Palaban ang mga birada ng longtime personal assistant ni Heart Evangelista na si Resty Rosell laban kay Vice Ganda.
Kasunod ito ng tila pagpaparinig ni Vice sa It's Showtime, noong October 24, 2025, ng personal na karanasan nang minsang mapagawi ang TV host sa Sorsogon.
Ang Sorsogon ang lalawigan ng mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero.
Sa kuwento ni Vice, meron siyang isang paaralang tuluyang naipatayo roon mula sa sariling pera.
Bumili rin daw siya ng reading materials para sa eskuwelahang ito.
Buong sabi niya habang kakuwentuhan si Anne Curtis sa "Laro Laro Pick" segment ng show: "Di ba nga kinukuwento ko sa 'yo, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista.
"Na isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials.
"Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school."
Read: Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?
HEART evangelista ASSISTANT RESTY LOPEZ CALLS OUT VICE GANDA
Sa sunud-sunod na post sa Instagram Story ni Resty, direktang tinag ng PA si Vice sa pagtatanggol nito kay Heart.
Naka-background sa post ang It's Showtime clip.
Sa unang post, sabi ni Resty [published as is]: "@praybeytbenjamin saang probinsiya ni heart evangelista po ang sinasabi mo? SA DEPED po kayo manawagan kasi meron BUDGET ang DEPED para sa mga school building and reading materials na sinasabi mo. Ano ang intention mo to mention heart's name? para ano?? mema? memasabi ka lang? KALOKAAAA!!!"

Pagtawag niya muli sa atensiyon ni Vice: "@praybeytbenjamin for CLOUT??????"

Kasunod nito ay ipinakita niya ang isang listahang pinamagatang "Heart Evangelista — Charity Works in Sorsogon."
Aniya: "@praybeytbenjamin Ito ba ang probinsiya ni heart evangelista na sinasabi mo??"

Read: Miss Universe 2025 to push through with slight adjustments
RESTY ALSO CALLs ATTENTION OF DEPED & SEC. ANGARA
Hindi pa natigil doon si Resty.
Tinawag din niya ang pansin ng Department of Education (DepEd) at ni Secretary Sonny Angara.
Sabi ni Resty: "@depedphilippines nanawagan po sa inyo si @praybeytbenjamin sa probinsiya daw ni heart evangelista na hindi naman sinasabi kung saang probinsiya at kung anong municipality siya nagdonate ng reading materials and nagpagawa daw ng school building."

Dagdag pa ni Resty: "@depedphilippines BULOK DAW po ang paaralan niyo sabi ni @praybeytbenjamin @sonnyangara"

Nagsumbong din siya kay Angara.
Aniya: "Sec @sonnyangara bulok daw po ang paaralan niyo, gawan niyo po ng paraan ang hinaing ni @praybeytbenjamin at magbigay po kayo ng reading materials."

Pati asawa ni Angara na si Tootsy Angara ay tinag ni Resty.
Sabi ng PA: "@praybeytbenjamin si madame @tootsyangara dapat callout mo hindi si heart evangelista kasi hindi naman siya ang asawa ng deped sec."

Ipinakita din niya ang bahay ng mga magulang ni Heart sa Carmona, Cavite, at sinabing walang kaugnayan ang boss niya sa Sorsogon.
Aniya, "@praybeytbenjamin ito ang bahay ng family ni heart sa CARMONA, Ito po ba ang probinsiya na sinasabi mo? Sa carmona ba ang may bulok na school building?"

Read: Heart Evangelista explains absence at Trillion Peso March rally
RESTY WANTS VICE TO call OUT SORSOGON'S POLITICIANS
Pati mga pangalan ng mga pulitiko sa Sorsogon ay ipinaaalam rin niya kay Vice.
Mga ito raw ang dapat niyang kalampagin at hindi si Heart.
Ipinakita niya kung sino ang mga nanalo nitong nakaraang May 2025 election doon.
Aniya: "@praybeytbenjamin ito ang listahan ng mga nanalo noong eleksyon sa sorsogon, ni isa hindi mo ba kilala? si heart ang kilala mo sa sorsogon?"

Pinakitaan din niya ng resibo si Vice ng show nito sa Sorsogon noong 2023.
Aniya: "Impossible naman @praybeytbenjamin na hindi mo kilala mga politicians sa sorsogon kasi 2023 nagshow ka at doon. bakit kailangan si heart ang mention mo? dapat kay secretary of deped @sonnyangara ka nagsabi before ka magbida bida."

Sabi rin niya kay Vice, kung saan naka-tag pa si GMA Network Senior Vice-President Annette Gozon-Valdes: "@praybeytbenjamin nag AMBAG ka lang pero kung makapagyabang ka parang ikaw yung nagpatayo ng buong building.
"@annettegozonvaldes ano po ang masasabi mo madam?"

Nag-post din ang PA ng screenshot ng naging isyu ni Vice at ang singer-comedian na si Ate Gay.
Ani Resty [published as is]: "#Justiceforategay! Ganun ka pala @praybeytbenjamin kapag tinulungan mo at binulgar ang price magagalit ka, Eh pano kung ibulgar ng Sorsogon DepEd donation mo?ibalik nalang ang pera!"

Wala pang tugon si Vice sa mga patutsada sa kanya ni Resty.
Gayunpaman, direktang humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Instagram ng panig ni Vice.
Humingi na rin kami ng tulong sa executive producer ng It's Showtime sakaling magbigay ng pahayag si Vice.
NOTES FROM JO-ANN Q. MAGLIPON
PEP EDITOR-IN-CHIEF
Sa mga nagbabasa nito, maaaring may pangangailangan ng context.
Bakit si Heart Evangelista ang binanggit ni Vice Ganda?
Malamang ito'y dahil nasa iisang propesyon at parehong A-list celebrities ang dalawa, kaya't kung may name recall si Vice, ganoon din si Heart. Maaaring maisip mo si Heart kung babanggitin ang Sorsogon, ang bailiwick ni Chiz Escudero.
Si Chiz, o Francis Joseph Guevara Escudero, ay incumbent senator, 2022-2028. Karga-karga niya ang pangalan ng Sorsogon dahil naging representative siya ng First District ng lalawigan noong 1998, 2001, at 2004. Naging gobernador din siya ng Sorsogon noong 2019.
Liban sa individual standing niya bilang pulitiko, ang Escudero family ay ibinibilang sa political dynasties ng Pilipinas. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Bernadette "Dette" Escudero ay second-term representative ng First District ng Sorsogon. Escudero rin ang kasalukuyang vice-governor ng probinsiya, habang dalawa pang Escudero ang vice-mayor at municipal councilor naman sa Casiguran.
Ibig sabihin, malaki ang kagagawan ng mga Escudero sa ikinauunlad—o hindi ikinauunlad—ng kanilang probinsiya. Hahanapan at hahanapan ng publiko ng paliwanag ang pamilya Escudero kung sa lugar nila'y may bulok na paaralan na salat pa sa educational materials.
Nang mapangasawa ni Love Marie Payawal Ongpauco, aka Heart Evangelista, si Chiz noong 2015, nag-high profile na rin ang magandang aktres sa Sorsogon. Nangampanya ito roon para kay Chiz, ayon na rin sa YouTube videos ng actress/endorser, at nagkaroon pa ito ng charity projects para sa lalawigan.
Sa ibang salita, kilala si Heart sa Sorsogon. Isa siya sa mga top-of-mind kung pag-uusapan ang mga prominenteng tao ng lalawigan. Samantala, tila hindi naman siya prominente sa lugar ng kanyang mga magulang na binanggit ng PA, ang Carmona, Cavite.
Bakit galit na galit ang PA ni Heart?
Dahil tingin niya'y na-single out ang kanyang amo. Tingin niya'y napakaraming iba pang dapat managot, bakit si Heart ang babanggitin? Direktang ipinapasa nga niya ang isyu ng bulok na paaralan—sa DepEd, sa DepEd secretary at sa misis nito, at gayon na rin sa lahat ng nahalal sa Sorsogon.
Ngunit maaaring nakadagdag sa init ng kanyang reaksyon ang usap-usapan sa bansa ngayon tungkol sa nepo babies at nepo wives. Iniisip niyang dahil dito ay mas mapag-iinitan pa si Heart.
Na malamang ngang mangyari.
Si Heart ay influencer. Parte ng kanyang "branding," ayon na rin sa kanya, ay ang mapalibutan ng luxury goods na kanyang iniendorso upang ilako. Ang hinahabol niya ay ma-associate sa high-end, branded, at signature products na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, mula damit, sapatos, bag, jewelry at iba pang palamuti sa mundo ng fashion at glamour.



Mangyari pa, may spillover ang ganitong mundo sa tunay na buhay.
Ang biniling condo ni Heart sa Paris, halimbawa, ay matatawag na plush, at tila panay branded furniture ang mamamataan dito. Ang kanyang personal wardrobe ay papunta na sa signature-clothes-only, ayon na rin sa kanyang wish list sa isa niyang video vlog. Kitang-kitang pataas nang pataas ang kanyang lifestyle, at mahirap sabihing walang malaking ambag dito ang kanyang mister, kahit sabihin pa ni Heart na sila'y may pre-nup agreement. Hindi rin naman masasabing siya ay top earner bilang influencer dahil, kung ganito nga ang kalakaran, inaasahang nasa listahan siya ng top tax payers, tulad ni Vice.
Sa isang developing country—na mas maganda lang pakinggan kaysa Third World—mahirap na basta lang tanggaping isyu ng "branding" o isyu ng "job" requirement ang personal purchases ni Heart. Ibig bang sabihin nito'y hindi iyan ang tunay na panlasa niya? Trabaho lamang? Kelangan lang gastusan—P21.1 million para sa Hermès Birkin, Bulgari necklace para sa aso—para maging katanggap-tanggap sa sirkulong inaasam?
Samantala, ang isang libro sa Math para sa Grade 1 ay mabibili sa halagang 99 pesos lamang, ayon sa online site ng National Bookstore. Ngunit may mga iskuwelahan pa ring walang matitinong libro.
Read more:
- Heart Evangelista totes PHP21.1-M Hermès Birkin in Japan
- Heart Evangelista wears PHP10.7 million Cartier jewelry to the beach
- Heart Evangelista stunningly on fleek year after year at GMA Gala
- Heart Evangelista jokes about her "2 years to pay" Hermès bag
- Heart and Chiz tease Bulgari necklace
- Heart Evangelista stuns in Maison Schiaparelli, Bulgari at GMA Gala 2023
- HOW MUCH? Accent pieces in Heart Evangelista's Paris apartment
- HOW MUCH? Heart Evangelista, Jinkee Pacquiao's polar bear chair
- Heart Evangelista defends letting her dog wear Bulgari necklace
- Heart Evangelista wears P9M Bulgari Serpenti Viper Necklace
- Heart Evangelista unboxes her new Hermès bag
- Heart, Pia top celebrities at NY, Milan, Paris Fashion Weeks
- Heart Evangelista in handpainted Schiaparelli at GMA Gala 2025
- Heart Evangelista and her three-story townhouse in QC
