PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna laughs off rumor linking Sarah Lahbati to marital woes

Ellen Adarna: "grabe ang remix ng stories."
by Bong Godinez
Published Oct 27, 2025
sarah lahbati and ellen adarna on ogie diaz's rumor
Ellen Adarna (left) to Ogie Diaz (not in photo) on Sarah Lahbati (right): "...if i wanted to buy a house sooo bad, bilhin ko myself. And hindi house agent si sarah. Wala sa skill set nya yan."
PHOTO/S: Facebook

Pumalag si Ellen Adarna sa pahayag ng showbiz reporter/talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa asawang si Derek Ramsay.

Sinabi kasi ni Ogie sa kanyang "showbiz update" noong October 24, 2025, sa YouTube, na may kinalaman ang aktres na si Sarah Lahbati sa pagkakaroon ng lamat sa pagsasama nina Ellen at Derek.

Ayon kay Ogie, may napupusuan daw na bahay si Ellen, subalit hindi pabor si Derek dito dahil sa napakamahal na presyo ng property.

"Nakarating pa sa atin, mas magandang linawin na rin nila ito, kung gaano katotoo na ang nagpu-push kay Ellen o nagku-convince kay Ellen na bilhin na yung bahay ay si Sarah Lahbati. Totoo ba yun, Sarah? Pakilinaw mo, ha," kuwento ni Ogie.

"Kasi parang nag-aahente raw itong si Sarah Lahbati kay Ellen para bilhin yung bahay. Kasi nga, ibig sabihin, pag nag-aahente, nangungumisyon. Kaya lang hindi kaya ni Derek na bilhin yung bahay for now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda

ELLEN-DEREK RUMORED SPLIT

Ilang buwan nang maugong ang usap-usapang hiwalay na sina Ellen at Derek, bagamat nauna na itong itinanggi ng dalawa at hiniling na huwag na silang intrigahin dahil pareho na silang hindi aktibo sa showbiz.

Pero lalong lumakas ang espekulasyon noong absent si Derek sa unang kaarawan ng anak nila ni Ellen na si Lily noong October 22, 2025.

Sa comments section ng kanyang Instagram account, kung saan nag-post si Ellen ng mga larawang kuha sa birthday party ng anak, may netizen na nagtanong kung bakit wala si Derek sa espesyal na okasyon.

Sa sagot ni Ellen sa tanong, sinabi nitong pinadalhan niya ng imbitasyon si Derek, pero hindi raw niya alam kung bakit hindi ito nagpunta.

ellen adarna on derek ramsay
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ELLEN TO OGIE: "CLARUHIN LANG NATIN."

Matapos ng dalawang araw, nadawit sa isyu si Sarah.

Sa pamamagitan ng Instagram Story ay ibinahagi ni Ellen ang naging pag-uusap nila ni Sarah.

Sumbong ni Sarah kay Ellen, bago inilagay ang TikTok link kung saan mapapanood ang pahayag ni Ogie: "Ako daw reason ng break up niyo WTF."

Sagot ni Ellen: "Loooollll ince when were u a house agent???!! lOOOLL ahahahahhah i kennot with these people."

Dagdag pa ni Ellen: "Omg im laughing anooong chismis eto ahahahahhahahahhahahhhha."

Sa parehong screenshot na shinare ni Ellen ay naglagay ito ng mensahe para kay Ogie: "mama og... claruhin lang natin... pag sure sa imong source. Tawang tawa kami sarah sayo. Laro ka [LOL emoji]

"if i wanted to buy a house sooo bad. bilhin ko myself. And - hindi house agent si sarah. Wala sa skill set nya yan [LOL emoji] Ano na?!! [LOL emoji] grabe ang remix ng stories kklk."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tweetie de Leon and Christine Jacob talk about aging gracefully

Ellen Adarna, Sarah Lahbati
Photo/s: Ellen Adarna (Instagram)

Pinost din ni Sarah ang parehong screenshot na ibinahagi ni Ellen, at sinabi rin nito ang kanyang saloobin sa isyu: "every sunday may hanash while i mind my own business hahahaha."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna (left) to Ogie Diaz (not in photo) on Sarah Lahbati (right): "...if i wanted to buy a house sooo bad, bilhin ko myself. And hindi house agent si sarah. Wala sa skill set nya yan."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results