Nabigla ang ilang netizens sa anila'y "classy" look ni Chie Filomeno sa kanyang latest TikTok upload nitong nakaraang October 18, 2025.
Sa nasabing video, makikitang suot ni Chie ang isang light-blue button-down long-sleeved polo shirt na naka-tuck in sa denim jeans.
Sabi niya sa caption, "That feeling when your visa gets approved [smiling face with hearts, woman dancing emojis]"
@chiefilomeno That feeling when your visa gets approved ????????????
? sonido original - tt.entretenimiento0
Tanong ng isang netizen, "Ba't classy na ang datingan natin ngayon?"
Ayon kay Chie, matagal na siyang "classy."
Naging selective lamang daw ang netizen sa obserbasyon nito.
Komento ni Chie: "I’ve always been classy. You’re just selective. Have a good day [smiling face with smiling eyes, smiling face with hearts emojis]"

Pagtatanggol ng isa pang netizen, matagal nang ganyan manamit si Chie.
Sabi nito, "dati pa nagssuot na sya ng ganyang style kahit check niyo account nya, mema comment lang iba dito eh hahaha
Tugon ni Chie, "Thank you for seeing me"

Sabi ng isa pa, "Bashers: Biglang classy manamit. Meanwhile Chie in 2018 already pretty and classy! Kahit paiba-iba outfit, never bastos tingnan."

Read: Inday Barretto warns Jodi Sta. Maria about Raymart Santiago
CHIE FILOMENO ON HER HEALING ERA
Bago ito, inanunsiyo ni Chie sa Instagram na nasa "healing era" na siya ngayon matapos ang hiwalayan nila ni Jake Cuenca.
Sa kanyang recent post, nagpahiwatig siya kung ano ang kinahinatnan ng nakaraan niyang relasyon.
Ayaw raw niyang turuan ang tinutukoy niya kung paano siya mamahalin.
Hindi pinangalanan ni Chie ang ex-boyfriend, ngunit mahihinuhang si Jake ang tinutukoy sa caption ng kanyang post.
Nakalagay sa caption ng post ni Chie: "It’s a trend to use songs, since that’s what you have been doing. So might as well. It’s your sad boi era i’m in my healing era. [smiling face with smiling eyes emoji]
“I didn’t want to teach him how to love me — that’s unfair, so unfair for both of us."
Read: Chie Filomeno in her healing era; Matthew Lhuillier reacts
Sa ngayon, iniuugnay ang pangalan ni Chie kay Matthew Lhuillier, na mula sa kilalang angkan at mga negosyante sa Cebu.
