This article has been updated from its original version.
Tuluyan na bang lilisanin ni Andrea Brillantes ang ABS-CBN matapos niyang pumirma ng movie contract sa MQuest Ventures, ang TV, film, at entertainment division ng TV5?
Naganap ang pagpirma ng kontrata ni Andrea nitong Huwebes, October 23, 2025.
Dinaluhan ito ng top executives ng MQuest Ventures, sa pangunguna ng chairman nitong si Manny V. Pangilinan.
Read: Andrea Brillantes, lilipat nga ba sa GMA Network?

Andrea ready to do more films with MQUEST
Sa panayam sa kanya ng TV5 reporter na si MJ Marfori, ibinahagi ni Andrea ang kanyang kasiyahan at excitement sa mga proyektong gagawin niya sa ilalim ng MQuest Ventures.
Isa raw sa mga prayoridad ngayon ni Andrea ang paggawa ng mga pelikula.
"If titingnan rin yung filmography ko, puro talaga ako teleserye. Ngayon, gusto ko na mag-explore at gumawa ng mga movies.
"Iba rin kasi kapag big screen, iba yung storytelling," pahayag ng dating Kapamilya actress.
Read: Andrea Brillantes "not yet in a relationship" with Sam Fernandez
May gusto ba siyang genre na i-explore sa TV5—bukod sa romcom, drama, at action na madalas niyang ginagawa noon sa ABS-CBN, kung saan nagsimula ang showbiz career niya noong 2010?
Sagot niya: "Well, marami akong gustong gawin na genre, actually. Gusto ko pang i-try ang action kasi sobra akong nag-enjoy doon sa Batang Quiapo.
"So, action, romance, and comedy. Gusto ko rin ma-try ang comedy kasi feeling ko kaya kong maging comedian.
"Kasi puro ako drama, lalo na nung bagets ako, lagi akong umiiyak. Gusto ko lang i-try, you know, feeling ko funny ako e."
Sa ngayon, may mga proyekto nang nakapila para kay Andrea na tiyak na magugustuhan daw ng kanyang mga tagahanga.
Saad niya: "Abangan nila, ayokong ma-spoil, lalo na ang galing manghula ng mga tao, e.
"Abangan na lang talaga nila. Maraming mga first time ko pa lang gagawin sa mga gagawin kong project [dito]."
Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19
Andrea’s projects in ABS-CBN
Noong 2010 nagsimula ang karera ni Andrea sa bakuran ng ABS-CBN nang mapasama siya sa children’s comedy show na Goin’ Bulilit.
Mula noon, nagsunud-sunod na ang acting projects na ibinigay sa kanya, kung saan siya rin ang bumida.
Kabilang dito ang mga seryeng Annaliza (2013), Kadenang Ginto (2018), Huwag Kang Mangamba (2021), Senior High (2023), at High Street (2024).
Huling napanood si Andrea sa FPJ’s Batang Quiapo.
