GORGY RULA
Si Andrea Brillantes ang isa sa pinag-uusapang dating Kapamilya actress na magiging Kapuso na raw.
Pero walang sagot dito ang kampo ng aktres.
Ang latest na nakuha naming impormasyon ay pumirma pala si Andrea kamakailan lang sa Rein Entertainment para isang exciting movie na gagawin nila.
Read: Andrea Brillantes, ano ang itinuturing na biggest achievement?
Ipinadala sa amin ng Rein Entertainment ang ilang kuha ng contract signing ni Andrea kasama ang manager nitong si Shirley Kuan.

Ang sabi lang sa amin ni Direk Lino Cayetano, pinaghahandaan nila ang isang pelikulang pagbibidahan ni Andrea. Isang drama-thriller daw na ididirek ni Sigrid Andrea P. Bernardo.
Abangan na lang daw ang kanilang official announcement.

“Andrea brings both strength and sincerity to every role.
“We’re thrilled to have her lead this new film and look forward to exploring more opportunities to work together, including future series collaborations,” saad ni Direk Lino Cayetano.
NOEL FERRER
Ang huling teleseryeng ginawa ni Andrea para sa Kapamilya network ay ang FPJ’s Batang Quiapo.
After that, wala pa tayong nababalitaang susunod niyang project sa ABS-CBN.
Totoo bang pipirma siya bilang Kapuso?
OK naman. Pero hindi ba medyo nagsisiksikan na rin ang mga talents sa Kapuso network?
Maganda ring gauge ang pelikula niya sa Rein Entertainment kung ma-establish niya ang record niya sa box office.
So, good luck, Andrea!
JERRY OLEA
Naulinigan natin noon pa na may movie project si Andrea with Enrique Gil.
Ito ba yung sa Rein, o iba pa?
Kung magiging Kapuso man si Andrea, OK na iyon para magkaiba na sila ng bakuran ni Kathryn Bernardo, at mapalayo na rin kay Daniel Padilla na nali-link naman kay Kaila Estrada.
Read: Does Andrea Brillantes still believe in love?
Sa Nobyembre 30, 2025 ay second anniversary na ng announcement ng KathNiel breakup, kung saan nadawit si Andrea.
