Umiral na naman ang mapaglarong kukote ng mga Pinoy dahil may taglay na kapogian ang bagong Department of Justice (DOJ) spokesperson na si Atty. Polo Martinez.
Noong nakaraang linggo lamang inanunsiyo ang kanyang appointment bilang tagapagsalita ng DOJ dahil nalipat sa Ombudsman's office ang dating spokesperson na si Atty. Mico Clavano.
Si Atty. Martinez ay nagsilbi bilang prosecutor ng ahensiya bago siya naitalagang spokesman.
Read: Jillian Ward, nagsalita tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang
NETIZENS' HILARIOUS COMMENTS ON ATTY. POLO MARTINEZ
Ngayong araw, October 23, 2025, nagdaos ng kanyang unang presscon si Martinez para ibalitang may 887 human bones na na-recover mula sa Taal Lake at sa mga karatig-lugar nito.
Kaugnay pa rin ito sa paghahanap ng ebidensiya sa pamamagitan ng DNA testing mula sa mga butong nakuha para matukoy kung ito nga ba ang missing sabungeros.
Read: Emil Sumangil continues exposé on missing sabungeros amid threats
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN News, bumuhos ang komento ng netizens ukol kay Atty. Martinez.
Ayon sa isa, "Nasa poookie ko ang hustisya."

Nais naman ng ilan na ipaglaban sila ni Atty. Martinez.
May iba pang nagsabi na hindi na nila inintindi kung anuman ang sinasabi ng spokesman basta nabighani na lang daw ang mga ito.



Mahaharot ang iba pang hirit ng netizens.
Anila, "yummy" at "masarap" daw si Atty. Martinez.
Kung anu-ano pang punchlines ang naisip ng netizens para mapansin ng spokesman.
Kesyo "not guilty" raw sa kanila si Atty. Martinez. At ang iba ay nagdeklara na mahal na raw nila ang abogado.




May mga pumuri naman sa paraan ng pagsasalita ng spokesman.



Ayon sa iba, napaghalataang karamihan ng komento ay tungkol kay Atty. Martinez at hindi sa ibinalita nito.

Read: Anne Curtis, Ellen Adarna, Carla Abellana react to DPWH fire
WHO IS ATTY. POLO MARTINEZ?
Sino nga ba si Atty. Raphael Niccolo L. Martinez?
Ayon sa kanyang LinkedIn profile, nagtapos siya ng abogasya sa Ateneo Law School noong 2019.
Sa Ateneo din siya nagtapos ng kanyang pre-law na Bachelor of Political Science.
Nakapasa naman siya sa Bar exam nitong nakaraang 2022.

Mahilig siya sa marathon at ang pagtakbo ang kanyang sports.

Siya ay nagsimulang magtrabaho sa DOJ bilang prosecutor nitong December 2024.

At nitong nakaraang October 17, 2025, naitalaga na nga siyang spokesman.
Read: Bela Padilla spotted with ex-BF Norman Bay, denies reconciliation
