PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emman Atienza recalls joys of childhood days before her passing

Kuya Kim replied to her, saying he's excited to see his "dearest Emman" again.
by Rachelle Siazon
Published Oct 25, 2025
Emman Atienza posts joys of childhood days before passing
Emman Atienza posted snapshots on her Instagram of her simple joys growing up in the Philippines nearly a week before she passed away in the U.S.
PHOTO/S: @emmanatienza Instagram

Patuloy ang pagdagsa ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Emman Atienza.

Si Emman ay anak ng TV host na si Kim Atienza at lady boss na si Felicia Hung Atienza.

Marami sa mga nakikiramay ay "devastated" at hindi makapaniwalang hindi na muli masisilayan ang sigla at kabutihang ipinamalas ni Emman sa kanila.

Sa Instagram ni Emman, noon lamang October 17, 2025, nagbahagi pa ito ng masasayang litrato mula sa kanyang pagkabata.

Kalakip ng Philippine flag at heart emoji, saad sa caption ng kanyang post: "this post is dedicated to my childhood and the zoo that raised me."

EMMAN ATIENZA CHILDHOOD PHOTOS

Una sa kanyang photo carousel ay litrato ng 11 na aso, na ilan lamang sa iba-ibang alagang hayop na kinalakihan ni Emman.

Emman Atienza posts childhood photos a week before passing
Photo/s: @emmanatienza Instagram a family that loves dogs.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawa ay litrato ni Emman, noong bata pa lang siya, na masayang nagtatampisaw sa batya na may bula sa mga labadang damit.

Emman Atienza posts childhood photos a week before passing
Photo/s: @emmanatienza Instagram SIMPLE JOYS OF CHILDHOOD

Ikatlo ay litrato ni Emman na nakaupo sa make-up chair at nilalagyan ng kolerete sa mukha.

Ikaapat ay ang masayang litrato niya na kuha nang mag-uwi siya ng apat na gold medals bilang isang batang gymnast.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Emman Atienza posts childhood photos a week before passing
Photo/s: @emmanatienza Instagram THE GYMNAST IN THE FAMILY emman is a bemedalled child gymnast

Ikalima ay kuha ni Emman sa isang beach na waring kakatapos lamang mag-aral ng surfing.

Ikaanim ay litrato niya sa tuktok ng snow-covered mountain na halatang nag-enjoy sa skiing.

Ikapito ay solo picture niyang nakaupo sa batya na ginawa niyang bathtub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Emman Atienza recalls joys of childhood days before passing
Photo/s: @emmanatienza Instagram more simple joys of childhood

Ikawalo ay litrato niya kasama ng ina at kapatid na may hawak na pumpkin baskets para sa Halloween trick or treat.

Ikasiyam ay kuha matapos niyang sumali sa isang fun run at masayang may hawak na cotton candy.

Emman Atienza recalls joys of childhood days before passing
Photo/s: @emmanatienza Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikasampu ay litrato niya na nakaangkas sa motor ni Kuya Kim.

Ikalabing-isa ay childhood photo nila ng kapatid kasama ng mga alagang puting puppies.

May litrato rin siya sakay ng yacht kasama ang ina at kapatid na ine-enjoy ang sunset view sa dagat.

Tulad ng ibang bata ay mga simpleng bagay ang nagbigay ng lubos na kasiyahan kay Emman.

Mahihinuhang na-miss din niya ang mga mahal sa buhay at bansang Pilipinas kunsaan siya lumaki at nagkamalay.

Nang i-post ni Emman ang IG carousel noong October 20, nag-comment pa ang ama niyang si Kim at nagsabing: "So excited to see you again dearest emman!"

Nasa U.S. si Emman nang siya ay bawian ng buhay noong October 22, 2025.

Hindi inaasahan ang pagpanaw ni Emman, base na rin sa pahayag ng kanyang pamilya.

Read: Emman Atienza’s last Threads post shows pain from online hate

KUYA KIM ATIENZA RESHARES MESSAGES FROM FAMILY, FRIENDS, COLLEAGUES

Sa Instagram Stories ni Kim, sunud-sunod niyang ibinahagi ang pag-alala ng mga kaibigan, kaibigan, katrabaho, at ibang taong nabiyayaan ng presensya ni Emman noong nabubuhay pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilarawan si Emman ng isang kaklase nito bilang kind and supportive friend na nag-impluwensiya raw rito ng "love for climbing."

Puno raw si Emman ng "love, laughter, and support" at tinulungan siyang maging confident sa kanilang hobby.

Naalala naman ng isang kaibigan ang kakulitan at pagging "carefree" ni Emman pag magkakasama silang magkakaibigan.

Isa pa ang nagbahagi ng pagiging "sweet angel" ni Emman sa mga bata na sinamahan nito sa paglalaro ng piano.

Naalala naman ng ibang kaibigan na si Emman ay "full of energy, laughter, and light."

Magaan daw ang presensiya niya at "sobrang genuine" at "bright soul."

May foreigner friend din si Emman na nagpatunay na marami raw kuwento si Emman tungkol sa bansang sinilangan at kung gaano nito kamahal ang pamilya at mga kaibigan.

Pumanaw man si Emman ay mananatili ang liwanag na naiwan nito sa mga mahal sa buhay.

To those who are seeking either someone to talk to or professional help because of mental health issues, you may call National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 and mobile number 0966-351-4518.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Emman Atienza posted snapshots on her Instagram of her simple joys growing up in the Philippines nearly a week before she passed away in the U.S.
PHOTO/S: @emmanatienza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results