PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emil Sumangil continues exposé on missing sabungeros amid threats

Emil Sumangil admits fear for his family's safety.
by Jojo Gabinete
Published Oct 22, 2025
emil sumangil 24 oras
Emil Sumangil: "Yung message, e, talagang kung mahina-hina ang naturalesa mo, hindi ka makakakain ng almusal. May message, may tawag, merong pasabi na gagamitin pa yung kaibigan mo."
PHOTO/S: GMA Network

Inamin ng Kapuso broadcaster na si Emil Sumangil na araw-araw siyang nakakatanggap ng banta sa kanyang buhay mula nang ibulgar niya sa publiko ang kuwento ng mga nawawalang sabungero.

Pero hindi raw ito ang magiging dahilan para hindi tapusin ang mga nasimulan para malaman ang katotohanan tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.

Ito ang inilahad ni Emil sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Miyerkules ng hapon, Oktubre 22, 2025.

“Foul talaga," sambit niya.

"Yung message, e, talagang kung mahina-hina ang naturalesa mo, hindi ka makakakain ng almusal.

"May message, may tawag, merong pasabi na gagamitin pa yung kaibigan mo.

“Nagsimula sa messages hanggang sa yung kaibigan mo na hindi mo sukat-akalain na, 'Teka muna, kanino ka ba kampi, sa akin?'

“Ang pinakahuli na naalaala ko, 'Saan ko ipapadala yung bulaklak mo?'

“Sabi ko, 'Anong bulaklak?' So, lalaruin ko, 'Bulaklak ng patay dahil malapit na ang burol mo?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

EMIL SUMANGIL ADMITS FEAR FOR HIS FAMILY'S SAFETY

Hindi itinanggi ni Emil ang nararamdamang takot para sa kanyang pamilya, pero hindi raw ito magiging dahilan upang itigil ang kanyang sinimulan.

“Merong takot," pag-amin niya.

"Sa totoo lang, with all honesty, hindi nila ako kayang pigilan dito sa ginagawa ko.

"Ididiretso ko ito, kung ano yung sinimulan ko. Gusto kong magkaroon ng closure."

Kumusta ang kanyang mga anak?

Ayon kay Emil: “Ang kids, okay lang.

"Yung dalawang bagets ko, walang problema, basta kinukuwentuhan ko lang sila every night, kapag kami’y naghahapunan.

"Bibigyan ko lang sila ng update, okay na sa kanila yung ganoon.

“Si Misis na lang ang medyo hindi kampante dahil, unang-una, hindi naman siya media practitioner. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng hanapbuhay.”

Nagpasalamat si Emil sa pamunuan ng GMA Network na naging maagap sa pagbibigay sa kanya ng mga bodyguard para sa kaligtasan nila ng pamilya niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang GMA, ang ating network ay nagbigay kaagad, kumbaga, nag-provide kaagad ng seguridad [para] sa kaligtasan ko, sa kaligtasan ng pamilya.

“Inatupag agad nila kaagad yung aking seguridad pati ng aking pamilya.

"So, yun pa lang, napakalaking bagay na sa akin,” lahad niya.

Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged in missing sabungeros case

THE CASE OF THE MISSING SABUNGEROS

Malaki ang kontribusyon at partisipasyon ni Emil para malantad ang kuwento tungkol sa kaso ng mga sabungerong naglaho, sa pamamagitan ng primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras.

Lahad niya: “Apat na taon kong tinrabaho. Ito’y nagsimula lamang sa isang payak na utos ng ating newsroom, ‘Follow-up mo yung may nawawala raw na talumpu’t apat na sabungero mula sa iba’t ibang probinsya.’

“So, ganoon lang kasimple yung utos noon hanggang sa simulan natin.

"Pero hindi ganoon kadali gawin yung istorya kumpara sa iba kasi, unang-una, walang gustong magpainterbyu.

“Yung mga pamilya, yung mga kaanak, yung mga naulila, hindi naman agad yan napalutang dahil sila yung natatakot at nangangamba para sa kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikalawa, yung mga awtoridad, yung mga pagkukunan mo ng information kung papaano tumatakbo yung investigation, hindi naman nagsasabi sa yo na, ‘Ganito ang schedule natin. Bibigyan kita ng update from time to time.’

"Kasi sila’y parang naiilang din sa tinutumbok ng imbestigasyon."

Pagpapatuloy niya: "Then, after four years, sa totoo lang, nakatanggap lang ako ng tawag sa telepono ng isa sa mga pinaghihinalaang sangkot din na naging whistleblower na ngayon.

“Tinanong ko, bakit ang dami-dami mong puwedeng puntahan na media practitioner, mga reporter, mga journalist, mga broadcaster, bakit sa akin?’

“Ang sinabi niya, mula mismo sa bibig ng isa sa mga inaakusahan dati, 'Nararamdaman ko, Pare.'

"Sabi niya sa akin, ‘Nararamdaman ko kung gaano ka kaseryoso sa ginagawa mo.’

“Mula noon, dun na nagsimula yung exposé hanggang sa marating na natin, marating na ng kaso yung kinalalagyan o yung katayuan niya ngayon.

“Kumbaga, ito’y magandang accomplishment na dahil submitted for resolution na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ibig sabihin, sa loob ng animnapung araw mula kahapon, maglalabas na ng pasya ang DOJ [Department of Justice] kung dapat kasuhan yung mga dapat kasuhan.”

Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Emil Sumangil: "Yung message, e, talagang kung mahina-hina ang naturalesa mo, hindi ka makakakain ng almusal. May message, may tawag, merong pasabi na gagamitin pa yung kaibigan mo."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results