Walang katotohanang buntis ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis.
Pinabulaanan ito ni Anne matapos dagsain ng komento ang isa niyang video sa Instagram, kunsaan siya makikitang sumasayaw ng "The Fate of Ophelia" ni Taylor Swift habang nasa ilang tourist spot sa New York City.
Caption ni Anne sa kanyang post, "Danced my way around the city. Song on repeat this whole trip. #VSfashionshow."
Netizens Assume Baby No. 2 for Anne
Sa comments section ng post ni Anne ay bumuhos ang komento ng netizens na kino-congratulate ang It's Showtime host.
Read: How motherhood influenced Anne Curtis's home-styling choices
Ito'y matapos nilang mapansin ang umano'y pagdagdag ng timbang ni Anne at ang pagkakaroon niya diumano ng baby bump.
"Baby is waving. Congratulations, ate," komento ng isang netizen.
Ang haka-hakang pagdadalantao niya ay mabilis itinanggi ni Anne nang replayan niya ang nasabing netizen.
Aniya (published as is), "lol tumaba lang baby agad?"
Read: Lee Yi Kyung vindicated as lewd chats turn out to be AI-made
Isa pang netizen ang nag-comment ng, "Baby bump [smiling face with heart-shaped eyes]."
Nireplayan ito ni Anne ng, "More like pizza bump [laughing in tears emojis]."
"Buntis ba si Anne?" dagdag pa ng isang curious na netizen.
Hindi nagdalawang-isip si Anne na sagutin ito.
Saad niya, "Hindi. Busog lang beh."
Anne’s fans say no to body shaming
Bagamat kalma lang ang pagsagot ni Anne sa mga nag-akalang buntis siya, ilan sa kanyang mga tagahanga ang pumuna sa anila'y mga palihim na nagba-body shame sa aktres.
Pagtatanggol ng isang fan ni Anne: "NAKAKAINIS YUNG MGA BW*S*T NA MGA COMMENTS DITO NA ANG INSENSITIVE. YOU DON'T ASK OR ASSUME PREGNANCY BASED SA KATAWAN NG BABAE. JUSKO, 2025 NA MGA ATECCO."
Read: Sunshine Cruz considers filing charges against fake news peddlers
Sabi ng isa (published as is): "I checked the profiles of those people who said 'baby bump' or 'seems like she’s preggy' whatever… d rin naman pala sila sexy hahahaha people people maka lait wagas kunyari happy greetings pero sarcastic ang dating… please grow up ya’ll."
Saad pa ng isa (published as is), "ASSUMING or ASKING about pregnancy based on someone’s body is NOT okay. It’s rude and inappropriate! Bump where? That’s called a normal human body."
"Ang t*nga lang, magka iba ung inaassume na buntis sa bina-body shame ha," dagdag pa ng isa.
Read: Anne Curtis encourages aspiring stars to dream big, work hard
March 2020 nang isilang ni Anne ang una nilang supling ng asawang si Erwan Heussaff—si Dahlia Amelie.

