Mainit na pinagdedebatehan ngayon ang isyu ng insertions sa budget sa Senado at sa Kongreso.
Insertion daw kasi ang paraan kung paano isinisingit sa budget bills ang mga maanomalyang government projects, tulad na lang ng flood control projects na iniimbestigahan ngayon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Pero ano nga ba ang insertion? May kaibahan ba ito sa amendment?
Ilegal ba ang insertion? Bakit pinapayagan ito sa pagbuo ng national spending budget?
Read: Flood control corruption wipes out PHP1.7T from PH stock market
THE BUDGET PROCESS
Talakayin muna natin kung paano binubuo ang national spending budget taun-taon.
Nagsisimula ang pagbalasa ng budget sa Development Budget Coordinating Committee (DBCC), isang inter-agency body na binubuo ng mga sumusunod:
- secretary of Department of Budget and Management (DBM)
- governor of Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
- secretary of Department of Finance (DOF)
- director general of National Economic and Development Authority (NEDA)
- a representative of the Office of the President.
Bubuo ang DBCC ng proposed budget sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, na magpapakita ng sari-sarili nilang plano.
Kapag nabuo na ng DBCC ang proposed budget ay ipapasa nila ito sa Kongreso.
Sa Mababang Kapulungan, magkakaroon ng mga hearing kung saan ipatatawag ang mga kinatawan ng government agencies para busisiin ang hinihiling nilang budget.
Sa yugtong ito ay nagkakaroon na ng amendments o insertions sa budget—mula sa House Representatives na bumusisi sa nasabing proposed budget.
Matapos mabuo ang House Budget Bill, ipapasa ito sa Senado para busisiin ng mga Senador.
Sa yugtong ito ay magkakaroon muli ng ilang amendments o insertions sa budget mula naman sa mga senador na bumusisi sa House Budget Bill.
At para mapag-isa ang bersyong budget ng House of Representatives at ng Senado, magkakaroon ng Bicameral Conference Committee (Bicam) na bubuo ng General Appropriations Bill,.
Ito ang ipapasa sa Pangulo para paaprubahan.
Read: Regine Velasquez, muling umalma sa matinding korapsyon
PAREHO LANG?
Ayon sa dating senador na si Franklin Drilon, walang kaibahan ang insertion at amendment.
“Pareho po yan, amendment or insertion. Pareho po yan. An insertion in the budget is an amendment in the ordinary law,” saad ni Drilon sa isang panayam sa ANC noong October 6, 2025.
Sa madaling salita, ang amendment ay ang pagbabago sa isang panukalang batas na ginagawa pa sa Kongreso.
Habang tinatakalay o pinagdedebatehan ang isang batas, tulad ng House Budget Bill o General Appropriations Bill, ay maaari itong i-amend, o baguhin, ng mga congressman o senador.
Ang proseso ng amendment sa Kongreso ang siya ring tinatawag na insertion.
Hindi ilegal ang insertion, ayon kay Drilon.
“That is not unconstitutional. You cannot legislate and pass a law that says you cannot amend the version of the House and Senate in the Bicam. The Supreme Court has already rules that the Bicameral Conference Committee can insert new provision,” saad niya.
Pahayag pa niya, nasa implementation na ng amendment o insertion ang problema. May mga paraan naman daw kasi para hindi makalusot ang mga insertion sa final na batas.
“Number one, the plenary or the Bicam itself, should have not have approved, should have disapproved such insertion,” sabi ni Drilon.
Dagdag pa niya, maaari ring i-veto mismo ng Pangulo ang nagawang insertion.
Pero kung nakalusot pa rin ito sa Kongreso o sa Pangulo, maaari pa rin itong silipin ng Ombudsman o Commission on Audit.
“The error or the failure of the system is because of the people manning the system,” saad ng veteran politician.
Sinisisi ni Drilon ang mga taong hindi umano binantayan nang maigi ang mga budget bills dahil sa mga napabalitang anomalya rito.
Ayon sa mga balita, maraming naganap na insertion sa Bicam noong binubuo ang 2025 national budget, tulad na lamang ng PHP142 billion na isiningit umano ni dating Senate President Chiz Escudero.
“What I put the blame on is basically the failure to monitor what is happening on each item of the budget, and recommending to the President the line item budget,” sabi ni Drilon.
Read: Vico Sotto warns "dishonest" Pasig City barangay officials