Para kay Mon Confiado, na gumanap bilang Emilio Aguinaldo sa pelikulang Quezon, ang klase ng pulitika na ipinakita sa pelikula nila ay kapareho ng klase ng pulitika sa Pilipinas sa kasalukuyan.
"Ang lahat ng napanood nyo, hindi ito gawa-gawa, nangyari ito at hanggang ngayon nangyayari pa rin. Nung pinapanood ko nga yung pelikula, parang ngayon lang ito, parang hindi 1935.
"Lahat ng dumi sa pulitika natin nandun pa rin at dun nagsimula, di ba?" tukoy pa ni Mon tungkol sa Quezon na produced ng TBA Studios at kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mon sa nakaraang block screening ng Quezon na ginanap sa Trinoma Cinema 6 nung October 15, 2025.
Grateful for playing Emilio Aguinaldo
Malaki ang pasasalamat ni Mon sa TBA Studios dahil sa pagkuha sa kanya para gumanap bilang Emilio Aguinaldo sa tatlong pelikula nito—Heneral Luna (2015), Goyo (2018), at ito ngang Quezon.

"Siyempre, I'm very grateful kasi pangatlo ko na ito from [Heneral] Luna, to Goyo, to Quezon.
"Although isang character lang yung ginaganapan ko, mapapansin nyo naman dun na iba-iba yung kumbaga stage ng pagkatao ni Heneral Aguinaldo.

"Kung dun sa Heneral Luna controversial leader siya, sa Goyo ay exiled president siya, dito sa Quezon kumbaga, elder statesman, pulitiko na siya dito.
"Although nag-retire na siya, nasa history naman yan na magkalaban silang mortal sa very first election sa Pilipinas."

Ang tinutukoy niyang nakalaban ni Aguinaldo ay ang kapwa dating sundalo nito at dating kakampi na si Manuel L. Quezon, na ginagampanan naman sa pelikula ni Jericho Rosales.
Puring-puri ni Mon ang buong cast ng Quezon lalo na ang bida na si Jericho.
"Para kaming pamilya. Nakita naman sa pelikula yung rapport, yung aming working situation during that time napakasarap, napakaganda.
"Si Jericho, napakahusay, napaka-professional."
Read: Mon Confiado, kinilabutan kay Jericho Rosales bilang Quezon
the challenge and goal of Quezon
Aminado si Mon na mahirap at isang malaking challenge ang gumawa ng isang period film gaya ng Quezon.
"Mahirap gumawa, from costume, 'tapos ang mga ginagampanan namin real personalities, hindi ba? Mga presidente pa ito, hindi basta-basta.
"Makikita nyo naman si Jericho, intonation, sa galaw. Ako naman as Aguinaldo, sa Heneral Luna pa lang in-establish ko na yan although dito mas iba kasi matanda na siya dito.
Dalawang period, 1920s 'tsaka 1935. Yung una, bata pa si Aguinaldo, eventually tumanda siya. Mahirap, mahirap na gawin."
Kahit na may mga producer nang sumusugal sa paggawa ng mga pelikula, kapansin-pansing hindi pa rin tuluyang bumabalik sa mga sinehan ang karamihang Pilipino.
Tangggap na ito ni Mon. Pero sa kabila nito, focused siya, ang kanyang co-stars, at ang producers ng Quezon sa iisang goal muna.
"Siyempre mas maganda pa rin na kumita ang Quezon, mas maganda na bumalik ang mga tao sa sinehan, pero ang goal lang namin ngayon ay maipakita itong history natin," ani Mon.
Mon on good relationship with ex Ynez Veneracion
Samantala, marami naman ang natutuwa sa nakikitang closeness nina Mon at dati nitong girlfriend na si Ynez Veneracion.
Naging magkarelasyon sina Mon at Ynez nung 2000 at naghiwalay naman nung 2009.
Read: Ynez Veneracion not ready to settle down with boyfriend Mon Confiado
Sa isang recent Instagram post ni Ynez, mapapanood ang pagyakap nito kay Mon at ang pagbibirong sabi naman ng aktor na, "Nagpa-grocery lang 'to... kaya may paganyan-ganyan pa. Kinuwartahan na naman ako."
View this post on Instagram
Patunay ang post ng mabuti pa ring pagkakaibigan nina Mon at Ynez kahit na nagkahiwalay na sila bilang magkarelasyon.
"Oo, pero hayaan na lang natin yun. Ayoko nang bigyan masyado ng pokus kasi katuwaan lang naman yun," sabi ni Mon tungkol sa na-post na biruan nila ni Ynez.
"Good relationship? Yes, of course, magkaibigan kami," pagtatapos ni Mon.
