JERRY OLEA
Napabalita noong magbibida si TJ Trinidad bilang Manuel L. Quezon sa ikatlong pelikula sa bayaniverse ni Direk Jerrold Tarog para sa TBA Studios.
Ang naunang dalawang pelikula ay Heneral Luna starring John Arcilla, at Goyo: Ang Batang Heneral starring Paulo Avelino.
Ang “nagtatahi” sa tatlong pelikula ay ang karakter ni Mon Confiado bilang Hen. Emilio Aguinaldo.
Read: Heneral Luna earns P172 million in 22 days; considered "highest grossing Filipino historical film"
MON CONFIADO ON JERICHO REPLACING TJ AS QUEZON
Ano ang reaksiyon ni Mon nang i-announce ng TBA Studios na si Jericho Rosales na ang title role sa pelikulang Quezon, at hindi na si TJ?

“Yes! Kasi I guess, si TJ Trinidad, e, medyo nag-retire na as an actor,” tugon ni Mon nang makatsikahan ng PEP Troika bago ang preview ng pelikulang Bansa (Motherland) nitong Pebrero 23, 2025, Linggo ng gabi, sa The Secret Garden, Busilak St., Mandaluyong City.
“Parang nasa ano na siya, corporate na siya. Napakayaman na ni TJ kaya hindi na nag-aartista.
“So, si Jericho Rosales ang tingin kong pinaka-perfect na gaganap ng Quezon dito sa trilogy ng bayaniverse.
“Noong aming all-star table-reading, grabe! Ang galing niya! Reading pa lang, nakikita ko na si Quezon!
“Yung accent, yung delivery. Pinahanga niya kaming lahat.
"Palakpakan kaming lahat nung reading na akala namin, e, babasahin lang.
“Pero pinakitaan kami ni Jericho Rosales na Quezon, ha?! Kinikilabutan kaming lahat!”
Read: TOTOO BA: Jericho Rosales auditioned for title role in Heneral Luna?
NOEL FERRER
Gumanap si Raymond Bagatsing bilang Manuel L. Quezon sa pelikulang Quezon’s Game (2018).
Sabi ni Raymond, iba ang challenge sa role na iyon. Dapat magaling kang mag-Spanish at mag-English.
“Tama! Tama! Napakahusay din ni Raymond Bagatsing sa Quezon’s Game!” bulalas ni Mon Confiado.
“Kahit yung accent at yung ano. Totoo yan, napaka-challenging nung Quezon na karakter.
“Kasi, tama, may pagka-Amerikano din siya, may pagka-Spanish din siya. At the same time, Filipino siya.
“Accent pa lang, ibang-iba, e. Yung the way siya mag-English na Filipino accent.”
Read: Benjamin Alves hopes to play title role in Manuel L. Quezon biopic
Sa table-reading nila, nakita ba niyang malayo sa Quezon interpretation ni Raymond iyong kay Jericho Rosales?
“Hindi ko sila mapagkukumpara. Kasi ang Quezon’s Game ay nakatutok lang doon sa Jewish refugees na dumating dito na galing sa Germany.
“Itong kay Echo, mas malawak ito, e. Mas malawak yung pagka-Quezon niya rito, e. Maraming layers, I guess.”
Read: Mon Confiado gets asked this one question about his character Emilio Aguinaldo
GORGY RULA
Nagkatrabaho rin sina Jericho Rosales at Mon Confiado sa eight-episode prison drama series na Sellblock.
“Ay, naku! Ibang Jericho na naman yung nandun. Puro convicted, puro preso kami dun,” sambit ni Mon.
“Grabe rin ang casting nun, at grabe rin ang direktor namin, si Direk Pedring Lopez. Hollywood-style ang style naman namin dun.
“Parang Prison Break yan na Filipino. Pinoy, e. Yung Pinoy prison natin dito, makikita nila. So exciting din yan.”
Nasa cast din ng Sellblock sina Empoy Marquez, Ronnie Lazaro, Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Jaclyn Jose, at marami pang iba.
BANSA (MOTHERLAND)
Exciting din para kay Mon na kasama siya sa pelikulang Bansa (Motherland) ni Direk Brillante Mendoza.
“Isa ako dito sa SAF 44. Ako ang team leader ng Special Action Force,” sabi ni Mon.
Kabilang sa mga gumanap na members ng SAF sina Rocco Nacino, Joem Bascon, Vince Rillon, Kiko Matos, Jess Mendoza, Jomari Angeles, JC Tan, Raion Sandoval, at Ryan Mindo.
Nasa cast din ng Bansa (Motherland) sina Ricky Davao, Cesar Montano, Gina Alajar, Epy Quizon, Marvin Agustin, Richard Quan, Ruby Ruiz, Cataleya Surio, Richard Manabat, Christian Vazquez, at Mai Fanglayan.

Bahagi pa si Mon sa teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa sa TV5. Hanggang Abril pa raw ang nasabing serye na bida si Kiko Estrada.
“One year mahigit na ang Lumuhod Ka Sa Lupa. Pre-programming iyan ng Batang Quiapo kaya ang lakas ng rating din nila,” saad ni Mon.
“Kaya tumagal din sila sa Channel 5.”
