PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?

Vice Ganda's Heart Evangelista namedrop in It's Showtime
by Arniel C. Serato
Published Oct 25, 2025
Vice Ganda throwing shades at Heart Evangelista?
Vice Ganda on sending out aid in a school in Sorsogon: "Di ba nga kinukwento ko sa yo, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista. Na isang paaralan na walang reading materials. Pinaggawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials. Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school."
PHOTO/S: Courtesy: It's Showtime on YouTube

May pinatatamaan ba si Vice Ganda sa kanyang mga pahayag sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime kahapon, October 24, 2025?

Ang mga manlalaro sa 16th anniversary telecast ng noontime show ay single parents.

Isa sa kanila ay si Aling Gloria, na may apat na anak at hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral.

Vice Ganda and
Vice Ganda and "Laro Laro Pick" contestant Aling Gloria in yesterday's episode of It's Showtime.
Photo/s: Courtesy: It's Showtime on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino, First Lady Liza Marcos spotted together

Ayon kay Aling Gloria, dalawa sa kanyang anak ang nahinto sa pag-aaral dahil sa kawalan ng pera.

Gusto raw ng mga itong bumalik sa pag-aaral sa kolehiyo para na rin sa kanilang kinabukasan.

Naikuwento rin ni Aling Gloria na maaga siyang nagbanat ng buto dahil naulila siya ng mga magulang dahil sa aksidente.

Ayon kay Vice, maraming mga ganitong kuwento ang mga kabataan na hindi nakapagtapos dahil kailangan nang magtrabaho para mabuhay.

Pahayag ni Vice: "Iyan yung realidad sa lipunan natin na dapat ay talakayin ng pamahalaan.

"Kung paano natin maibabalik ang mga mag-aaral sa silid-paaralan. Kung paano mailalayo ang mga kabataan sa kalsada, sa kapahamakan, at mababalik sa paaralan.

"Paano natin matutulungan ang mga magulang na maibalik ang kanilang anak sa paaralan? Nang sa ganoon, magkaroon ng sapat na edukasyon ang kabataan."

Pagsang-ayon ni Anne Curtis: "Tama. Tama. At dapat din, may classrooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natatapos yung mga classrooms para sa mga kabataan. Kasi andami...

"Maraming mga rehiyon, mga regions, na walang classroom ang mga bata.

"Nakaupo sila sa lapag. Wala silang classrooms."

VICE GANDA: "Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista."

Sa puntong ito, ibinahagi ni Vice ang kanyang karanasan ang bisitahin niya ang isang eskuwelahan sa lalawigan ng Sorsogon.

Waring may kalakip na pahaging ni Vice: "Di ba nga kinukwento ko sa yo, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista.

"Na isang paaralan na walang reading materials. Pinaggawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials.

"Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school."

Si Heart ay asawa ni Senator Chiz Escudero, na nanilbihang congressman (1998-2007) at governor (2019-2022) ng Sorsogon.

Ang tinutukoy namang paaralan ni Vice ay ang Bagacay Elementary School sa Barcelona, Sorsogon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
vice ganda bagacay elementary school
Vice Ganda visited the Bagacay Elementary School in Barcelona, Sorsogon.
Photo/s: iWant YouTube

Pagpapatuloy ni Vice: "Kailangan ayusin ang paaralan.

"Kailangan tulungan ang mga magulang na mailagay sa paaralan ang mga anak.

"Kailangan ng tulong ng mga Pilipinong magulang mula sa pamahalaan. Actually, hindi siya basta tulong lang."

Ipinunto ni Vice na trabaho ng mga lider sa gobyerno na punan ang pangangailangan ng taong-bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dire-diretsong pahayag ni Vice: "Actually, isa siyang serbisyong deserve ninyo, galing yan sa tax ninyo.

"Actually, hindi niyo utang na loob kung may classrooms.

"Hindi utang na loob ng Pilipino kung may maayos na lipunan. Hindi niyo yan utang na loob.

"Yan ay deserve ninyo bilang mga Pilipinong nagbabayad ng buwis araw-araw.

"Kaya huwag rin kayo nagpapasalamat. 'Salamat, Mayor,' 'Salamat, Congressman,' hindi nila pera yan.

"Inyo yan. Atin yan. Okay?

"So ngayon, dahil wala pang ganyan, dahil kumakalampag pa tayo, tayo muna ang magtulungan. Okay."

Sundot pa ni Vice, "Habang nag-aantay tayo ng mga makukulong, tayo muna ang magtutulungan."

Read: Magkapatid na Kim at Alessandra Atienza, pareho ng karanasan

NETIZENS REACT TO VICE GANDA namedropping heart evangelista

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang pahayag ni Vice.

Napansin nila ang pagbanggit ni Vice sa pangalan ni Heart na dalawang beses daw nitong inulit.

Napatanong ang netizens kung pasimpleng nagpatama raw ba si Vice kay Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?
Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?


May iba ring netizens ang pumuna sa anila'y marangyang pamumuhay ni Heart.

Sa mahal daw ng mga kagamitan ng actress-fashion content creator ay maaari raw sana iyong makatulong sa pagpapatayo ng mga paaralan sa Sorsogon.

Netizens on Heart Evangelista
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on Heart Evangelista

Read: Ultimate Guide to the Seven Official Entries of CineSilip 2025

VICE GANDA DONATES FUNDS FOR SCHOOL CONSTRUCTION IN SORSOGON

Noong October 4, 2025, sa “Laro Laro Pick” segment din ng noontime show, nagkuwento si Vice tungkol sa paglabas niya ng sariling pera para pambili ng reading materials at pag-fund sa contruction ng isang public school sa Sorsogon dahil sa nakakaawang estado nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon kasing mga guro ang manlalaro at ang nakarating sa dulo ay si Teacher Mitch, na nagkuwento tungkol sa mga hamong pinagdaraanan niya bilang guro sa Malinta.

Vice Ganda and
Vice Ganda and "Laro Laro Pick" segment contestants last October 4, 2025.
Photo/s: Courtesy: It's Showtime on Facebook

Kabilang na rito ang laging pagsuong niya sa baha dahil lubog sa tubig ang kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga gamit din daw siyang binibili, tulad ng printer, na mula sa sarili niyang pera dahil kailangan ng mga mag-aaral.

Sabi ni Vice, “Alam mo, maraming eskuwelahan na ganyan, ah, yung learning materials, wala.”

Dito na binalikan ni Vice ang pagkatuklas niya sa Bagacay Elementary School sa Sorsogon.

Saad niya: “Nagpunta ako ng Sorsogon. Mapapanood niyo ito sa content ko na Gandara The Beksplorer.

“Umabot ako ng Sorsogon, ‘tapos meron akong pinuntahang isang eskuwelahan doon, public school. Wala silang libro. Wala silang learning materials.

“’Yung mga libro nila, punit-punit, lumang-luma. Kunyari page one, ang susunod page 11 na.”

Mga teachers na daw ng school ang humiling sa kanya na mabigyan sila ng mga gamit.

Dagdag niya, “So, ang hiling lang nila sa akin, e, tulungan silang magkaroon ng reading materials kasi wala silang matino, disente, at sapat na reading materials doon sa public school sa Sorsogon.

“Kaya nag-donate ako ng reading materials at pinagawa ko yung eskwelahan dahil yung eskuwelahang iyon talaga, manlulumo ka sa hitsura.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, inusisa raw ni Vice ang mga namamahala sa eskwelahan kung dumulog na ba sila sa gobyerno para humingi ng tulong.

Lahad ni Vice, “Sabi nung kausap ko, ‘Dinulog ko na po iyan, teacher pa lang ako. Hanggang naging principal na ako, hanggang sa nag-retire na po ako, hindi po umabot sa amin yung hinihiling namin [na tulong].”

Hindi lang ang pagpapagawa ng school at ang pagdo-donate ng learning materials ang sinagot ni Vice.

Sabi niya, “Kaya na-sad ako talaga. Wala rin silang wi-fi, so tinulungan namin ang eskuwelahan doon.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na isa si Vice Ganda sa mga artistang tumatayo para ilaban ang karapatan ng taong-bayan pagdating sa paghingi ng tapat at magandang serbisyo mula sa mga pulitiko.

Read: Vice Ganda recalls funding school's construction in Sorsogon

Noong September 21, isa si Vice sa mga artistang nanguna sa Trillion Meso Parch sa EDSA, para panagutin ang mga pulitiko, government officials, at contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

SENATOR CHIZ ESCUDERO TAGGED IN ALLEGED FLOOD CONTROL SCANDAL

Nadawit si Senator Chiz Escudero sa imbestigasyon ng Senado sa flood control projects.

Sa Senate hearing noong September 25, itinuro ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo si Escudero bilang isa umano sa mga senador na tumanggap ng milyun-milyong porsyento mula sa pondo ng flood control projects.

Read: Escudero, Revilla, Binay tagged in flood control controversy

Mariing pinabulaanan ni Escudero ang aniya'y mga kasinungalingan at malisyosong paratang sa kanya ni Bernardo.

Noon ding araw na iyon ay naglabas si Escudero via Facebook ng kanyang opisyal na pahayag.

Read: Escudero, Binay deny involvement in flood control corruption

Noong September 26, kasama si Senator Escudero sa 21 na indibidwal na inirekomenda ng National Bureau of Investigation na masampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, indirect bribery, at malversation.

Nanindigan naman si Escudero na ang mga alegasyon sa kanya at ibang senador ay bahagi umano ng "script" para pagtakpan ang "mga tunay na may sala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind

Sa kasalukuyan ay walang pormal na reklamong inihahain sa mga nadawit sa flood control projects.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on sending out aid in a school in Sorsogon: "Di ba nga kinukwento ko sa yo, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista. Na isang paaralan na walang reading materials. Pinaggawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials. Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school."
PHOTO/S: Courtesy: It's Showtime on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results