PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vincent Co spotted at Bea Alonzo's warehouse sale

Vincent Co shows support for rumored girlfriend Bea Alonzo.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 13, 2025
Vincent Co spotted supporting Bea Alonzo's business event
Bea Alonzo and Vincent Co spotted together at the warehouse sale of the Kapuso actress’s travel-organizer brand in Makati City.
PHOTO/S: @beaalonzo.empire on Instagram

Full-support ang Puregold scion na si Vincent Co sa negosyo ng rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Naispatan si Vincent na dumalo sa unang araw ng four-day warehouse sale ng pagmamay-aring travel organizer brand ni Bea, ang Bash Manila, sa Makati City, noong June 12, 2025.

Sa Instagram fan account ng aktres, makikita ang mga larawan ni Vincent na naroon sa mismong venue para magbigay ng suporta kay Bea.

Vincent Co spotted supporting Bea Alonzo's business event
Photo/s: @beaalonzo.empire on Instagram Bea alonzo (left) with rumored boyfriend Vincent co (in WHITE)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo proudly launches own travel organizer brand Bash

Makikita si Vincent na katabi ang Kapuso actress at nakikipag-usap sa mga bisita.

Vincent Co spotted supporting Bea Alonzo's business event
Photo/s: @beaalonzo.empire on Instagram VINCENT CO (MIDDLE) JOINS A SMILING BEA ALONZO

NETIZENS' REACTION

Ikinatuwa naman ito ng mga tagahanga ni Bea.

Sa comments section ng nasabing post ay marami ang kinilig sa pagpunta ni Vincent para magbigay-suporta kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen, "I’m so kilig very supportive bf."

Saad ng isa, "How Mr. Vincent look to Bea, they're both deeply inlove."

Sabi pa ng isa (published as is): "Look at them both smiling and happy. I noticed vincent body compare noon chubby chubby. Now looks very macho na, na inspired siguro Kay Bea."

BEA ALONZO-VINCENT co SIGHTINGS

Hindi ito ang unang beses na naispatang magkasama sina Bea at Vincent.

Noong May 5, lumabas ang espekulasyong may espesyal na relasyon ang dalawa nang kumalat sa social media ang screenshot ng pamamasyal ng isang lalaki at isang babae na parehong nakatalikod habang magkahawak-kamay.

Base ito sa ulat ng Insiderph.com na unang naglathala ng litrato mula sa Instagram account ni Vincent.

Kuha iyon sa isang beach sa Andalucia, Spain.

Read: Bea Alonzo says marriage is not everyone’s "endgame"

Hindi tinukoy ni Vincent ang babaeng kasama niya, pero hinihinalang si Bea iyon na nagbakasyon din sa Spain.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.
Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.
Photo/s: Vincent Co IG via @moviequeenbea Twitter

Nasundan pa ito noong May 10 nang maaktuhan naman sina Bea at Vincent na magkasama sa Bangkok, Thailand.

Kasalukuyang nasa Suvarnabhumi Airport, pauwi ng Pilipinas, ang dalawa nang makunan sila ng litrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Bea Alonzo and Vincent Co were recently spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.
Bea Alonzo and Vincent Co were recently spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.
Photo/s: Courtesy of FashionPulis

Pagkarating ng Pilipinas, naispatan muli sina Bea at Vincent na nagdi-dinner sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.

Read: Bea Alonzo spotted anew with rumored beau Vincent Co

June 2, muling umugong ang usap-usapang may espesyal ngang namamagitan sa dalawa nang mag-post si Heart Evangelista sa Instagram Stories ng naging bonding nila nina Bea at Vincent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa litrato, makikitang tila nasa isang bar sina Bea at Vincent, Heart at asawa nitong si Senator Francis "Chiz" Escudero, kasama ang iba pang mga kaibigan.

Rumored couple Bea Alonzo, Vincent Co spotted hanging out with Heart Evangelista and friends
Bea Alonzo and rumored boyfriend Vincent Co (third and fourth from left) were spotted with Heart Evangelista and husband Senator Chiz Escudero (third and fourth from right), and other friends.
Photo/s: Screengrab Heart Evangelista on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit ang nakatawag-pansin sa maraming netizens ay ang pagiging sweet nina Bea at Vincent sa larawan.

Makikitang si Vincent ay nakayapos kay Bea na nasa kanyang harapan.

Kapansin-pansin din ang kamay ni Bea na nakahawak sa braso ni Vincent habang nakasandal ang aktres sa kanya.

Read: Bea Alonzo, Vincent Co spotted hanging out with Heart and Chiz

Bukod sa mga kaibigan, naispatan na rin si Bea na kasama ang pamilya ni Vincent.

Noong June 7, isang fan account muli ni Bea ang nag-upload ng mga larawan niya kasama ang ina ni Vincent na si Susan Co.

Ayon sa uploader, kuha ang mga larawan sa Supplier’s Appreciation Night ng supermarket brand na pagmamay-ari ng pamilya Co.

Naganap daw ito noong June 6 sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City.

Read: Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co

Bea Alonzo spotted with Vincent Co's mom Susan Co
Bea Alonzo seen with rumored boyfriend Vincent Co's mom Susan Co, fueling more speculation about their blooming romance.
Photo/s: Bea Alonzo Warriors Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT PEP KNOWS ABOUT BEA-VINCENT'S RELATIONSHIP

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, matagal-tagal nang nagde-date sina Bea at Vincent hindi pa man nagba-viral online ang litrato nilang magkasama sa Spain.

Sinasabing masugid sa panliligaw si Vincent kay Bea, pero low-key lamang ang dalawa noon.

Ayon pa sa source ng PEP Troika, nang minsang magkasakit si Bea habang nasa Siargao ay pinasundo pa ito ni Vincent via chopper para makauwi agad sa Maynila.

Patuloy raw ang magandang pagkakakilanlan ng dalawa.

Isa pang source ang nagsabi, na nang tanungin nito si Vincent kung nasa dating stage na sila ni Bea, ang isinagot daw ni Vincent ay isang smile emoji.

Isa namang source ng PEP ang nanindigang kumpirmadong sina Bea at Vincent na.

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and Vincent Co spotted together at the warehouse sale of the Kapuso actress’s travel-organizer brand in Makati City.
PHOTO/S: @beaalonzo.empire on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results