Usap-usapan ang birthday surprise na inihanda ng household staff para kay Bea Alonzo, na nakatakdang mag-celebrate ng kanyang 38th birthday bukas, October 17, 2025.
Naganap ang surprise noong October 15, two days before her actual birthday.
Sabi sa post ng isa niyang staff na si Rose (published as is): "No more halungkat
"Advance surprise for my tisay's birthday
"Kami pa ang na surprise bigla siya dumating
"Di malaman ano gagawin
"But appreciated by [crown and bee emojis, or Queen Bee]
"Thank you very much sir V nakijoin ka samen Advance Happy Birthday my not so baby girl anymore
"Love You Always"
Ang tinutukoy niyang "Sir V" ay si Vincent Co, ang current boyfriend ni Bea.
Ayon sa isa pang post, “Sweet surprise! Bea Alonzo was all smiles as her staff threw her a surprise birthday celebration with her boyfriend Vincent Co by her side. #BeaAlonzo #VincentCo"
Read: Marian Rivera swarmed by fans in Vietnam
NETIZENS SPECULATE ABOUT BEA'S TUMMY
Masaya ang maraming fans ni Bea dahil kuntento at masaya ang idolo nila sa kanyang buhay ngayon.



Ang iba naman ay naisip na baka buntis si Bea dahil sa anggulo ng picture pati na rin sa pagkakatakip ng bouquet sa tiyan ng aktres.

Komento ng isang netizen, "Para syang preggy"

Sakaling totoo raw ito, suportado siya ng fans.
Ayon sa isang komento: "Marriage is not important she’s already rich anyway. Just have a child is good enough. Go go Ms. Bea Alonzo!"

Dagdag ng isa pang netizen: "Buti nman kng buntis na nga sya, kc medyo d na sya bata, makahabol pa sya kahit 2 anak"

Narito ang iba pang ispekulasyon ng mga netizens:


Samantala, sa huling panayam kay Bea, nabanggit niyang mas nauuna pa raw ang mga netizens tungkol sa mga totoong pangyayari sa kanyang buhay.
At that time, bali-balitang engaged na siya kay Vincent.
"Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao yung mga pangyayari sa buhay ko.
"I have nothing to clarify and I want to keep things private and, yeah, there's nothing to say actually.
"I'm very happy. Yes."
Read: Bea Alonzo clarifies engagement rumor with boyfriend Vincent Co
