Marami ang nakapansin sa tila malamig na pakikitungo sa isa't isa ng tambalang BarDa o Barbie Forteza-David Licauco sa nakaraang World Egg Day ng McDonald's nung nakaraang October 10, 2025.
Lalo tuloy tumibay ang ispekulasyon na may tampuhan o di pagkakaunawaan ang Kapuso loveteam.
Tiyak na makadadagdag ito sa kalungkutan ng solid BarDa fans lalo't naiuugnay ang pangalan ng Kapuso actress kay Jameson Blake.
Ilang pagkakataon na kasing nakikitang magkasama sina Jameson at Barbie at obvious ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa nakaraang 51st Metro Manila Film Festival Announcement of the 2nd Batch of Official Entries na ginanap sa University of Makati nung October 10.
Tinanong namin ang Kapamilya actor kung hindi ba siya naaapektuhan ng pamba-bash na nagmumula sa ilang netizens, partikular na ang BarDa fans.
Siya kasi ang itinuturong dahilan ng tila pagkasira ng loveteam nina Barbie at David.
"Well, in general naman, I'm not really so engaging in social media, yung mga ganyan, I don't really pay attention," pauna na ni Jameson.
Ayon din kay Jameson, hindi niya idine-deny ang sightings sa kanila ni Barbie, kabilang na ang pagho-holdings hands nila sa GMA Gala 2025 at fun run sa Pampanga.
View this post on Instagram
Read: Jameson Blake reveals his family's impression of Barbie Forteza
"No, what you see is what you get. If they see it and kilig sila, it's nice. If they're happy with the pictures, we're happy too," sabi ni Jameson.
May mga nagtatanong kung ang hindi ba nila pag-amin tungkol sa real score sa pagitan nila ay dahil ba may loveteam na inaalagaan si Barbie o kung itinutuloy lang nila ang nasimulang gimik dahil sa pagpa-partner nila sa Kontrabida Academy?
"Part of it, but it's not really mainly because of it. Wala, we have stuff in common.
"Naging totohanan? If you guys wanna put it that way.
"It's not complicated like that, we just want super low key. We're happy that way," sagot ni Jameson.
Read: Jameson Blake, aminadong napapasaya ni Barbie Forteza
barbie qualities, girlfriend material
Masaya naman ang Fil-Am actor na nag-number one sa Top 10 movies ng Netflix PH ang Kontrabida Academy nung August 10, at ilang araw ring nanatili ito sa Top 10 list ng on-demand streaming service.
"Yes, of course, it's nice to say nasa Top 10 pa rin. It's nice to say it's doing well."
Nagkaroon na nga rin ng bagong loveteam dahil sa pelikula nilang ito, ang BarSon. Open ba siyang magkasama uli sila ni Barbie sa isang proyekto?
"We, will see. There's no reason not to naman, I'm very open. She's very professional sa work niya," sagot ni Jameson.
Bukod sa work ethic ni Barbie, may iba pang nagustuhan si Jameson sa dalaga. Masasabi ba niyang pang-girlfriend material ang qualities na ito?
Nangingiting sagot ni Jameson: "It's early, it's very early pa.
"She's very polite, very professional, yun ang napansin ko sa kanya.
"Sa work ethic niya, very professional, I look at her because of that. Other than that, she's very nice, very engaging, outgoing as a person.
"Girlfriend material? Yes, you can say that."
Pagdating sa pagpapakilala na nila sa kani-kanilang pamilya, kinumpirma ni Jameson na nakaharap na rin niya ang pamilya ni Barbie.
"Yeah, I met them sa taping. Dumadalaw sila. Maayos sila, they're very chill and really nice. It was nice to meet them, too."
Naipakilala na ni Jameson si Barbie sa mother niya, how about his dad?
"Yung dad ko sa Hong Kong, hindi pa. Pero yung mother ko, na-meet na niya."
christmas plans with barbie?
Dahil nalalapit na rin ang Kapaskuhan, tinanong namin si Jameson kung ano ang Christmas plans niya at kung kasama ba si Barbie sa kanyang holiday plans.
"Ako kasi every Christmas, I go to see my family, That's what I'm going to do. That's my yearly routine, I will see my family in Hong Kong. I'll be out of the country.
"Kasama siya? No, ako lang."
Sa ngayon ay mapapanood si Jameson sa suspense thriller series na What Lies Beneath ng ABS-CBN, kung saan kasama niya sina Kaila Estrada, Sue Ramirez, Charlie Dizon, Janella Salvador, JM de Guzman, at Jake Cuenca.
