala na kayo.

"Basta kami, nagpapasalamat kami sa lahat ng nagmamahal at nagtitiwala sa pamilya namin.

"Ang importante naman, yung kaming family ay nagkakaintindihan kami, okay yung mga bata.

"Hay naku! Sobrang happy na."

Inamin ni Carmina na boto siya sa nobya ngayon ni Mavy na si Ashley.

"I love Ash. Naka-work ko na siya before and okay ako sa kanya," sabi ni Carmina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkasama sila sa defunct Kapuso primetime series na Widows' Web (2022).

"Kaya nang dinala siya ni Mavy sa amin, 'Oh, hi!' Siyempre, magkakilala na.

"Gayundin, nagkatrabaho sila ni Zoren. Walang problema.

"At lagi kong sinasabi, si Ashley is very respectful. She’s so much of a sweet lady."

Tugma ito sa naunang panayam ng PEP kay Ashley na nagsabing very supportive ang pamilya ni Mavy nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.

Read: Zoren Legaspi "never" had a fight with wife Carmina Villarroel

CARMINA VILLARROEL ON TWINS MAVY AND CASSY

Sa kabilang banda, proud mom si Carmina dahil nakikita raw niyang nae-enjoy ng mga anak ang trabaho bilang artista, pitong taon mula nang unang sumabak ang mga ito sa showbiz.

"Yes, 100 percent. Simula talaga nang makita ko sila, nag-mature na sila. Sabi ko, right timing lahat.

"Siguro if this was offered to us, like, two years ago, hindi siguro ganito. Ngayon kasi, mas mature na sila," tukoy ni Carmina sa pagsasama-sama nilang pamilya para sa Hating Kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Ngayon yung parang, 'Ay, gusto ko pala talagang mag-artista.'"

Aminado si Carmina na noon ay may pag-aalinlangan pa siyang payagan ang mga anak na sundan ang yapak nila ni Zoren.

"Dati ayoko talagang mag-artista sila. Ayoko talaga.

"I’m like, 'Mag-business kayo, ganito, ganyan…' Pero wala akong nagawa."

Nakita raw niyang pursigido ang mga anak.

Pagpapatuloy ni Carmina: "Una, trial-trial… Pero this time, grabe!

"Nakikita ko kahit sa bahay, not only sa set. Kasama ko sila sa bahay so nakikita ko how they prepare.

"Night before pa lang, nakakulong na yan sa mga kuwarto nila. Alam ko na nagbabasa.

"Kasi siyempre, Tagalog is not their first language. So, dun pa lang, medyo hirap na sila."

Mas Tagalog na rin silang mag-usap na pamilya?

"Hindi pa rin, ganun pa rin!" natawang sabi ni Carmina.

"Pero pag galit ako, Tagalog, consistent. But I made sure na nakakaintindi sila ng Tagalog dahil laki sila sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero mas nakakapag-converse na kami ng Tagalog ngayon at mararamdaman mo na very comfortable na sila."

Read: Pokwang lambasts nepo babies anew: “Sinayang ang pera ng bayan."

ON THEIR NEW TELESERYE

Nagsimulang umere kahapon, October 13, ang pilot episode ng bagong GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid na pinagbibidahan ng Legaspi family.

Hindi raw naisip ni Carmina na posible silang magbidang pamilya sa isang teleserye.

"Hindi ko talaga in-expect na magkakaroon kami ng teleserye," saad ng aktres.

"Commercial, oo, kasi parang buong buhay naman ng kambal ay nagko-commercial sila.

"Pero parang inisip namin, if ever man [magkaroon ng TV show], sitcom. Like, nagkaroon pa kami ng Sarap, Di Ba? na panahon ng COVID, nasa bahay lang kami.

"Parang iniisip namin, puwedeng talk show or sitcom. Kasi, parang sitcom lang talaga kami kung makikita mo kami off-cam. Parang ang sarap lagyan ng camera sa bahay."

Hanggang sa in-offer daw sa kanila ang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero when it was offered to us, ginagawa ko pa ang Abot-Kamay na Pangarap. Nasabi na sa akin yan, and that 'we will wait for you.'

"Kasi nung time na yon, may kanya-kanya kaming shows. But I really believe that everything happens for a reason."

Noong una ay natakot pa raw siyang tanggapin ang proyekto.

Lahad ni Carmina: "Siyempre yung feeling na every time I have a new project, yun naman ang iniisip ko. ‘Okay kaya? Maging successful kaya?’

"But you know, ayoko nang mag-dwell sa negativity. Like what I said, confident kami sa proyekto.

"Tapos, ang ganda ng support ng cast namin, support ng GMA sa amin. The story itself, kasi kung hindi maganda ang story, medyo kakabahan ka na.”

Read: Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner

SHOOT IN BENGUET

Ibinahagi ni Carmina na isa sa mga hamon sa serye ay ang location shoot nila sa Atok, Benguet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahirap, mahirap pumunta sa Atok, Benguet, but it’s okay. We stayed there for four days. Ayokong sabihin yung mga paghihirap, pero alam na nila yon.

"When you go to Atok, hindi madali ang magpunta run. Yung lamig, and yet, we had so much fun, we enjoyed.

"And siguro, hindi ka na magwo-worry sa pamilya mo na pupunta ka ng malayo, maiiwan mo ang pamilya mo.

"Pero ito, hindi, magkakasama kayo, para na rin kayong nagbabakasyon. Ang saya, kasi umpisa pa lang, ang laki-laki na ng proyekto."

Ang direktor ng Hating Kapatid ay si Adolf Alix Jr. na ngayon lang daw niya nakatrabaho.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel (left and right) on not minding detractors: "Basta kami, nagpapasalamat kami sa lahat ng nagmamahal at nagtitiwala sa pamilya namin. Ang importante naman, yung kaming family ay nagkakaintindihan kami, okay yung mga bata. Hay naku! Sobrang happy na." Seen on the right are Cassy, Zoren, Carmina, and Mavy.
PHOTO/S: @mina_villarroel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results